Chapter 21

6.7K 127 2
                                    

PINAKIKIRAMDAMAN ni Rein ang paligid. Hindi niya malaman kung gaano katagal siya nakatulog. Nakapiring ang mga mata niya at Nakagapos ng mahigpit. Alam niyang kaya niyang makawala doon pero sa hindi malaman na dahilan ay di niya iyon magawa. Hindi na lamang siya kumikilos para hindi makaagaw ng atensyon.

Nakarinig siya ng mga kaluskos. May tunog ng mga metal na nagkikiskisan. Wala siyang ideya kung anong nangyayari sa paligid niya. Napasinghap siya ng maramdamang may bumagsak sa tabi niya. Umuungol ang nilalang na iyon sa sakit.

“Tama na, napagutusan lamang kami..P..pakiusap wag mo kaming saktan”, pakiusap ng lalaki.

Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Nakarinig siya ng mga yapak ng dalawa, hindi lima, sampu?. Hindi niya masiguro ang bilang dahil tila padami ng padami ang parating.

“Kunin niyo ang babae. Madali kayo!!!”, utos ng lalaki. Mbabahidan ng takot ang mga tinig. Boses iyon ni Elizar kung hindi siya nagkakamali.

Narinig niya ang mga yapak na papalapit sa kinapupwestuhan. Bago makalapit ang mga ito ay narinig niya ang mga hiyaw ng mga ito na tila nasasaktan. Mga hiyaw na bigla ring nawala.

“sugurin niyo siya!”, utos muli ni Elizar. Wala siyang naramdamang may sumunod dito. “Kayo!, sinabi ko sa inyong sugurin niyo siya!”, may hinatak itong binata at inihagis sa tapat ng nilalang na kinatatakutan nila.

“Huwag,,pakiusap huwag.. Hindi namin sinaktan ang dalagang iyon…”, narinig niya ang pagtakbo nito.

“Bumalik ka dito duwag!” tawag ni Elizar. Unti-unti ring nagsi-atrasan ang mga kasamahan nito.

“Elizar, Hindi ba’t ito ang gusto mo?”, garalgal ang tinig ng lalaki. Pero ang tinig nito kahit puno ng pagkabagsik ay nagbigay kapanatagan sa kanya.

“B..brent … wag mo akong sasaktan… hindi ko naman sinaktan ang babae mo .. na … napagtripan ko lang naming kuhanin siya”, nanginginig na sabi ng binata.

“pano kung sabihin ko sayong trip ko ring kunin ang buhay mo?”, pagbabadya ng binata.

“awk..bbb..rent .. wag pa..pakiusap.”, tila may sumasakal dito.

“Brent!”, tawag niya rito. Narinig niyang may bultong bumagsak sa sahig at panay ang ubo. Umusal ng pasasalmat ang nilalang na iyon at bigla n lang umalis.

Naramdaman niyang may lumapit sa kanya. Ramdam niya ang mainit nitong hininga at ang mga haplos nito sa kanyang pisngi. Nariring ang tibok ng puso nito.

“Nasaktan ka ba?”, tanong ng binata. Marahan nitong inalis ang kanyang piring at ang mga gapos sa mga kamay. Sinipat nitong mabuti kung may galos siya. Labis niyang hinangad na makita muli ang binatang ito. Niyakap niya ito ng mahigpit kabang ang mga luha’y hindi mapigilan sa pagpatak.

“Shhh… you’re safe now baby.”, alo nito habng hinihimas ang mahaba niyang buhok.

“Brent… Oh brent..”, mahigpit ang pagkakayakap niya sa binata ngunit sabay silang napaungol dahil sa sakit na nadadama. Lumayo ito bigla sa knya at tumalikod. Hindi niya malaman kung bakit biglang nanakit ang dibdib niya. Nahihirapan rin siyang huminga tulad ng binata.

Nang mawala ang sakit ay humarap ang binata sa kanya. Mukhang nanghihina ito. Ngayon lang niya napuna ang ilang bahid ng dugo sa damit at sa mukha nito. Nagkalat din ang abo sa sahig. Pero ang mas nakakuha ng atensyon niya ay ang isang rosas na kalahating puti at kalakahating itim na hawak ng binata, hindi, nakatusok ang bulaklak sa palad ng binata. Kulay abo rin ang mga braso nito hanggang sa kalahati ng leeg. Lumapit siya rito upang hawakan ang braso nito.

“Huwag!”, babala nito. “Diyan ka lang Rein, huwag kang lalapit at making ka…”

“Brent ano…ano ang nangyayari sa iyo?”, pakiusap ng dalaga.

Tumawa ito na may halong pait. “Hindi ako nagpunta rito para sagutin ang mga katanungan mo.Umalis ka na,wag ka ng tatapak muli sa lupaing ito.”

"Brent... kausapin mo ako"

“Para saan? hindi ba’t isang kalapastangan na naririto ang isang babaeng ikakasal na kasama ang ibang lalaki? Ano na lamang ang sasabihin ni Chito kung may kasama kang halimaw!? Hindi ka ba natatakot na kontrolin kita?”, sarkastikong tanongnito.

Hindi agad nakasagot ang dalaga.

“Brent hindi kita malinaw na sa akin ang lahat"

"Hindi mo naiintindihan ang sinasabi mo Rein", sagot nito.Lumayo na ito sa kanya.

"Makinig ka muna sa akin nais kong magkita tayo sa park. Brent sa park kung saan una kitang nakita”, sigaw niya. hindi niya sigurado kung narinig siya ng binata.

Pero nais niyang ausin ang lahat, para sa kanya, kay Chito at kay Brent. Tama si Manang Auring. Tanging siya lamang ang makakaalam kung nililinlang siy ang binata.

Nasa ilalim man siya nito ng isang hipnotismo o kung ano alam niyang hindi niya maaaring iwan ang binata.

Kiss of a Vampire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon