Chapter 5 - Parekoy
Jasmine's POV
Nagchikahan lang kaming lahat. Naging okay naman. Friends na lahat. Maya-maya may lumabas na isang magandang babae mula sa isang kwarto. Magka-edad lang siguro sila ni Mommy.
"Good morning Mom." Bati ni Kai sa babaeng nagmula sa kwarto.
Ahh so nanay niya yun.
Tumayo ako at si Chanyeol, tumayo na rin ang mga kapatid ko at si Min Yoon.
"Good morning po Tita." Bati ni Chanyeol
"Good morning po." Bati ko sabay bow sakanya bilang respeto.
"Good morning po Tita!" sabay sabay na bati nina Faye, Dan at Min Yoon
"Magandang umaga Faye, Jude, at Carlotte. At sino 'tong magandang dalaga dito? Anong nangyari sa braso't legs mo iha?"
Magkakakilala na sila?!
"Aah, ako nga po pala si Sofia Jasmine Lee, kapatid po nina Faye at Dan. Wala po ito, hindi ko po sinasadyang matumba sa bike."
"Wag ka na magsinungaling Jas. Tita nabangga po siya ni Kai hehehe"-Chanyeol
"Ikaw pala yung panganay na anak ni kumare ko jan sa kabilang bahay. Naku anong ginawa sayo nitong si Kai, tsk. Kkamjong mag-ingat ka naman."
"Ma! Kai ang pangalan ko."
Tawa ng tawa si Chanyeol. Pasaway na bata! Tsk. Close na siguro siya sa Mama ni Kai. Pero ano yung Kkamjong? HAHAHA nakakatawa!
"Hija, nagamot ba yan ng maayos?"-Mama ni Kai
"Uhm, siguro po. Kung magaling maglinis ng sugat si Kai. ^__^"-Ako
"HAHAHA"-Lahat except for Kai and me
"Ohy! Magaling ako noh!"-Kai
Nagtawanan nalang kami.
"Nag-biking pala kayo. Halikayo mag almusal tayo."-Mama ni Kai
Nag-alanganin ako pero yung mga kapatid gora bells. Sumunod na sila sa Mama ni Kai pero ako hindi gumalaw sa kinatatayuan ko. Binalikan ako ni Kai tapos inakbayan niya ako.
"Tara na~ Wag na mahiya Parekoy."
"Parekoy?" nagtataka kong tanong.
"Maraming beses na nag-krus ang landas natin kaya bestfriend na kita. Okay ba Parekoy? ^__^"
Ngumiti ako tapos tumango. Siyempre tatanggihan ko pa bang maging bestfriend ng crush ko? Hindi! Shunga na lang ang o-oo. Pero sana higit pa sa bestfriend noh? HEHEHE Am I asking for too much?
Nag-breakfast na kami tapos konting kwentuhan at umuwi na rin. Sobrang kinikilig talaga ako kasi ayaw akong pauwiin ni Kai kung hindi niya ako ihahatid. Pinagpilitan talaga niyang ihatid ako pero in the end hindi niya ako naihatid kasi tinawagan siya ng isang kaibigan. Magkita daw sila nina Chanyeol kaya hindi na niya talaga ako maihahatid.
Pero okay lang yun, at least gusto niya akong ihatid diba? Shet naman. Ano ba 'tong feeling na 'to? HOLO!!! Alam ko yung mga ganitong bagay sa dramas, ganito yung part na nahuhulog na yung... HOLO!!! Ayoko mag-assume! Eto na kasi ba, kaya ayoko ng kaibigang lalaki. Baka ma-misunderstood ko lang. TT.TT
Paguwi kong bahay, inusisa ni Mommy kung bakit nababalutan ng putting bandage ang braso't left leg ko. Itatanggi ko sanang nabangga ako ni Kai pero wala na, nasabi na ng mga kapatid ko. Pero hindi naman siya nagalit kasi anak ng kumare eh. Sabi nalang niya ingatan ko daw, mag-apply daw ako nung mga gamot na makakapagpahilom agad at hindi mag-iwan ng peklat. Sayang daw kutis ko. Well, sabagay malaki-laki din yung sugat ko.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Boyfriend [EXO]
FanfictionEXO Fan Fiction (Filipino/Tagalog) One of the most read Filipino stories in 2013 (accdg to Wattpad po) Jasmine Lee is a simple (and naive) girl who loves K-pop then becomes friends with some K-pop looking and K-pop worthy guys. Discover her past, pr...