Chapter 15

7K 128 3
                                        

“MASQUERADE PARTY? What for chito?”, tanong ni rein. Nasa bahay nila ito.

“it’s a business party actually but I want to invite you as my date. Hindi na rin kasi tayo masyadong nagkakasama”, she felt guilty. Hindi naman niya gustong iwasan ito. Hindi lang niya magawang magkunwari. Yumuko lamang siya upang itago ang reaksyon

 “I’m not going wla nmn akong kadate. Dun na muna ako sa kwarto ko.”, wala sa mood n sagot ni meica, naroroon silang magkapatid sa sala nang dumating ang binata. Niyayaya sila nito.

“Hon ano ok lang ba un?”

“huwag mo ng intindihin si Meica baka may dalaw. I’ll go with you.. papanhik na rin ako sa kwarto ,, gusto ko ring magpahinga. Magingat ka”, pilit siyang ngumiti. Ikakasal na siya kay chito but she became uncertain with her feeling.

Umakyat na siya. bago pa xa pumasok sa silid ay dumaan muna siya sa kwarto ng kapatid. She heard her crying. Hindi niya alam ang dahilan. She knocked.

“Mei ayos ka lang? gusto mo ng kausap”, tanong niya

“I’m fine ate. Don’t worry about me. I’m going to be alright.”, sagot nito

Hinayaan na muna niya ang kapatid. Nagtungo na siya sa sariling kwarto. Parang ang daming nagbago.

Sinilip niya ang closet. She wants to choose what dress she will wear for that party. wala siya sa mood. Gusto niya ng kausapin si Chito tungkol sa kanila. At balak niya gawin iyon mamaya habang may oras pa.

Naglabas xa ng tatlong dress. White with a touch of black, black na backless and blue with long slits on both sides.

“hmm..alin kaya dito ang mas gusto ni brent?”

“I like the white one”

“really?”, sabay kuha sa damit na puti at lumingon sa pinanggalingan ng tinig. “paano ka napunta dito? At akala ko ba…”

“na I can’t read other’s thought. I told you I can’t. you just say it out loud”, he smiled. Nanlaki ang mga mata niya.

“I did?”, tumango lamang ang binata. Mataas pa ang sikat ng araw. Isinara nito ang kurtina upang hindi siya masinagan niyon.

“lumabas ka nga…”, deep in her heart she want him to stay.

Tulaktulak niya nito papalabas. Hinaplos siya nito sa buhok. Napahinto siya, nakatitig lamang siya dito. Parang pamilyar sa kanya si brent. Parang matagal na siyang parte ng buhay niya pero di niya alam kung paano.

Bumaba ang mukha ng binata. Sa isang sandali ay sakop n ng mga labi nito ang labi niya. Dahan-dahan pero malalim. Sa una’y nagpupumiglas siya.

Narinig niya ang pag-ungol ng binta nang magparaya siya. Ipinulupot niya ang mga braso sa batok nito. Inihiga siya nito sa kama. Kahit kalian hindi sila umabot ng kasintahan sa puntong iyon.

Mainit at banayad ang mga haplos ng binata. Pabilis ng pabils din ang tibok ng puso niya.

“Tell me to stop", wika ni Brent ng maghiwalay ang kanilang labi.

"stop", wala sa loob na tugon niya. Naramdaman niya ang pagpatong ng noo nito sa noo niya. Tumawa ito ng marahan.

"You didn't mean it."

"Hindi ko kaya", amin niya dito. Umupo ito sa tabi niya habang siya ay nanatiling nakahiga. Hinihimas himas lamng nito ang buhok niya.

"I'm sorry if i kissed you", hinging paumanhin nito. Umiling siya upang iparating dito na hindi nito kailangan humngi ng sorry. Ngumiti siya.

"It's not right Rein. Ikakasal ka na. I just can't control the sudden spark between us", tumayo na ito.

"Brent!", twag niya rito. Paalis na ang binata. "Can you wait for me. Let me settle everything first", tumungo lamang ang binata at tyka umalis

Kailangan niyang tatagan ang loob niya. Patawarin sana siya ng Diyos sa ginawa niya. Tila siya isang salawahan.

Di niya mapigilan ang mapaluha. Hindi niya alam kung tama ba ang nararamdaman niya. mas mahal nga ba niya si Brent kaysa kay Chito?

Nagumpisa na xang magaus. Nakasalubong niya ang kapatid na nakabihis din. Nakapula ito.

“akala ko hindi ka pupunta?”, tanong nito. Hindi na halata ang pamumugto ng mata nito dahil narin sa kapal ng mascara nito.

“I just feel like going. everyone is invited nmn diba? Tara na ate”, yaya nito.

Kiss of a Vampire (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon