"PWEDE BANG umupo ka muna Flor", utos ni Benedict sa kanya.
HIndi siya mapakali dahil mag-iisang araw ng hindi bumubukas ang silid ng binata. Ni hindi man lang sila makarinig nang ingay mula sa loob.
Umupo siya sa tabi ng asawa. Kinabig siya nito at isinandal sa balikat. Sila lamang ang natirang nagaantay doon. Kailangan umalis ni Enrique upang masubaybayan ang mga agenda ng ibang bampira at upang ituloy na rin ang parusa nito kay Elizar.
huminga siya ng malalim, "hindi ako mapakali ben"
"Mukha nga. Magtiwala ka sa anak natin, pati na rin kay Brent", tumango lamang siya.
Naagaw ang atnsyon nila ng isang musika mula sa loob ng silid. Iisa lamang ang maaaring tumugtog nun. Si brent.
BUMALIKWAS NG bangon si Rein. Wala ang binata sa tabi niya. Nilingon niya ang kabuuan ng silid pero wala iyon doon.
"Brent?", tawag niya dito.
Nananakit pa rin ang katawan niya dahil sa nangyari nang nagdaang gabi. Narinig niya ang isang malungkot na musika na nililikha ng isang piano.
Piano? may piano ba dito sa silid?
Tumayo siya. Ipinangtaklob niya sa kanyang katawan ang puting kumot, hindi na niya inabala ang sarili upang hanapin ang damit niya.
Napansin niya ang isa pang pituan. Malapit sa pintuan na patungo sa library. Dahan dahan niyang binuksan iyon.
Naroroon ang binata. Bumalik na sa normal ang itsura nito. Nakapikit ito habang tumutugtg. Napakalungkot ng tugtog. Hindi niya mapigilan ang maiyak.
I often close my eyes
nd i can see you smile
you reach out for my hand
and I'm woken from my dream
Although your heart is mine
It's hollow inside
I never had your love
and i never will
Sinasabayan ng binata ang tugtog. Pati ang awit nito ay puno ng emosyon.
And every Night
I lie awake
Thinking maybe you love me
Like I've always loved you
But how can you love me
like I loved you
when you can't even
look straight in my eyes
Hindi humihinto sa pagpatak ang luha niya. Nais niyang lapitan ito at yakapin at sabihing nagkamali siya at mahal niya ito. Pero paano? Maniniwala ba ito sa kanya pagkatapos niyang magbitaw ng masasakit na salita dito.
[Lyrics/music from Kiss the Rain]
BINABASA MO ANG
Kiss of a Vampire (Completed)
Romantizm“Vampires are not real”. Iyon ang paniniwala ni Rhea Nicole, Rein for short until she met a mysterious gorgeous man after an accident. She sense familiarity with this stranger. In her eyes, he's a stranger but her heart tells he's not or she's under...