Chapter 42.2 - I miss you

20.9K 244 9
                                    

Chapter 42.2 – I miss you

 

Kai’s POV

Haaaayyyy….

Haaaayyyy….

Haaaayyyy….

Arrrgghhh! Wala na akong ginawa kundi magbuntong hininga. Panu kasi, ang boring -_-

Hindi ko alam saan ako pupunta para malibang eh kaya eto lakad lang ako ng lakad kung san san papunta, walang direksyon. Kung bakit kasi tagal ng break time ko aiiissh! Si Sam may klase pa, isang subject pa at kailangan ko pa siyang hintayin for 1 hour and 30 minutes. Wala akong kasama -_- maya pa break niya eh

Kakatapos lang ng nag-iisa kong major ngayong term. Oo major po, yung kaklase ko si Parekoy. Psh… Miss ko na yung babaeng yun, kung bakit naman kasi… *sigh*

Pero napapaisip talaga ako, hindi naman kasi ako papayag sa kagustuhan ni Sam kung hindi ko talaga nar—aiish! Nakakaewan na ‘to ah, ang gulo. Potek. Wag na nga lang yun ang isipin ko, iba nalang para malibang ako nang hindi namomroblema at naguguluhan.

Pakwento ah~ ^___^

Alam niyo, miss na miss ko na si Parekoy. Ayy ambading! Pero totoo, nami-miss ko na yung kakulitan niya, yung pagiging pikon niya, yung kung paano niya ako itaboy pag naasar na siya, yung kababawan niya, yung kaengotan niya, yung pags-spazz niya ng KPOP niya, yung pagkakilig niya sa mga self-proclaimed boyfriendsSSSSS niya (take note: with all the S -_-), yung comfort niya, lalo na yung yakap niya ^_^

Flirt na kung flirt pakinggan pero gusto ko talaga siya yakapin, parang stuff toy eh. Stuff toy na payat HAHAHA! Mas mukha pa siyang Barbie kesa teddy bear eh, payat tapos medyo Barbie doll looking pero teddy bear na lang siya kasi ang stuff toy walang dibdib diba? HAHAHA

Si Parekoy kasi eh walang dibdib XD ‘de joke lang, maliit kasi eh. Nung una ko nga yun makita (not really, she’s wearing undergarment), akala ko bata eh XD pero siyempre hindi ko naman talaga tinitigan, mabilis din naman niya natakpan eh -_- Pero nung nasa Splash Island, hindi ko maikakaila, sexy siya, really. Kahit na flat, cute naman ^__^V

I know I’m a little bit perv -_- just a little

Haaay naku kung anu-ano iniisip ko. -_- Nagpatuloy lang ako sa paglakad papunta sa lugar na hindi ko alam =_= wala na talaga akong direksyon.

Napansin ko na nasa West Building na pala ako, paakyat ako. Saan naman kaya ako pupunta? -_-

Library?

=_=

I’m not a bookworm. Hindi ako uod eh. Tao ako at isa akong napaka-gwapong tao.

Rooftop?

?

?

?

^__^

Sige dun na lang ako pupunta, tutal nami-miss ko si Parekoy, dun ako pupunta sa lugar kung saan una kong kinausap si Parekoy bilang kaibigan.

Yes! May pupuntahan narin ako para makapaglibang! =D

Alam niyo ba kung bakit nung una hindi ko talaga kinakausap si Jas? Maliban sa pagpapaturo sakanya sa Math?

Hindi?

Gusto niyo sabihin ko?

Sige sasabihin ko—ayy wait, may ite-text lang ako =)

.

.

.

text muna

.

.

.

Message sent!

Ayan… Sige sasabihin ko na, ganito kasi yun… Hindi ko alam eh LOL joke. Kasi nga may tao akong naalala sakanya, taong ayoko maalala noon. NOON. Ngayon kasi gusto ko na ayaw ko rin. Gustong-gusto na ayaw na ayaw. Magulo ba? Sensya magulo isip ko ngayon. -_-

Sasabihin ko sainyo… someday ^__^ wag ngayon ayoko muna alalahanin eh, magulo kasi, lalo ako maguguluhan.

Eto nalang topic natin habang naglalakad pa ako papuntang rooftop. Mabagal ba ako maglakad? Sensya, I’m killing the time.

Eto yung topic, alam niyo ba kung panu ko nalaman na nasa rooftop si Jas nung unang beses ko siya kinausap bilang kaibigan?

Hindi rin?

Manghula naman kayo ^__^

Psh -_- sige na nga sasabihin ko na. Kasi ganito yun… Simple lang, sinundan ko siya ^__^ Hehe

Hey I’m not a stalker okay? -_- Sinundan ko lang siya kasi curious ako ^__^ curious ako sa kung ano ang resulta ng katamaran niya XD nakita ko kasi siyang kumuha ng grade niya, nakapila rin ako nun eh, kukuha din ng grades kaso medyo malayo ako sakanya. Na-curious lang ako kasi nung makita kong nakita na niya ang grades niya parang… parang wala lang?

*Flashback*

Nasa school ako, nakapila sa kuhaan ng grades. Gusto ko na umuwi—teka si Ms. Lee ba yun? Yung nagtuturo sakin sa Math? Yung babaeng hindi nakikinig pero naiintindihan ang lesson? Panu niya kaya nagagawa yun? Matalino siguro talaga siya.

Siya yung bestfriend ni Sam eh kaso hindi ko maalala ang pangalan niya eh -_- Naiinis kasi ako alalahanin ang pangalan niya, parang may kapangalan siya, may kamukha pa. Psh…

Nakuha na ni Ms. Lee yung grades niya, nakita na kaya niya? Pero mukhang hindi pa. Pano ko nasabi?

Ang OA niya kasi, titignan nalang ang grades kailangan nakapikit muna tapos malalim na inhale exhale tapos dahan-dahan bubuksan ang mata -_- kailangan ba talaga ganun? =_=

Gawin ko kaya?

JOKE!

Nung nakita na niya… ano kaya result? Hirap kasi basahin ng facial expression niya ngayon. Parang… parang wala lang? Hindi mukhang masaya, hindi mukhang malungkot.

Ano ba yan -_-

*End of Flashback*

 

Nung nakita ko yung expression niya lalo talaga ako na-curious. Umalis siya nun, pumunta na siya sa rooftop pero hindi ko pa alam na dun siya pupunta noon. Nung nawala na siya sa paningin ko, nainip na ako sa pila, gusto ko na mauna, gusto ko na siya agad sundan nun, gusto ko malaman eh.

Pagkakuha na pagkakuha ko ng grades ko hinanap ko na siya sa buong campus. Hindi ko rin alam kung bakit sa campus ko lang siya hinanap nun, hindi ko man lang inisip na baka nakauwi na siya. Engot ko rin pala nun, pero at least tama ang instinct ko. Nahanap ko siya sa rooftop. Pinahirapan pa ako, sa tuktok eh, rooftop!

Pero nung nakita ko na siya dun na umiiyak, alam ko nang hindi maganda ang resulta kaya ayun nilapitan ko. Kawawa -_-

Napatigil ako sa paglalakad ko, nasa tapat na pala ako ng pinto ng rooftop ‘di ko man lang napansin agad. Binuksan ko na ang pinto at…

~~~***~~~***~~~***~~~***~~~asdfghjkl

Love lots!

V/C/F

#DKFC

(c) ayah_kpop

My Bestfriend's Boyfriend [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon