MADILIM ang paligid na halos hindi na makita ng binata ang daraanan niya. Papunta siya sa kusina upang kumuha ng baso ng tubig. Naalimpungatan kasi ang binata at tuluyan na nga siyang nagising.
Nasa hagdanan ang binata at handa na siyang bumaba nang makarinig siya ng mga kaluskos. Kinabahan siya nang tuluyang makarinig na ng ingay.
Nang makababa siya ay namilog ang mga mata niya nang makita ang mga lalaking nakasuot ng itim na bonnet. Armado ang mga ito. Ilang ulit na napalunok ang binata. Nakita niya ang Mama at Papa niya na nakabusal ang bibig.
Nang makita ang binata ng Mama niya ay pinanlakihan siya nito ng mata. Nagbibigay ng hudyat na magtago ito at huwag lumapit. Dahil sa pinaghalong gulat at takot ay halos hindi na makagalaw ang binata sa kinatatayuan niya.
"Ayos ito! Pwede natin galawin ito. Napakaganda ng kutis at halatang mayaman talaga," tawa ng isa sa mga lalaki. Hindi alam ng binata kung sino sa mga iyon ang nagsalita.
Anim ang nakikita ng binata na kalalakihan. Malalaki ang mga katawan nito at gustuhin man niya na manlaban ay may mga armas din ito. Higit na mas malalakas ito sa kanya base pa lang sa katawan wala siyang panama.
"Jackpot tayo nito. Salamat na lang talaga kay bossing!" humalakhak ang isa pa sa mga lalaki.
"Magpapakasasa muna kami rito kay Miss Ganda bago namin kayo patayin. At ikaw, panoorin mo kung paano namin dadalhin sa langit ang asawa mo," sabi ng isang lalaki, mukhang ang lider nila. Nakita ng binata na nag-apir pa ang mga lalaki.
Tinanggal ng isang lalaki ang busal sa bibig ng Mama at Papa ng binata. Kita niya ang ngisi sa mga mukha ng ibang lalaki sa grupo, ang iba naman ay nakatalikod mula sa direksyon ng binata.
"Mga hayop kayo!" sigaw ng Papa ng binata.
"Ay! Talagang-talaga! Pero mabait pa naman kami ng slight kaya hindi pa namin kayo agad-agad na papatayin," humalakhak ang lalaking nagsalita.
"Mabubulok kayo sa impyerno!" bulyaw ng ina ng binata.
"Kung hindi ka lang maganda ay kanina ko pa pinasabog ang ulo mo. Pero syempre, hindi ako papayag na hindi ka matikman." Nakita pa ng binata na hinimas ng lalaki ang legs ng kanyang ina.
Pilit na pumalag ang ina ng binata. Pero dahil nga nakatali ang kamay at paa nito ay wala siyang magawa. Siya lang din ang nahihirapan.
Sunod-sunod na napalunok ang binata. Napaatras ang binata sa kaba at takot na nararamdaman. Hindi niya namalayan na natamaan niya ang isang flower vase sa likuran niya. At biglang nalalag ito at nabasa. Lumikha ito ng ingay, kaya napalingon ang mga kalalakihan sa direksyon niya.
Kitang-kita ng binata ang pamimilog at pag-awang ng labi ng mga magulang niya. Nakita niya ang pagngisi ng mga kalalakihan.
"Agasé, takbo!" sigaw ng ina ng binata.
Kahit nanginginig ang binti ay sinubukan ng binata na pumihit patalikod. Upang tumakbo palayo aa lugar na iyong. Hanggang sa narinig niya ulit ang sigaw ng kanyang ina at biglang nakarinig siya ng ingay—putok ng baril.
"Takbo anak, takbo!"
Pagkatapos . . . ay isa nanamang putok ng baril.
Napabalikwas ng bangon si Agasé. Napatingin siya sa alarm clock sa tabi ng kama niya. Nakita niya na alas-sais pa lamang ng umaga. Napabuga siya nang malalim na hininga. Pawis na pawis siya.
Napailing lang si Agasé at pumasok sa banyo. Hinawakan niya sa magkabilang gilid ng lababo at seryosong tumitig sa salamin.
That's a very bad dream!
BINABASA MO ANG
Before The Future [Wattys 2021 Winner]
Mystery / ThrillerThe sixteen-year old heir of Favilion's legacy was known for being a great campus journalist and he created a blog called "Black Label" that exploits the government. He had an almost perfect life, not until his parents were killed, and he must find...