"Msaya? Paano ka sasaya kung isang halimaw ang ksama mo?",napayuko siya. Naalala niya ang sinabi dito.
may mga bagay na ginawa mo na,mahirap ng bawiin. naisip niya.
"Halimaw"... ulit niya. Naramdaman niyang kumunot ang noo nito. "Ibig sabihin halimaw din ang tunay kong magulang at isa din akong halimaw. Masakit pla kapag sinasabi sa iyo ang mga salitang iyon." tiningala niya ito.
"Hindi ko pinangarap magmahal ng katulad natin pero ano ang mgagawa ko kung puso ko na mismo ang nagdidikta na mahalin kita. Pilit ko mang pigilan di ko kaya... Mahirap...",sagot niya.
Tumalikod ulit ito sa kanya at nagtuloy sa paglalakd.
"Paano mo naging magulang sina Tito Benedict at Tita Florencia?", tanong nito.
"Tito? Tita?... Pinsan kita?", hindi maaari. Hindi niya kakayanin kung pinsan niya pla ito.
"HIndi. Ngayon tanong ko naman ang sagutin mo", nakahinga siya ng maluwag ng malamang hindi niya ito kamg-anak.
"Noong hinintay kita sa parke ay nakatulog ako, nang magising ako ay nasa inyo na ako at doon dumating si Mama. Alam mo naman siguro ang kakayahan niya", nakita niyang tumango ito.
"Anong naramdaman mo noon?", tanong nito may pag-aalala sa tinig nito.
"Hindi ko alam. May ibang bagy akong iniisip noon. Nakisabay na lang ako sa agos. Kahit papaano ay natuwa ako na natagpuan ko o mas tamang sabihin na natagpuan nila ako",ngumiti siya. Abala noon ang puso at isip niya kay Brent kaya hindi siya gaano nabigla sa rebelasyon na bampira ang mga magulang niya.
"Makapangyarihan sila.Si tita flor ay mental ability,samantalang si tito ben ay may kakayahan ng apoy",paglilinaw nito. Hindi niya alam ang kakayahan ng ama dahil hindi niya pa nkikita o nararamdaman iyon.
"Kasama sila sa apat na elders, di ba. Nakilala ko na rin ang pinakapinuno,si Enrique. Hula ko may kakayahan siyang magpayelo ng mga bagay-bagay",sabi niya.
"Pati mga tao" dugtong ni Brent
"Bakit pla sinabi mo noon na umiwas ako sa kanila. Mababait naman sila hindi ba?", tanong niya dito.
"Ang tatlo, oo pero si Elizar ay hindi. May kakayahan siyang kumontrol ng tao, hayop maski mga kapwa bampira", sagot nito.
ibig sabihin ay nilinlang lamang siya ng lalaking iyon. Napailing siya. Sinira niya ang nabubuong pagtitinginan nila ni Brent dahil naniwala siya sa kasinungalingan nito. Nakuyom niya ang mga palad.
Naramdaman niya ang braso ng binata sa beywang niya. Kinabig siya nito. Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito.
"Hindi ka ba marunong mag-ingat?", nakita niya ang mga mata nito na may halong galit at pag-aalala
"bakit?", tanong niya.
"Ayos ka lang ba?", hinaplos nito ang pisngi niya. May pagaalala sa tinig nito. "Muntik ka ng mabangga ng sasakyan"
"Ha?", nilingon niya daan. Wala ng sasakyan doon.
Pinakawalan na siya ng binata. Hinawakan siya nito sa kamay at kinuha ang payong na hawak niya.
Napatingin siya sa kamay nilang dalawa. Napangiti siya. Hindi rin pala masamang nalalapit ka sa aksidente.
Wala ni isang nagsalita sa kanila hanggang makauwi na sila.

BINABASA MO ANG
Kiss of a Vampire (Completed)
Romansa“Vampires are not real”. Iyon ang paniniwala ni Rhea Nicole, Rein for short until she met a mysterious gorgeous man after an accident. She sense familiarity with this stranger. In her eyes, he's a stranger but her heart tells he's not or she's under...