Chapter 27

6.7K 132 2
                                    

BINIGYAN niya ng isang malalim na halik ang binata. Naramdaman niya ang tila init na dumadaloy sa pagitan nila. Pakiramdam niya ay nalulunod siya. Sumasakit ang ulo niya at hindi siya makahinga.

Ito ba ang tinatawag nilang ordinaryong halik?

Napapikit siya dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi niya maaring putulin ni ihinto ang paghalik sa binata dahil baka pumalpak siya.

Brent, gumising ka na.

Nanghihina na siya. Tila inuubos ng halik na iyon ang buong lakas niya at tuluyan na nang bumagsak siya sa kandungan nito.

NARAMDAMAN niya ang daliring banayad na humahaplos sa kanya. Pilit siyang bumangon kahit nananakit pa rin ang ulo niya.

Nilingon niya ang binata. Nakasandal ito sa headrest at nakatitig sa kanya. Kulay pilak ang mga mata at buhok nito. Humaba ang buhok nito na lumalampas sa balikat. Wala itong suot na salamin.

Yayakapin niya sana ito pero napahinto siya dahil kakaiba ang pagtitig nito. 

"Brent?", tawag niya dito.

ngumiti lamang ito at lumapit sa kanya. Hindi ito nagsalita. Malayong malayo ang Brent na kilala niya sa Brent na kaharap niya ngayon. 

Hinawakan nito ang pisngi niya at ipinatong ang noo sa noo niya. Ito pa rin ang dating Brent naisip niya. Ginagawa parin nito ang mga bagay na kadalasang ginagawa nito.

"Napakabango ng dugo mo... Maari bang malaman ang iyong pangalan?", tanong niya. Hindi ba siya nakikilala nito. Nasaktan siya dahil hindi man lang nito naaalala ang pangalan niya.

"Re..Rein", pilit siyang ngumiti. Nararamdaman niya ang pagpatak ng luha niya na agad namang pinunasan ng binata.

"Rein...", tawag nito sa pangalan niya. 

Hinalikan siya nito. Banayad pero malalim. Nagpaubaya siya dito. Iniyakap niya ang mga braso sa batok nito. Mainit ang bawat haplos nito sa balat niya.

HIndi niya napansin na naihiga na pla siya nito sa kama. Inuusal nito ang pangalan niya sa bawat pagkakataong magkakahiwalay ang mga labi nila.

Dahan-dahan nitong inalis ang damit niya. Huminto ang binata. Tumingin ito sa kanya na tila humihingi ng pahintulot. Hindi niya alam kung ano ang dapat isagot bagkus hinalikan niya ang binata. Hinyaan niya ito sa nais nito.

He's gentle . It's a painful bliss but suddenly became a pleasure. In every part he kissed, there's a sudden ecstasy.

Hindi niya naramdaman ang pagkagat nito sa leeg niya. Alam niyang nanghihina siya hindi niya alam kung bakit. Dahil ba sa ginagawa nitong pagsipsip ng dugo o dahil sa ginagawa nito sa katwan niya.

hindi niya na halos maidilat ang mga mata. Naramdaman niyang hinalikan siyang muli nito sa mgalabi.May nalasahan siyang dugo mula sa mga labi nila. While there lips were apart, he called her name loud but sweet. Napakapit lamang siya dito. It seems there world suddenly collide

Kiss of a Vampire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon