HINDI SIYA LUMALABAS ng silid tatlong araw pagkalipas ng gabing iyon. Ilang araw na lang ay kasal na niya. Araw-araw siyang dinadalaw ng kasintahan pero hindi siya lumalabas ganoon din ang kapatid niya. Ang mama niya ang kumakausap dito, ganoon daw tlga kapag malapit na ang kasal.
Ayos na ang lahat para sa kasal, tinititigan niya ang wedding gown na nilatag niya sa kama. Hindi na siya ganoong nananabik isuot iyon. Bumukas ang pinto ng kanyang silid.
“May bisita ka sa baba anak, Auring daw ang pangalan..”
“tlga ma?,” agad itong lumabas ng silid naroon nga ang matnda mukhang balisa. Magsasalita pa sana ang ina pero pinili na lang nitng itikom ang bibig.
“manang kamusta na? aus lang p ba kayo?”, tanong niya sabay umupo sa sofang katapat nito.
“Hija, kailangan ka ni Brent.”, hinawakan nito ang kamay niya.
“Manang, wala akong pwedeng maitulong kay Brent.” yumuko siya. Namimiss niya na ito.
“Alam kong mahal mo siya, ikaw lang ang pedeng makaligtas sa knya”
“hindi ko alam kung mahal ko nga ba siya, kahit kayo alam niyo iyon. Kinkontrol lang ako ni Brent”, ano bang nangyari sa binata, tanong niya sa sarili. Alam niyang nasaktan niya ito.
“kinokontrol? Hindi kita maintindihan hija. Iyon ba ang akala mo? Pinagdududahan mo ba ang sarili mong damdamin? Hindi ninais ni Brent ang kapangyarihang iyon. Hanggang maaari ay iniiwasan niyang gamitin iyon. Patawarin mo ako hija, pero di ako naniniwalang gagawin niya iyon.”
“pero hindi sakin. Pinaglalaruan niya ang damdamin ko”
“ikaw lang ang higit na nakakaalam kung nasa ilalim ka nga ba ng kapangyarihan niya o hindi. Pakiusap, ikaw ang kailangan niya… mauuna na ako, hindi ako maaaring magtagal.. paalam. Ipagpaalam mo na lang ako sa iyong ina.”
“manang, nasaan siya?”,hindi sumagot ang matanda bagkus nagtuloy tuloy na ito sa pag-alis. Naiwan siyang naguguluhan. Nagungo siya sa silid upang magbihis. Nadaanan niya ang ina pero hindi niya pinuna ito. Alam niyang naguguluhan ito sa nangyayari.
“LOLA, SAN KA BA GALING?”, tanong ni Brent sa matanda.
“ahh.. may pnuntahan lang ako. Hijo, hindi n ba magbabago ang isip mo?”, tanong nito.
“lola napagusapan na natin ito.”, nakaupo siya sa isang sofa. Hindi niya nakikita ang expression ng mukha ng matanda dahil nasa likod niya ito. Pero batid niyang nag-aalala ito.
“alam mong ito ang tama”,sabi niya sa kanyang lola.
“marahil…pero bakit hindi mo muna siya kausapin kung papayag b siya sa gagawin mo.”, bahagyang tumaas ang tinig nito. Tumuwid siya ang upo.
“Hindi ko gustong kaawaan niya ako lola”
“Pero hijo kamatayan mo ang kapalit ng gagawin mo”, naglakad ito sa harap niya. Namumula ang mga mata nito. Alam niyang hindi ito dahil sa pagkakauhaw sa dugo kundi dahil nagagalit ito. Nagpapalit ang kulay ng kanilang mata kapag nakakadama ng kakaibang emosyon.
“Lola, sa tingin mo ba hindi ko alam? Mahalaga kayo sa akin. Pero mahalaga rin si Rein para sa akin. Gusto ko siyang maging masaya. My existence won’t bring her happiness.” Hinawakan niya ang kamay nito.
Ito na ang nagaruga sa kanya mula pa ng sanggol siya. Hindi kinaya ng kanyang ina ang panganganak nito dahil sa kapangyarihan niyang taglay, kahit isa itong bampira. Ang kanyang ama ay kasalukuyang abala sa paghahanda noon para sa gyera sa pagitan ng mga delikwenteng bampira.
Naalarma ang mga bampira dahil sa eksistensya niya, sampung taon pagkatapos siyang isilang. Siya ang kaunaunahang ipinanganak na bampira. Ayon sa karamihan hindi maaaring magkaanak ang bampira sa kapwa bampira pero iba ang kaso niya parehong bampira ang magulang niya. Siya ang naging matinding ugat upang lumaki ang gyera.
“Ama, saan ka pupunta. Bakit naririto ang ilan sa mga kasapi mong bampira at mga armado sila?”, tanong niya, sampung taon na siya pero mukha siyang apat na talong gulang.
“Brent, ito ang nararapat. Sumama ka kay Auring aalagaan ka niya.”, may bahid ng kalungkutan ang tono nito.
“ama, iiwan mo rin ba ako? Kasalanan ko ito di ba? Dahil sakin nawala si ina. Tpos nagkaroon pa ng giyera.”, hindi niya mapigilan ang umiyak. Nilapitan siya ng ama at niyakap siya.hindi niya naisip na iyon na ang huling yakap na matatanggap niya mula dito.
“wag mong isiping kasalanan mo ito. Ikaw ang pinakamagandang regalong natanggap namin ng iyong ina. Hindi mo alam kung gaano siya kasaya noong pinagbubuntis ka niya. Tyka alam mo namang alam namin na mangyayari ito. Kami. Hindi ba ang Tita Florencia mo ang nagsabing magaganap ito?”, alo ng kanyang ama. Si Tita Florencia ang bampirang may kakayahang makakita ng hinaharap. Nahulaan na nito ang tadhana ng magulang at ng mga kapwa bampira.
“Mauricio!, Kailangan na nating umalis”, tawag s kanya ng isa sa mga kasama nito.
“Ama, babalik ka diba?”, umaasa siya kahit papaano. Hindi sumagot ang ama sa halip ay ngumiti ito at umalis.
“Tayo na, hijo.Kailangan nating magmadali.” Tawag sa kanya ng matanda.
“Hijo umiiyak ka ba?”, tanong ng matanda. Hindi niya napansin ang luhang tumulo sa mata niya.pinunasan niya ito.
“Lola, matagal ko na dapat ginawa ito. Walang maidudulot namabuti ang buhay kong ito.”
“Hindi iyan totoo alam mo iyan. Malulungkot ang iyong ama kung maririnig ka niya.”, hinawakan ng matanda ang pisngi niya. “Kamukhang kamukha mo ang batang si Mauricio”, ngumiti ito.
“Tulad ni ama, nais kong gawin ang alin ang sa tingin kong tama. Aalis na po ako. Hahanapin ko pa ang Rosas na sinasabi ng mga elders.”, pagpapaalam niya. Umalis na sya at nagtungo sa kagubatan upang mahanap ang rosas na kulay puti. Ito lamang ang maaring makapagbalik sa normal kay Rein.
BINABASA MO ANG
Kiss of a Vampire (Completed)
Romance“Vampires are not real”. Iyon ang paniniwala ni Rhea Nicole, Rein for short until she met a mysterious gorgeous man after an accident. She sense familiarity with this stranger. In her eyes, he's a stranger but her heart tells he's not or she's under...