Chapter 18 – Love and Friendship
Jasmine's POV
Paguwi ko dumiretso na ako sa kwarto. Naglinis na ako ng katawan. Paglabas ko ng closet may taong naghihintay sakin sa kama ko, nakahiga at nanunuod ng TV.
“Parekoy?” tanong ko.
“Uhy Parekoy! Buti naman at tapos ka na magbihis.”
“Bakit ka nandito?”
“Parang bawal ah.”
“Eh ano kung bawal nga?”
“Sama mo. Dito ka nga.”
Lumapit ako sakanya at umupo sa kama ko.
“Bakit?” tanong ko
Tiningnan niya ako ng seryoso sa mukha.
“Bakit maga mata mo? Umiyak ka?” tanong niya sakin
“H-huh?”
Halata pa bang maga yung mata ko? Kaninang umaga pa yun ah!
Hinawakan ko yung mata ko.
“H-hindi naman maga ah” tanggi ko
Lumapit pa siya sakin tapos hinawakan ang mata ko.
“Magang maga nga oh. Umiyak ka? May problema ba Parekoy?”
“W-wala”
“Eh bakit ka umiyak?”
“H-hindi naman ako umiyak eh, sino ba nagsabi sayong umiyak ako?”
“Namamaga ang mata mo halatang umiyak”
“Kinagat lang yan ng ipis kagabi kaya ganyan, teka ano bang pinunta mo dito?”
“Parekoy… tutulungan mo ako diba?”
“Tutulungan saan?”
“Sa panliligaw kay Sam ^_____^”
Napabuntong hininga nalang ako. Wala namang dahilan para hindi ko sila tulungan eh. Pareho ko silang bestfriend at pareho din naman silang may gusto sa isa’t isa kaya walang problema diba? Kaya lang parang ano kasi eh… parang… hindi bukal sa kalooban ko ang gagawin ko.
“Sige na nga tutulungan na kita.”
Alam kong labag sa kalooban ko yun.
“YES! Thanks Parekoy! Love you Parekoy!” masaya niyang sabi sabay yakap sakin.
“Aaaaah!! Alis Parekoy!”
Pero imbis na bumitiw siya lalo lang niyang hinigpitan ang yakap sakin. Tsk. Eto na yung problema eh. Ang bilisn ng tibok ng puso ko sa tuwing hahawakan niya ako, titignan niya ako, ngingitian niya ako. Lahat halos ng gawin niya hindi mapakali ang puso ko. Sobrang crush ko na siguro siya noh?
Pinagusapan na namin ni Parekoy ang plano tapos umuwi na rin siya.
**4 days later**
“Sammy please? Sama ka na… Sige na… Besty please?”
“Eh pero Jas gagabihin akong umuwi. 6 na oh. 9 pa matatapos ang klase mo magaantay pa ako ng tatlong oras tapos may pupuntahan pa tayo? Uumagahin na ako ng uwi niyan Jas eh. Hindi kasing lapit ng bahay mo ang tinitirhan ko.”
“Alam ko yun kaya nga sa bahay ka nalang matulog sige na please? @3@ Magugustuhan mo naman yung pupuntahan natin eh. Sige na kasi~”
“Jas pwede saka nalang?”
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Boyfriend [EXO]
FanfictionEXO Fan Fiction (Filipino/Tagalog) One of the most read Filipino stories in 2013 (accdg to Wattpad po) Jasmine Lee is a simple (and naive) girl who loves K-pop then becomes friends with some K-pop looking and K-pop worthy guys. Discover her past, pr...