KANINA pa siya naroon kung saan niya unang nakita ang batang si Rein. Iniisip niya kung alam kaya nito na doon sila unang nagkita. Nakapwesto siya sa gilid ng puno kung saan hindi agad mapapansin ng taong paparating.
Naramdaman niyang may umupo sa tabi ng puno. Alam niyang si Rein iyon. nalalanghap niya ang amoy nito. How did she know na dito sila unang nagkita? Nakilala kaya siya nito. Kung oo, huli na para doon.
Narinig niya ang paghikbi ng dalaga. Ganoon na lang ang pagpipigil sa sarili na daluhan ito.
“Brent … pakiusap dumating ka.”,naririnig niya ang paghikbi nito.
“Pakiusap…”,umuusal ito ng panalangin.
Nais niyang magpakita rito pero hindi maaari ayaw niyang makita siya nito sa ganoong itsura. Kulay abo na halos ang katawan niya. Sa tiyantsa niya ay bukas pagsikat ng araw ay kulay itim na ang rosas. Nakita niya ito sa kabundukan ng Maria. Iyon ang tawag doon ng mga matatandang bampira.
Kulay puti iyon at tumutubo sa malinis na batis. Iisa lamang iyon. Kailangan niyang iturok iyon sa kanyang laman. Tila sinisipsip nito ang dugo niya. Mula sa pagiging puti ay magiging itim ito. Kinailangan ang buhok ng bampirang ibabalik niya sa pagiging mortal upang malamn nito kung sino ang gagawing tao.
Isang petal na lang nito ang hindi nagiging kulay itim.
“Brent”,narinig niyang sumigaw ang dalaga. Umiiyak tlga ito. “Bakit? Ganito ka ba ha? Kapag umiiyak ako hindi mo ako malapitan? Nasasaktan ako Brent, nasasaktan ako!”
Huminga siya ng malim. Nanghihina na siya.
“Brent… bumalik ka na pakiusap…”, narinig niya ang mahinang paghikbi nito. Ilang minuto ring tumahimik ito. Marahil ay nakatulog dahil sa kakaiyak.
Sinilip niya ang dalaga. Nakatulog na nga ito. Namumugto ang mga mata nito. hinaplos niya ang pisngi nito na mamasa masa pa dahil sa mga luha. Hinubad niya ang suot na pang-itaas upang ipangkumot sa dalaga.
Kinantian niya ang mg alibi nito. Kahit sa huling sandali nais niyang maramdaman ang labi nito.
“B..brent…”,narinig niya ang mahinang pag-usal nito ng pangalan niya. Hindi pa ito dumidilat ng mata.
“Mahal kita Rein. Mahal kita. Patawad.”, tumayo na siya. Nanghihina siya pero kaya pa nyang dalhin ang sarili. Nagtungo siya sa kabundukan at pumasok sa isang kweba.
Doon dinala ang abo ng kanyang ama at ina, kasama ng ilan pang bampira na namatay sa gyera. Nakahilera ang mga banga kung saan nakalagay ang mga abo nito. Ngumiti siya.
“ama, ina…”, hinaplos niya ang dalwang banga na magkatabi. Alam niyang sa mga magulang niya ito dahil sa pangalang nakaulit sa lalagyan. Mauricio & Isabel.
Umupo siya sa tapat niyon at ipinikit ang mga mata. “Rein…”
“REIN,hija gumising ka?”, narinig niyang tawag ng matanda. Bumangon siya. Nsa silid siya kung saan siya nagising pagkatapos ng aksidente.
“Manang si Brent?”, tanong niya rito. Nakia niyang lumingon ito sa upuang katabi ng kinahihigaan niya.lumingon siya doon.
May nakita siyang isang damit nanakasabit doon. Kinuha niya. Mula doon ay nalalanghap pa niya ang amoy ng binata.
“Nakita ka naming nautulog sa parke hija. Nakakumot sa iyo iyan.”
“Paano?, bakit hindi nagpakita si brent sa akin? pinarurusahan ba niya ako?”, tanong niya.
Magsasalita sana ang matanda ngunit biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. Sa tyantsa niya ay nasa treinta ito. Nakapusod ang itim at mahabang buhok.
“Manang, si Brent? Bakit hindi ko mabasa ang kinabukasan ni Brent? Nsaan siya”, tanong ng estranghera habang panay ang lingon sa paligid. Huminto ito nang makita siya.
“Melicia?”, natakpan nito ang satiling bibig. “Ikaw nga Malicia, ikaw nga.”,niyakap siya nito. Hindi makasagot ang matanda na halata rin sa mukha nito ang pagkalito.
“Sino ka?”,tanong niya.
“Ako si Florencia, ako ang iyong ina.”,nakangiti ito sa kanya. Pero agad ding naglaho ng mapansin nitong nakakunot ang noo niya.
“Hindi ka naniniwala”, pilit siyang ngumiti. “cge para mniwala ka.Pumikit ka”, hinawakan nito ang dalawang palad niya. Sumunod siya dito. Nramdaman niya ang init ng palad nito. May nakita siyang tila pangitain o marhil larawan ng nakaraaan
“Benedict, anong nangyayari?”, tanong ng babaeng kahawig ng estranghera. May hawak itong sanggol.
“Florencia, hindi maganda. Napuruhan sina Mauricio. Kailangan ko silang tulungan.”, tinig ng lalaki. Lumapit ito sa sanggol at kinantian ng halik sa noo.
“Sasama ako”
“Florencia hindi maaari baka mapahamak ka! Kailangan ka dito ni Melicia”, tinutukoy nito ang sanggol na hawak ng babae. Tinignan nito iyon. Mahimbing itong natutulog na tila walang nangyayaring kaguluhan.
“iiwan ko siya kina Rafael. Kailangan kong tumulong dahil responsibilidad ko ito bilang bahagi ng konseho.”, pagpupumilit nito.
“Paano ang bata?”
“magiging maayos siya maniwala ka sa akin. Alam kong magkikita kami muli. Pero hindi sa ngayon.”, ngumiti ito,pero may halo iyng pag-aalala. Tinawag nito ang isang matandang lalaki.
“Rafael, madali ka. Ilayo mo dito ang anak ko. Hindi siya maaaring nandito. Pakiusap protektahan mo siya.at mag-iingat ka.”, pakiusap ng babae.
“Florencia, ayon sayo ay mamamatay ako sa pagitan ng mga usok. Marahil malapit na iyon. Wag kang mag-alala poprotektahan ko siya.”, umalis na ang matanda.
Karga karga nito ang bata. Dumaan ito sa gubat. Mahamog na. nakarinig ito ng mga kaluskos. Papalapit sa kanila. Nagmamadali itp. Naramdaman niyang kinakabahan ang matanda. Mahamog s gubat kaya hndi nito maaninag ang mga sumusunod. Nakakita ito ng isang kubo. Iniwan nito ang sanggolsa kubo. Batid nitong hindi na ito magiging ligtas kung kasama siya nito.
May lumabas sa kubo ang isang babae. Luminga ito sa paligid pero wlang nakitang ibang tao kaya pinli nitng pumasok na lang. mabait ang babae. Kinabukasan ay nagtungo ito sa isang mansion.pamilyar sa kanya iyon dahil iyon ang tahanan nila sa Tagaytay. Nakita niyang sinalubong ng ina ang babaeng may dala ng sanggol.
Narinig niyang nakikiusap itong mamasukan bilang katulong. Ilang araw lamang ay iniwan nito ang sanggol sa tahanan ng mag-asawang sandoval.
Hinihingal siya ng bitawan siya ng babaeng kaharap niya. Namumuo ang pawis niya sa noo na dahn dahan naman niyang pinunasan.
“So…”, sagot niya
“You are my child, Melicia or should I call you Rein. Oh ang ganda pa rin ng pangalan mo”, niyakap pa rin siya nito. She’shappy to meet her real mom pero nagtataka siya.
Bakit tao siya?
“Oh! I don’t know why you became a human”, sagot nito
She can read minds?
“Yes honey! I can”, sagot nito. Ngumiti ito sa kanya.
“We will talk later Melicia, I mean Rein… I need to talk to Auring.”, childish itong tignan pero sumeryoso muli ang mukha nito.
“Where’s Brent?”, tanong niya sa matanda.
“Florencia, akala ko ba kaya mong basahin ang nasa isip ng iba?”, tang nito. Ngumiti ang ina.
“why should I kung kaya mo mo namang magsalita?” nakita niyang huminga ng malalim ang matanda.
“HInanap niya ang Rosas and you know the reason.”
Tumayo ang ina at inakay siya.
“Come with me to the organization. Pati ikaw Auring kailangan ka rin doon. And Rein, I know you want to come. May malaki kang papel dito.”, utos ng ina niya.
BINABASA MO ANG
Kiss of a Vampire (Completed)
Romansa“Vampires are not real”. Iyon ang paniniwala ni Rhea Nicole, Rein for short until she met a mysterious gorgeous man after an accident. She sense familiarity with this stranger. In her eyes, he's a stranger but her heart tells he's not or she's under...