Chapter 59 – DKFC (1) Stalk
Jasmine’s POV
Nung matapos ang press con parang nawala ako sa tamang pag-iisip. Nakangiti lang ako. Pinapagalitan na nga ako ng mga kasama ko kasi mukha na daw akong tanga. Pinipigil ko naman yung pag-ngiti ko pero sadyang ayaw akong sundin ng zygomatic muscles ko. [Zygomatic muscles – muscles in your cheek that make you smile]
“’Nak saan ka na ngayon? Uwi ka na ba?” tanong ni Papa Lay sakin.
“Kayo ba?” tanong ko pabalik.
“Di pa, may kailangan kaming puntahan.”-Lolo Kris
“Aah ganun ba, edi sige puntahan niyo na. Hahanapin ko pa mga kaibigan ko dito eh.”-Ako
“Sige, anong oras ka aalis? Baka pwede na tayo mag-sabay?”-Chen
“Shunga ka ba? Baka abutin tayo ng midnight dito.”-Lay
“Ayy oo nga pala.”-Chen
“Okay lang baka abutin din ako ng midnight eh ^__^”-Ako
“Aah okay, sige mauna na kami.”
Lumakad na sila pero bigla na lang humarap sakin si Parekoy tapos hinawakan ang dalawang balikat ko.
“Jas, hindi ka mags-stay dito ah. May pasok tayo bukas. Sabay tayong uuwi mamaya. Hintayin mo ang tawag ko.”
“Eeessshh! Oo na nga. Alis ka na shoo!” Sama ko noh? XD Umalis na rin naman siya. Nakakainis yun, makabantay parang boyfr—joke lang! Kayo naman! Myehehehe
So hinanap ko na yung mga kaibigan ko na dapat kasama kong magche-check in dito sa hotel pero dahil nga sa hindi ako pinayagan ni Kai, hindi na ako makakatulog dito. Pero malay mo, pwede ko pa naman siyang takasan hehehe.
Nung magkita kami ng mga hinahanap ko, dumiretso muna kami sa room nila tapos pinagusapan yung mga info na nasagap nila sa kung saan. Napag-alaman kong mamayang 11 PM pa pala ang dating ng SHINee, SHINee lang kasi tsaka SNSD ang magche-check in dito sa Manila Hotel, yung iba sa Diamond Hotel. Ang SNSD naman hindi na namin inaasahan makita sa hotel since bukas pa ang dating nila, sa araw na mismo ng concert.
Nalaman ko din kung saang part ng Manila Hotel talaga naka-check in ang SHINee pero hindi specific yung room number kaya hindi namin alam kung saang floor. So ang plano namin ngayon, suyurin ang buong old Manila Hotel, kung saan dun daw posibleng naka-check in ang SHINee, kaya gora na kami. Tatlo kada team, iba’t ibang floor, hindi naman ganunu kataas ang old Manila Hotel eh. Seven floors nga lang ata. Di tulad nung new building nila na umaabot ng 15 or 20 siguro.
Nung magsisimula na kami, napansin naming ang dami nang tao sa lobby. Siguradong fans ang mga yun. Tiningnan ko ang orasan ko, 10:30 PM na pala kasi. So dahil 11 nga daw ang dating SHINee, naisip naming mamaya na kami susugod pag dumating na ang SHINee. Para na rin daw makasiguro kaming makikita namin sila sa pagdating nila.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Boyfriend [EXO]
Fiksi PenggemarEXO Fan Fiction (Filipino/Tagalog) One of the most read Filipino stories in 2013 (accdg to Wattpad po) Jasmine Lee is a simple (and naive) girl who loves K-pop then becomes friends with some K-pop looking and K-pop worthy guys. Discover her past, pr...