Nasa ikalawang palapag ang library, iyon ang pinakadulong silid sa pasilyo. Madilim ang silid binuksan niya ang ilaw. Napakaraming libro, kumuha siya ng ilang libro kailangan niya iyon upang may impormasyon sa pagiging bampira niya. inokupa niya ang ikatlo at pinakadulong lamesa.
Hindi niya akalain na magbabasa siya ng libro tungkol sa bampira. Never in her entire life na naniwala siya sa mga ganoon.
Napag-alaman niya na ang mga bagong bampira ay kinailangan ng supply ng dugo hanggang sa matuto itong makontrol ang pagkauhaw. Mas matindi ang pagkauhaw tuwing gabi. Nakasaad dito ang mga senyales na nadama niya noong unang gabi.
Nais niyang malaman kung may lunas pa, kahit papaano ay umaasa siya.naghanap pa siya ng libro at may nakita siyang isang kwaderno na puno ng larawan.
Larawan ng isang batang lalaki na hindi man lang ngumingiti. Solo lang palagi ito sa larawan. Sinipat niyang mabuti ang larawang iyon. Kamukha iyon ni Brent, malungkot din ang mga mata. Hindi ba’t nakita niya ng tumawa ito? Hindi ba nito alam na mas gwapo itong tignan kapag nakangiti.
Tinignan niya ang sumunod na pahina. Tinignan niyang mabuti ang sumunod na larawan. Larawan ng isang batang babae kasama ang isang binatilyo. Hindi siya maaaring magkamali. Kamukha niya ang batang babaeng iyon. May nakasulat pa sa tabi ng larawan,”REIN”. Coincidence? Nagkataon lamang bang naroon ang pangalan niya?
Nakarinig siya ng kaluskos. Kaya agad niyang ibinalik ang kwaderno. Wala siyang nakitang ibang naroroon sa library.
Napansin niya ang isang pintuan. Hindi niya napansin ito ng una dahil abala siya. Idinikit niya ang tenga sa pintuan, at dahan dahang binuksan ang pintuan.
Tumambad sa kanya ang binata na mahimbing na natutulog at natatakluban ng comforter. Sabi sa nabasa niya hindi problema sa bampira ang matulog sa umaga pati sa gabi.
Lumapit siya dito. Maamo ang mukha nito di mo iisiping tinutubuan pala ito ng pangil. Napansin niya ang labi nito. There’s an urge of kissing him pero umatras siya. May naapakan siyang tela.
Out of curiosity pinulot niya iyon, it’s an underwear. Ibig sabihin wala itong suot sa ilalim ng comforter. Nakakalat nga ang mga damit nito. Ibabalik niya sana sa sahig ang underwear nito pero agad niyang isinilid sa bulsa dahil narinig niya ang tinig nito.
“Anong ginagawa mo rito?”, mariin nitong sabi
“a..a..ano kasi.. galing ako sa library.. tapos na… napansin ko itong silid kaya pinasok ko… di ko alam na silid mo ito…sorry”, agad siyang lumabas.
Papalabas na rin sana siya ng library ng tawagin siya nito. Nang lingunin niya ito ay nakatapis ito ng puting tuwalya. Kitang kita niya ang matipuno nitong dibdib. His muscles are well placed and well formed.
Lumunok siya. Hindi siya gaanong makahinga dahil sa sobrang kaba. Lumapit ito sa kanya. Nilapit nito ang mukha malapit sa tenga niya. Nalalanghap niya ang hininga nito, so manly.
“yung underwear ko?”, seryosong tanong nito.
“what!...anong underwear?”, hindi siya makatingin dito.
“rein..”
“wla sakin noh!”
Lumuhod ito. May kinuha sa bulsa niya. Sabay iwanagayway ang telang nakuha mula rito.
“Kung hindi akin to kanino to?, hindi ka naman siguro nagsusuot ng ganito?”, umalis na ito. Iniwan siyang naknganga.
Now, I’m not only a vampire but also a pervert!
BINABASA MO ANG
Kiss of a Vampire (Completed)
Romance“Vampires are not real”. Iyon ang paniniwala ni Rhea Nicole, Rein for short until she met a mysterious gorgeous man after an accident. She sense familiarity with this stranger. In her eyes, he's a stranger but her heart tells he's not or she's under...