“ISA TALGA AKONG HANGAL. Bakit ba kasi umasa pa akong may pagtingin xa sa akin”, dahan dahang naglakad si brent na kagubatan. Nkarinig siya ng ilang lakuskos pero hindi niya nais pansinin dahil sa iba nakatuon ang isip niya, sa mga alaala. May bumato ng kutsilyo sa knya, tumama sa pisngi niya gawa ito sa pilak, ang kahinaan nila.patuloy lang siya sa paglalakad.
Dumami ang bilang ng kutsilyong inihagis sa kanya. Hinyaan lang niyang tumama ang mga ito sa knya, pero pinoprotektahan niya ang bahagi ng puso niya. Hindi siya makakapayag na mamatay dahildoon
“Ano ka ba Brent? Hindi ka man lang ba titinag dyan?”, tanong ni Elizar.. kasama nito ang ilan sa mga alagad niya. Kasama si Elizar sa mga elders kaya hindi niya nais itong labanan.
“hindi ko gustong sayangin ang oras ko elizar”
“dahil ba yan sa binibining iyon”, lumapit ito sa kanya. Gamit ang kutsilyong gawa sa pilak ay sinugatan niya ito sa kaliwang pisngi. “alam mo bang kinaiinggitan k ng marami, angkin mo ang kapangyarihan at kagwapuhan ng pagiging isang purong bampira. Pero isa kang hangal. Sinasayang mo ang lahat ng iyon”,pinagtatawanan siya nito.
“paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan.”, aalis na ito pero pinigilan siya nito. Sinaksak siya nito sa tagiliran. Agad niyang hinawakan ito sa leeg.
“ikaw na ang may sabi elizar, makapangyarihan ako. Kaya matakot ka. kahit isa ka sa mga elder ay bkahindi ko mapigilan ang sarili ko”. Susugod sana ang mga kasama nito pero umangat ang mga ito sa lupa gamit ang kapangyarihan niya. Hindi niya alam ang uri ng kapangyarihan niyang iyon. Wala talaga siyang alam.
“Umalis na kau. Hindi ko nais pumatay ng kapwa ko bampira.” Pinakawalan niya ang mga ito.
Dumiretso na siya sa loob ng bahay niya. Agad siyang sinalubong ni Manang Auring.
“Naku Brent ano ang nangyari sau?,sino ang mga umatake sau?”, sinipat ng matanda ang sugat niya hindi ito naghilom agad. “Pilak ang ginamit nila sau? Matagal maghilom ito.”, bakas ang pag-aalala sa tinig nito.
“Hindi sa ganitong paraan ako mamamatay. May mas dapat pag-alayan ang buhay na ito.”, ngumiti siya upang mapawi ang pag-aalala nito. Pinikit niya ang mga mata upang makapagpahinga. Mula sa sakit at kabiguan niya.
BINABASA MO ANG
Kiss of a Vampire (Completed)
Romance“Vampires are not real”. Iyon ang paniniwala ni Rhea Nicole, Rein for short until she met a mysterious gorgeous man after an accident. She sense familiarity with this stranger. In her eyes, he's a stranger but her heart tells he's not or she's under...