Nagpaalam na muna siya sa mga magulang. Nagdala siya ng payong dahil mataas pa ang araw. Naglakad lakad muna siya.Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng paa niya. Bahala na
Naalala niya noong muli niya itong nakita. Nang mga sandaling pinapahiran siya nito ng ointment. Noong buhatin siya nito. Pati ang halik nito. Masmasakit plang isipin ang nakaraan.
Napangiti siya. Nayakap niya ang sarili gamit nag isang kamay. Naalala niya ang nangyari sa kanila noong nagdaang araw. Napahawak siya sa kanyang labi. Tila nararamdaman paniya ang labi ng binata roon.
Napasinghap siya ng makita ang binata na nakaupo sa ilalim ng puno. Hindi niya napansing nakarating na siya sa parke.
Nilapitan niya ito.
"Bakit ka narito?",mapaklang tanng ng binata. Umupo siya sa tabi nito.
"Hindi ko alam,basta dinala ako dito ng paa ko"
"Nais kong mapag-isa",lumipat siya sa kabilang bahagi ng puno.
"HIndi iyan ang ibig kong sabihin. Umuwi ka na", utos ng binata.
"Ayoko. Gusto kong dito lang ako. Nais kong makasiguradong nandio ka lang at hindi ka aalis"
"Bakit mo ba ginagawa ito?"
"Bsta. Pasalamt ka at nagboboluntaryo ako"
"HIndi ko kailangan ang ppagboboluntaryo mo"
"Hindi ko rin kailangan ang opinyon mo. Ito ang gusto ko"
"Kailan mo pa nagustuhan maging bampira?",sarkastiko nitong sabi.
"Noong nalaman kong masarap plang humalik ang bampira", tugon niya.Narinig niyang tumawa ito.
"Masarap? Nahihibang ka na"
"Siguro at kasalanan mo"
"Ako? Baka nga. Hindi ka ba natatakot na kinokontrol kita?"
"Natakot noong una. Pero mas nakakatakot pla kapag nalaman mong mawawala na ang taong kumokontrol sayo. Tyka hindi na ko naniniwala na kaya mong kontrolin ako"
"Paano mo naman nasabi yan?"
"Dahil kung kaya mo tlga akong kontrolin edi sana kanina mo pa ako napauwi",paglilinaw niya dito.
Naramdaman niyang tumayo ito. Tumindig din siya.
"Saan ka na namn pupunta?", tanong nya dito.
"Uuwi na",sagot nito habang inaayos nito ang salaming suot.
"Bakit", sumunod siya dito sa paglalakad.
"Para mapauwi ka. Ngayon hindi pa ba kita kinokontrol ng lagay na ito?", nakasunod lamang siya dito.
"Hindi mo ako kinokontrol. Gusto lang talaga kitang sundan. Magkaiba iyon noh", sagot niya
"Paano mo naman nasasabing naayon sa kagustuhan mo ito?"
"Dahil masaya ako", huminto ito sa paglalakad at nilingon siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3422603-288-k77269.jpg)
BINABASA MO ANG
Kiss of a Vampire (Completed)
Romance“Vampires are not real”. Iyon ang paniniwala ni Rhea Nicole, Rein for short until she met a mysterious gorgeous man after an accident. She sense familiarity with this stranger. In her eyes, he's a stranger but her heart tells he's not or she's under...