“UHHHMM.. ang sakit ng ulo ko,” unti-unting bumangon ang dalaga. Nang magmulat ang mga mata ay nilingon niya ang kabuuan ng silid. Hindi ito ang silid niya. Nasaan ako?. Puti ang mga kurtina, karamihan ng mga gamit ay yari sa kahoy pero hindi ito mumurahin mga dekalidad na kasangkapan iyon.
Biglang bumukas ang pinto at inuluwal ang isang matandang babae. Nakangiti ito sa kanya kaya kahit papaano ay kumalma siya.
“gising ka na pala. Ako nga pla si Auring, halika’t kumain ka. Ito ang gatas uminom ka.”, alok sa kanya ng matnda. Umupo ito sa tabi ng niya. Umayos siya ng upo.
Ininom niya ang gatas. Pero parang hindi siya gaanong nasarapan doon may ibang hinahanap ang dila niya di niya malaman. Hindi n lng niya iun cnabi sa matanda dahil bka ano pa ang isipin nito.
“Bakit nga po pala ako nandito? Ang pagkakaalala po kasi ay nagmamaneho ako papunta sa bayan ng kaibigan ko.”, palinga linga lamang siya sapaligid.
“ay ganoon ba. Nandito ka sa bahay namin dito sa Tagaytay. Dinala ka dito ng apo kong si Brent. Sabi niya ay nabangga ka daw. Yung sasakyan mo ay kasalukuyang nasa pagawaan. Ang mga gamit mo ay nandito. Tignan mo nalamang kung may nawawala”, inilapag nito ang pagkain sa isang lamesang malapit sa kamang hinihigaan niya.
“Salamat po. Natatandaan ko na. Nakakapagtakang wla akong galos.”, wala siyang madamang sakit sa katawan maliban sa sakit ng ulong naramdaman niya kanina. Walang benda o gasgas man sa katawan niya.
“a..ano.. ipagpasalamat mo na lamang na wala kang pinsalang natamo. Bababa muna ako at may aasikasuhin pa kasi. Wag kang mahiya ha. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako. May isang katiwala dito sa loob ng bahay si Maria, medyo masungit pero pakisamahan mo n lang.”
Tumango lamang siya bilang tugon. Lumabas na ito ng silid na inookupa niya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Pakiramdam niya ay kakaiba siya pero di niya maintindhan. Sinubukan niyang kainin ang pagkaing inihain sa kanya. Masarap ito pero parang kulang. Naglilihi ba siya? Imposible naming buntis siya dahil wala namang nagyayari sa knila ni chito.
Napahawak siya sa pisngi niya, “wait, hindi naman siguro ako hinalay ng brent na iyon.. no maybe not. Wala akong naramdamang pagbabago sa pagkababae ko.”
Hinawi niya ang kurtina na nagsisilbing harang sa binta. Tumamabad sa kanya ang liwanag ng araw. Pakiramdam niya ay sa sobrang init ay tila napapaso siya. Alas dyes na siguro kaya mainit na sa balat.
Maganda ang paligid. It’s a paradise. Pakiramdam niya ay para siyang prinsesa sa gitna ng kagubatan. Malawak ang lupaing natatanaw niya. Nasa pangalawang palapag siya, napagtanto niya. Mula doon ay mapupuna ang karangyaan ng sumagip sa kanya.
Ang sumunod na mga bahay ay tila malayo sa lugar na kinatatayuan niya. Maraming bulaklak na nakapaligid sa paligid. Hinalungkat niya ang gamit upang hanapin ang camera. Tyka niya na aalamin kung meron mang nawawala.
Abala siya sa pagkuha ng larawan, habang iniinda niya ang sakit na dulot ng araw.
One of her hobbies ay photography. Nang mag zoom-in siya ay nahagip niya ang isang binatang may itim na payong na inaayos ang mga bulaklak.
Hardinero? Pero parang ang gwapo at ang sopistikado ng suot para doon. Tyka may payong at bulaklak? Bading ba ito. She laughed at the thought. Zinoom in niya pa ulit ang camera para mas makita ito.
Out of curiosity, kinuhanan niya ng larawan ang binata. Bawat flash ay sumasabay sa tibok ng puso niya. Mas natutuwa siyang kuhanan ito ng larawan. Hindi niya namalayang nakatingin na ito sa direksyon niya. Pakiramdam niya pansamantalang tumigl ang mundo.
Mas gwapo pala ito kapag nakaharap sa kanya. Kahit ang sikat ng araw ay nakikisama sa kakisigan nito. She observed him from top to bottom. Perfect. Nang bumlik ang mga mata niya sa mukha nito ay agad siyang tumalikod at muling hinawi pasara ang kurtina. Inhale, exhale.
She looked at her engagement ring to remind her na ikakasal na siya at hindi dapat maactract sa kung kani-kaninong estranghero. Napansin niya na tila namula ang balat niya marahil dahil sa sikat ng araw. Medyo mahapdi ang balat niya. Bumababa siya upang tanungin si manang auring kung may ointment ito.

BINABASA MO ANG
Kiss of a Vampire (Completed)
Romansa“Vampires are not real”. Iyon ang paniniwala ni Rhea Nicole, Rein for short until she met a mysterious gorgeous man after an accident. She sense familiarity with this stranger. In her eyes, he's a stranger but her heart tells he's not or she's under...