Chapter 3 - Close Friends
Jasmine's POV
[December 2010]
Nung nag-end na ang 2nd term, pumunta na ako sa school para kunin ang grades ko. Pwede ko naman tingnan online eh pero since hindi pa naman ako umuuwi kina Mommy, pupuntahan ko nalang sa school. Baka makita ko pa ang iba kong friends like my Pretty Girls bestfriends. Matagal na kaming hindi nagkaka-bonding. Hindi kami magkaklase nung 3rd term eh.
Pag dating ko sa school, pumila na ako para kunin ang grades ko. Nung nakuha ko na, hindi ko agad tiningnan. Lumayo muna ako sa linya ng mga tao saka ko tiningnan. Isa ang singko ko. Math.
Wala akong reaksyon. Relax lang. Kalmado lang. Pero biglang naisip ko na nakaka-guilty. Naglakad ako paakyat sa tambayan ko, sa rooftop ng west building. Wala gaanong tao dun pag pumupunta ako, pero ngayon walang-walang tao kasi wala nang pasok. Umupo ako sa sahig tapos nag-isip.
Si Mommy binibigay lahat ng gusto ko. Suportado niya ako sa pagke-KPOP ko. Binilhan pa nga ako ng VIP ticket sa DKFC. Tapos sabi niya pa kung gusto ko daw mag-aral ng Korean language pwedeng pwede daw, papaaralin niya ako para maintindihan ko na yung mga napapanuod kong K-Drama. Inaalok niya pa akong bilhan ng latest gadgets tapos eto isusukli ko sakanya? Dahil sa high-tech kong phone hindi na ako nakikinig sa professor. Puro nalang ako wattpad, KPOP. Ni hindi na ako nag-aaral sa bahay.
Naluha ako sa realization ko. Pumikit ako tapos sumandal sa pader sa likod ko. Hinayaan kong tumulo ang luha ko sa pisngi ko. Hindi ko pinupunasan. Hinayaan ko lang na dumami at mabasa ako ng sarili kong luha. Bumababa na sa leeg ko ang luha ko kaya nababasa na ang leeg ng shirt ko.
Hinayaan ko ang sarili ko sa ganung kalagayan. Feel ko rin kasi. Feeling ko nagte-taping ako ng drama. Feel ko na may camera at cameraman na nakatutok sakin habang nakasakay sa dolly at umiikot sakin tapos fino-focus yung umiiyak kong mukha. Feeling ko artista ako. HAHAHA may problema na ako pero ganun parin ang iniisip ko. Feelingera talaga ako.
Maya-maya biglang dumilim ang paligid. Kahit na nakapikit ako alam kong dumilim. Natakpan yung sinag ng araw sa tumatama sa mukha ko. Dinilat ko ang mga mata ko para tingnan kung ano ang humarang. Si Jong In pala. Yumuko ako para punasan ang luha ko. Nakakahiya naman sakanya.
"Bagsak ka noh? Kaya ka umiiyak."-Jong In
"Haha hindi. *singhot* Umiiyak ako kasi naiinis ako sa sarili ko, hindi dahil sa bagsak ako."-Ako
"Tss... Ganun na rin yun. Bakit kasi ang tamad tamad mo. Hindi ka pumapasok lagi tapos kung pumapasok ka naman minsan late tapos nakatutok ka naman sa cellphone mo."
"Oo na... *singhot* Wag mo ng gatungan yung inis ko sa sarili ko."
"Tara na. Wag ka ng umiyak jan."
"Hindi na ako umiiyak."
"Tara na tumayo ka na jan."
"Ha?"
"Tara na, uwi na tayo."
"HA?"
"Bingi ka ba?"
"Sabay tayo uuwi?"
"Oo"
"Huh? Bakit?"
"Kasi iisa lang siguro tayo ng dadaan?"
"Huh?"
Hindi na nagsalita si Jong In. Hinila nalang niya ako patayo, pababa ng rooftop. Lumabas na kami ng school tapos naglakad papunta sa subdivision namin. Nung nasa gate na kami subdivision, huminto ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Boyfriend [EXO]
FanfictionEXO Fan Fiction (Filipino/Tagalog) One of the most read Filipino stories in 2013 (accdg to Wattpad po) Jasmine Lee is a simple (and naive) girl who loves K-pop then becomes friends with some K-pop looking and K-pop worthy guys. Discover her past, pr...