Chapter 24

6.6K 121 2
                                        

MAHABA nag lamesa sa gitna ng madilim na silid. Nakaupo roon ang isang lalaki na sa tantya niya ay singkwenta na. Sumenyas ito na umupo sila.

Mula sa isang pinto sa harap nila ay lumabas ang dalwang kalalakihan. Si elizar at ang lalaking tinatawag na Benedict ng tunay na ina. Umupo ang huli sa tabi ng ina. Tumingin ito sa kanya pati kay Florencia. Magsasalita sana ito pero nanatiling tahimik.

Umupo naman sa tapat nya si elizar. Nakangiti pa rin ito na tila inaasar siya. Hindi tlga niya gusto ang aura nito. Tumikhim ang matandang lalaki.

“Florencia, ano ang balita?”, tanong ng matanda. Tila nakapikit ito dahil hindi man lang niya makita ang mata nito.

“Msama, Enrique… Hinanap nga ni Brent ang rosas.” Napansin niyang nakangiti lamang si Elizar na tila natutuwa sa nangyari.

“Sino ang nagsabi sa kanya tungkol doon?” kalmanteng tanong ng matandang nagngangalang Enrique. Tumingin si Florencia kay Elizar.

“Hey! Florence, what’s with that gaze? As a friend, sinagot ko lang naman ang tanong niya kung may paraan daw ba para maibalik sa dati ang isang bampira then I told him about the legendary Rose. Masama bay un?”,pagaamin nito. Bahagyang lumamig sa loob ng silid. Nakita rin niyang nagfreeze ang tubig sa kopitang nasa harap niya.

“Relax, Enrique! Sya ba ang dahilan upang gawin ni Brent iyon?”, siya ang tinutukoy nito.

“Hindi na ako tao, bampira na ako!”, iyon ang alam niya.

“Relax, Melicia”,si Florencia

“Melicia???”, tanong ni Benedict. Nagkatitigan ang mag-asawa. Muling sumilip ang lalaki sa kanya at umupo ng diretso.

 “Hindi ko na malanghap ang pagiging bampira sa iyo hija. Ibg sabihin niyon ay itim n ang bulaklak.”naramdaman niya ang tension sa loob ng silid. Narinig rin niya ang mahinang paghikbi ng matandang katabi niya.

“Anong ibig niyong sabihin?”, tanong niya. Ipinaliwanag nito kung ano ang bulaklak na iyon at para saan iyon at ano ang kapalit na hihingin niyon. Nanlalambot siya. Hindi siya makapagsalita. Tama bang wala na ang binata.

Naramdaman niya ang kamay ng kanyang ina sa balikat niya.

“Enrique, may magagawa pa tayo”, tumingin ang matanda sa kanya. Wala na ang mga ngiti sa mga labi na ito. Nagmulat na din ito ng mga mata na nakasentro sa kanya.

“Flor, iyon ay kung papayag ang binibini. Alam mo naming ang dahilan kung bakit ginawa ni Brent iyon ay siya lang”, paglilinaw nito.

“Gagawin ko ang lahat. Pakiusap”, tumingin siya sa kanyang ina.

“kailangan na lamang natin malaman kung saan siya nagpunta. Sa ngayon wala akong kakayahang malaman iyon. Tila namatay ang koneksyon ko sa batang iyon”, bumuntong hininga ito. Tumayo naman ang lalaki sa tabi niya.

“May ideya ako kung saan siya posibleng nagpunta. Alam kong Auring na doon din ang hinala mo”, tumingin siya sa binata. Tila nagliwanag ang mukha nito.

“Sa kweba”, pagsangayon ng matanda.

Kiss of a Vampire (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon