Chapter 26

6.4K 130 3
                                        

Naroroon ang lahat ng elders pati na rin si Manang Auring sa silid na pinaglagyan kay Brent. Nakatayo siya sa tabi ng binata. Habag na habag siya sa itsura nito.

“Sigurado ka na ba dito?” tanong ng ina. Tumango lamang siya. Kinailangan niyang maging bampira muli kapalit ng buhay ni Brent.

“Nabuhay ako n isang normal na nilalang not until he found me lahat nagbago”, umupo siya sa bandang ulunan nito. “Maging normal man ako hindi na babalik sa normal ang tibok ng puso ko”, hinaplos niya ang mukha nito. “Ano ba ang dapat kong gawin?”, baling niya sa mga ito.

Nagkatinginan ang kanyang magulang. Unang sumagot ang pinaka nammuno sa kanila,Si Enrique.

"Kinailangan mo lamang siyang halikan", sagot nito.

"Parang fairytale. Ibang version nga lang because he's a sleeping vampire", napangiti siya.

"Hindi iyon magiging madali hija. Sa oras na magising siya ay kakailanganin niya ang iyong dugo", babala nito. May sasabihin rin sana ang kanyang ina pero pinigil siya ni Benedict.

"Isa ka ng bampira sa oras na halikan mo siya, pero kahit isa ka ng bampira maaari kang mamatay kung sakaling hindi makontrol ni Brent ang sarili niya", tuloy nito. Tinitigan lamang niya ang binata.

"Maliit ang tyansa na mabuhay ka Rein. Isinagawa na rin ang ganito noon at hindi naging maganda ang resulta", singit ng kanyang ama. Tinignan niya ang kanyang ina at isang tango lamang ang tugon nito.

"Flor, hindi mo ba maaring sabihin ang nakikita mong posibleng mangyari?",tanong ni Elizar, nakahalukipkip ito habang nakasandal sa may pintuan. Nais rin niyang malaman ang saloobin ng ina.

"May mga bagay na hindi kayang abutin ng kakayahan ko. Iilang tao lang ang hindi ko kayang kakitaan ng hinaharap, si Benedict, si Brent at ikaw anak ko",sagot nito.

"Maari niyo po ba kaming iwan sa silid na ito?",pakiusap niya.

"pero?",palag ni Enrique

"Kung ano man po ang mangyari ayokong magkaroon pa ako ng dahilan para umatras. Ginawa ni Brent ang lahat para sakin. Nais kong makabawi sa kanya kahit ngayon lang",sagot niya.

Alam niyang salungat sa kagustuhan niya ang mga tunay na magulang pero hindi na pumalag pa ang mga ito. naunang lumabas si Elizar kasunod ang iba pang elders.

"Hija, alam kong hindi ka ipapahamak ni Brent. Magtiwala ka lamang sa kanya", turan ni Manang Auring. Tumango lamang siya.

Kiss of a Vampire (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon