Chapter 25

6.6K 127 2
                                        

MATAAS ANG SIKAT NG ARAW. Kasama niya ang mga tunay niyang magulang. Pinakilala siya ni Florencia kay Benedict na siyang tunay niyang ama. Hindi na ito nagtanong bagkus ay niyakap siya nito. Naiilang man siya nito ay masaya siya pero kulang pa nais niyang makita si Brent.

Hawak hawak siya ng kanyang ina habang binabagas ang masukal na daan sa gubat. May hawak na payong ito katulad ng kanyang na nagsisilbing pananggalng sa araw.

“ssshhh… Bakit ba kasi nagkaroon pa ng global warming. Hindi naman gaanong kainit noon”, himutok ng kanyang ina. HInahawi nito ang ilang damo sa kanilang daanan gamit ang patpat.

“Kung nagrereklamo ka, maiging hindi ka na sumama”, tumilim ang mata ng kanyang ina sa sinabi ng ama. Nakangiti naman ang ama niya na inayos ang salamin kahit hindi naman nahuhulog dahil matangos ang ilng nito.

“Ikaw! Naku… Rein hija, wag kang gagaya sa ama among masungit ha”, baling nito sa kanya.

“Wag mo sanang manahin ang pagiging reklamador ng mama mo”, singit ng ama. Tila natutuwa pa ito na iniinis ang ina. Nsa likuran nila ito. Bumaling dito ang ina sabay ibinato ang hawak na patpat pero nakailag ito.

“Iyang ganyan hija wag m ring gayahin”, natawa lang siya. Her real mom and Dad really looks like a couple. Inakbayan ng kanyang ama ang ina na tila nagtatmpo.

“We’re here”, sabi ni benedict. “Madilim sa loob,mahihirapan kang makakita doon. Lalo na’t hindi ka na isang bampira…Flor, kayo na ang pumasok sa loob. Aantayin ko kayo dito sa labas. Nakita niyang umirap ang ina. Napakamot naman sa ulo ang kanyang ama sabay sandal sa isang malaking puno.

“Ma, anong meron dito?”, tanong niya. Madilim ang lugar kaya todo kapit siya dito.

“Dito nakalibing ang abo ng mga bampirang nakikilala namin.Narito rin ang abo ng mga magulang ni Brent”, napasinghap siya. Nasa isang sementeryo pla siya.

“Brent!”, sigaw ng ina. “Rein, narito siya”

Sinundan niya ang tinig ng ina. May nakapa siyang bultong nakahiga sa sahig.

“Brent…brent..nririnig mo ba ako?”

“Hija, hindi ka niya maririnig. Humawak ka sakin. Kailangan kong kargahin si Brent palabas dito”,  sumunod siya dito.

Nalakad na sila palabas. Doon lang niya nakita ang itsura ng binata. Kulay abo ang buo nitong katawan. Nakatusok pa rin dito ang bulaklak na kulay itim. Natutyo na ang ilang petals nito.

“Flor, kailangan na nating magmadali”, sabi ng ama an sinalubong sila.

“tama ka, hindi nain maaaring magsayang ng oras. Nalalnta na ang bulaklak”, inilipat nito ang binata sa bisig ng ama. Nauna na ang mga ito papunta sa organisasyon.

“Kailangan na rin nating umalis. Kapag nalanta ang bulaklak hindi na natin siya maibabalik. Kumapit ka sakin ng maagi. This will be a tough ride”,paalala sa kanya ng ina.

“I will endure it”, kailangan niyang gawin iyon para sa binata.

Kiss of a Vampire (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon