Chapter 20

6.4K 121 2
                                        

HINDI ALAM Ni REIN kung bakit nandito siya dinala ng paa niya, sa pintuan ng bahay ni Brent. Kumatok siya ng tatlong beses. Pinagbuksan xa ng pinto ni Manang Auring at pinapasok sa loob.

“Manang, si Brent?”

Hindi umimik ang matanda. Dumiretso lamang ito sa kusina at nagtimpla ng kape para sa kanilang dalwa.

“Umalis na siya”,sagot ni Maria na nasa likod niya.

“nasaan siya?”, tanong niya.ilang beses niyang pinabalikbalik ang tingin sa dalwa.

“Hindi ko alam, Manang, san ko pla ilalagay ito?”, hindi pa rin sumasagot ang matanda.

 “ano ba iyan??”, tanong niya

“mga gamit ni Brent mula sa library sunugin ko daw.”

“saglit lang maria, pwedeng tignan ko muna?”, si Rein

“sige, bhla ka. Ito oh”

Naroon ang kwadernong nabuklat niya sa library. Tinignan niya muli ang larawan. Pamilyar sa kanya ang binatilyo. Nakita niya na ito. Mabilis ang pagtibok ng puso niya. Kaya pla tila pamilyar ang binata.

“Manang, san po pla kuha ito?”

“ah, dito iyan sa may park. Diyan daw niya nakilala ang unang pag-ibig niya. ”, kalmanteng sagot ng matanda.

Tinignan niyang mabuti ang larawan. Kilala niya na kung sino ito. Tumayo siya. Alam niyang hindi magsasalita ang matanda kung nasaan si Brent. Hindi rin siguro nito alam kung nasaan ito.

Kailangan niyang makita si Brent. Bago siya umalis ay hinawakan ng matanda ang kamay niya. Nasa mata nito ang pakiusap. Tila may mangyayaring di maganda kaya nagmadali siya.

Lumabas na siya ng bahay.

“Brent!”, sigaw niya, “Brent nasaan ka?, magpakita ka Brent”.

May kakaiba siyang nararamdaman. Mula sa kanang kamay niya nararamdaman niya ang kakaibang init. Hindi ito galing sa araw kundi sa loob mismo ng katawan nya. Tinapat niya sa liwanag ang kanang kamay hindi ito nakakdma ng pagkapaso hindi tulad ng kaliwang kamay niya. Anong nangyayari?

“Oh binibini may problema ba?, hindi mo yta kasama ang prinsipe mo”, si Elizar. Nakangiti ito. Mataas pa ang araw pero kulay pilak na ang mga mata nito.

“Nasaan si Brent?”, tanong niya. Nanginginig siya dahil sa takot pero ayaw niyang ipahalata iyon.

“Oh gusto mo ba tlga xang mkita? Sumama ka samin”, pagpupumilit ng lalaki. Lumapit ito sa kanya at sumenyas na tila may tinatawag. Lumingon siya sa likod niya. Naroon ang 3 pang kalalakihan. Kapwa pula ang mga mata at naglalabasan ang mga pangil.

Tatakas sana siya ngunit napalilibutan na siya ng mga ito. Sa isang iglap ay nawalan siya ng malay.

“B..brent…”

Kiss of a Vampire (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon