Chapter 6

8.2K 160 4
                                    

HUMINTO SIYA SA DAAN dahil biglang nasira ang sasakyan niya. He’s waiting for help kaya tumayo siya sa gilid ng daan para makapagabang ng makakatulong sa kanya. Well, kaya naman niyang umalis doon but something is pushing him to wait their. Luckily, after 15 minutes may nakita siyang pulang sasakyan na mabagal ang andar. Babae ang driver, sinesenyasan nia ito pero parang abala at nakayuko ito. Texting while driving. He thought.

Nakita niya kung paano nabigla ang driver niyon ng mapagtanto nito ang sasakyang nasa harap. Light gray ang sasakyan niya and it’s making a quite camouflage lalo na kapag may fog kaya di nakpagtatakang di iyon agad napansin ng babae. Sa oras at lugar kasi na iyon matindi ang hamog. Lumiko ang pulang sasakyan pakaliwa at nakasalubong nito ang truck na mabilis ang takbo, sa tantiya niya ay nawalan ito preno, pababa ang trail na tinatahak ng truck kaya mas mabilis ang pagbulusk nito. Kinabahan siyang bigla, tila naestatwa siya. Sa isang iglap napahinto ay ang dalwang sasakyan. Ang truck ay sumalpok sa isa sa mga bundok at ang pulang sasakyan ay yupi ang kaliwang bahagi.

Lumapit siya sa mga ito. Una niyang pinuntahan ang truck, dahil mas malapit ito sa kanya. Buhay pa ang driver wala lamang malay. Bilang doctor ay nalapatan niya ito ng agarang lunas. Sunod niyang pinuntahan ang nagmamaneho ng pulang sasakyan. It’s a woman. He felt a sudden pain ng makita niya ang duguang mukha ng babae. Naipit ito ng sariling sasakyan marahil dahil sa impact ng pagkakabunggo nito.

Lumingon muna siya sa paligid upang siguradong walang makakakita sa knya. Inalis nito ang mga bahaging nakaipit sa katawan ng biktima, mabilis pero may pagiingat. Kinarga niya ang babae. Mabagal na ang pagtibok ng puso nito. I need to hurry.

As much as possible hindi niya nais gamitin ang kakayahan but not this day. There’s an urge na masagip ang babae. With his speed tinakbo niya ang klinika within a minute. Kung may nakapansin man sa kanya ay aakalain lamang ng mga ito na lumakas ang hangin.

Ingat na ingat niyang inihiga ang katawan ng babae sa kama. Ginawa niya ang lahat para masalba ito but the machine keeps on telling him that she’s no longer alive. Nanghina siya, pakiramdam niya siya ang nawalan. Nilinis ang mukha ng babae dahil puno ito ng dugo. Maputi ito,matangos ang ilong at mapupula ang pisngi, a face which is familiar to him.

Marami na siyang operasyong di naging matagumpay but this one gave him a sudden shock, pain parang ang laki ng nawal s kanya. Nais din niya malaman kung bakit tila pamilyar ang babae sa kanya. Iyon lang ba talga?, bulong ng isip niya.

“I need to bring you back. Di ako Diyos pero ito lang ang alam kong paraan. Patawarin mo sana ako sa gagawin ko.”, hinwi niya ang buhok nito. Binaba ang mukha niya palapit sa mukha nito upang isagawa ang isang halik. Isang halik na magbabago ng buhay nito.

Kiss of a Vampire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon