Chapter 88 - MOMOWL

12.4K 291 168
                                    

To the person who kept me holding on to my Watty goals... thank you, ate

It's 12KST. Happy 2nd year DKFC1. And happy birthday sa may birthday. Alam kong meron sainyo ;)

Chapter 88 – MOMOWL

 

Jas POV

Halos hindi ako makatulog dahil sa nangyari. Sasakalin ko talaga ang kumag na yun! Lakas ng loob! Aba! Hindi ko pa siya sinasagot noh! So nagpapaligaw ka rin?

Nyenyenye.

9 am na pero hindi pa rin ako handa. 9:12 to be specific. Kagigising ko lang at himbing na himbing pa ang mga kasama ko. Paano ba naman kasi, alas sais na nang makatulog kami. Spazzing eh. Wala pa rin naman talaga akong balak na bumangon na, pinapatay ko nga lang yong alarmssss ko eh pero may nagdodoorbell na kasi. Naka-ilang ulit na siya at hindi ko na kayang balewalain. Kawawa naman kung sino man yon. Sus, Jas.

Pagkabukas ko, siyempre sino pa ba?

"Good morning!" bati niya. Naka-sweat shirt, jeans at topsider siya, at may suot siyang baseball cap at may dala pang round cap.

Kumurap lang ako sakanyang nakangising mukha. Inaantok pa ako. Pumasok siya kahit na hindi ko naman pinapapapasok kaya mabilis ko siyang pinigilang makapasok ng tuluyan. Mga babae kaya kami! Mamaya ano pa makita niyan e. Tulog pa naman sila.

"Wait lang," pigil ko sa braso niya.

Nagtaka siya syempre kaya mabilis kong nilingon ang mga natutulog kong kasama at mabuti namang walang hindi dapat makita. Mamaya kasi gawa ng pagtulog naangat na ang mga shirt nila. May mga ganong tao diba? Minsan gawa ng panaginip, minsan sadyang malikot lang talaga.

"Maupo ka muna dyan. Mag-aayos lang ako."

Pinaupo ko siya sa isang wooden platform na tingin ko'y nagisilbing maliit na table para sa mga bagahe ng guests. Hindi ko siya mapaupo sa couch dahil occupied ito ng tulog na Cammy. Hindi ko na siya tiningnan nang iwan don pero alam kong sinundan niya ako ng tingin. Mabilis akong naglinis ng mukha at nagsipilyo. Hindi na ako nagbihis since wala naman akong pambihis. Nanghihiram na lang din naman ako ng damit, lulubos-lubusin ko na. Tutal magkikita pa naman kami at inaya ko na rin sina Ayah, Lot at Cammy na sa bahay muna mag-stay after ng concert.

Pagkalabas ko ng banyo nag-angat din ng tingin si Jongin sakin at nakita kong hawak niya ang phone ko. Kumunot ang noo ko pero pinalagpas ko na lang. Medyo kinabahan akong baka nalagpasan niya ang passcode ko at nanghalungkat nanaman ng kung ano pero napaka-assuming niya na kung nagawa niya man.

Lumapit ako sa kinauupuan niya para kumuha ng suklay sa bag ni Ayah. Nabigla ako nung ipakita niya sakin ang isang picture namin ng kaklase kong lalaki. Katabi ko siya sa isang subject at marami kaming picture dalawa tuwing nagka-klase pero ang picture na pinakita ni Jongin sakin ay kuha sa isang coffee shop. Hilig kasi niyang pakealaman ang phone ko at tuwing pinakekealaman niya yon ay hindi nawawala ang selfie. At dahil magkasama kami sa isang coffee house, hindi rin nawalan ng selfie. Ewan ko ba ang vain non.

"Sino 'to? Ang dami niyong pictures dalawa ah," tanong niya.

Teka... na-view niya ang pictures. Does that mean...

"Ang kapal ng mukha mo," sabi ko na lang. Talagang inisip niyang pwede kong ilagay ang birthday niya bilang PIN ano? God.

Nagsuklay na lang ako ng mabilis at lumapit kay Ayah na kasalukuyang nakahilata sa carpet malapit sa tinulugan ko. Hinanap ko ang phone niya. Tiningnan ko lang kung nakapag-alarm ba silang mabuti, baka di magising e concert pa naman mamaya. Mabuti na lang din pala hindi uso kay Ayah ang password. ^^ Madali kong natignan ang phone niya. Naka-alarm siya ng 10 am, 10:05, 10:10, 10:15, 10:20, 10:25, at10:30. Tapos naka-snooze ang mga yon every 3 minutes. Matindi.

My Bestfriend's Boyfriend [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon