GABI-GABING ganoon ang ginagawa nila. Tanging tinig lamang ng binata ang naririnig niya. Tila hindi nito nais na makausap siya. Pero sa gabng ito gagawa siya ang paraan para makita kung hindi man ay makausap man lang ito ng matagl.
“ito na”
Ininom niya na ang laman nito
“Brent,parang kulang ito gusto ko pa,” pakiusap niya
Nakarinig siya ng ingay sa bintana kaya binuksan niya iyon akala niya pinuntahan siya nito pero may nakita siyang panibagong supot. Ang bilis naman.
Alam niyang kahit anong gawin niya hindi tlga magpapakita ang binata kaya lumabas siya ng bahay. At naglakad lakad sa dilim. Pakiramdam niya may sumusunod sa kanya kaya binilisan niya ang paglalakad. Lumingon siya sa likod niya para malaman kung nandoon pa ang nakasunod sa knya pero wla na ito. Subalit nasa harapan niya na ito.
“kamusta namn ang unang biktima ni Brent?.. Maganda ka ha?”, ani ng estranghero. Tiningnan siya nito ng may halong malisya. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib niya. Narinig niyang tumawa ito.
“Sino ka?” lumayo siya dahil nakadama siya ng panganib.
“Oh hindi ba sinabi sau ni Brent na isa akong kaibigan. Ako si Elizar, binibini.” Sabay lahad ng kamay.
Umatras muli siya. May alam siyang kaunti sa karate pero di niya alam kung tatalab ba iyon sa bampira. Dalawang hakbang paatras ay tumakbo siya pero mas mabilis ito sa knya.
“mapapagod ka lang binibini kung…”nabitin nitng sabi. Napansin niya ang isang kamay na nakahawak sa balikat ng nagngangalang Elizar.
“Brent!”, nakadama ng kaligayahan si rein ng makita ang binata. Kulay pilak muli ang mga mata nito, nakalabas ang mga pangil.
“Elizar”, sagot ni brent. Nagkulay pilak din ang mga mata ni Elizar. Ibig sabihin kauri ito ni Brent.
“Pare relax lang. gusto ko lang makita ang unang bampirang nilikha mo.” Umatras ito. “Magandang gabi binibini hanggang sa muli paalam”, agad itong nawala.
Aalis na sana ang binata pero pinigilan niya ito.
“Salamat ha!”
“Di ba sinabihan na kitang magingat ka?”, narinig niya ang galit sa tinig nito pero nabahiran ng pagaalala ang mga mata nito. “sa susunod wag ka ng lalabas lalo na sa ganitng oras.. umuwi ka na.”
“kakasabi mo lang di b na hindi ligtas .. so ihatid mo ako”, utos niya rito.
Salubong ang kilay nito ng titigan siya ito.
“tara, bilisan mo”
Nasa likod siya ng binata. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya dapat lagi siyang nasa tabi nito. Pinagmasdan niya ang likod nito. Malapad na parang masarap sandalan. Huminto ito.
“Ayan na ang bahay niyo. Pumasok ka na.mauuna na ako”
“saglit lang. Iniiwasan mo ako ano!”,it is more a statement than a fact.
“Hindi, pumasok ka na.”, utos nito. Hindi man lang siya tinignan nito.
“Hindi ako papasok habng di mo sinasabi ang dahilan kung baki iniiwasan mo ako.”,pagpupumilit niya. Umupo pa siya sa sahig para patunayang di tlga siya aalis doon.
Napuna niya ang pagtaas ng isang kilay nito. Lumapit ito sa kanya at kinarga siya.
“Hey! Ano ang ginagawa mo?”, alam niya na ang gagawin nito per hindi niya pa rin maiwasang magtanong.
“Tutal ayaw mong pumasok sa loob ako ang magpapasok sa iyo”, sabi nito sabay takbo papasok sa loob ng bahay. Malakas ang hanging nadama niya. Ilang saglit lang ay ibinaba na siya nito sa kanyang silid.
“S..so you are a living roller coaster”,napahawak siya sa ulo niya dahil bahagya siyang nahihilo.
“I’m sorry”, nakita niya ang pagaalala nito habang inaalalayan siya nitong humiga.
“magpahinga ka na. I’ll go”, pagpapaalam nito pero hinawakan niya ang kamay nito.
“Please stay”,pakiusap niya.
“Ganyan ka ba kakulit”, naramdaman niyang umupo ito sa tabi niya habang hinaplos ang kanyang buhok. Napangiti siya. She’s acting like a child. Hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay nito.
“well yes, kung effective ba eh.” Nakita niyang ngumiti ito.
“just take a rest.”
“promise me, you won’t leave me. dito ka lang please.”, tinatamaan na siya ng antok. Nakapikit na ang mga mata niya ngunit mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa kamay nito.
“I won’t.”, bulong nito.
BINABASA MO ANG
Kiss of a Vampire (Completed)
Romance“Vampires are not real”. Iyon ang paniniwala ni Rhea Nicole, Rein for short until she met a mysterious gorgeous man after an accident. She sense familiarity with this stranger. In her eyes, he's a stranger but her heart tells he's not or she's under...
