Chapter 15: Birthday
ANIM na buwan na ang lumipas mula nang huling magkausap si Agasé at Maia. Naging maayos naman ang sumunod na mga nangyari.
Tinulungan ni Agasé si Maia at ang nanay nito na si Sarah na makahanap na ligtas na tirahan, iyon ay sa tulong ng sariling pera ni Agasé. Ang pera na ipon niya noon pa man, kahit noong buhay pa ang mama at papa niya.
Gustuhin man ni Agasé na puntiryahin si Neon Leviste at ang ama nito sa blog niya, hindi niya magawa. Iyon ay dahil sa pinoprotektahan niya si Maia at ang ina nito. Sa hindi malamang rason ay komportable at magaan ang loob ni Agasé sa dalaga.
Ngayon ay nagtitipa si Agasé sa kanyang laptop habang sumisimsim ng kape. Hindi ang blog niya ang inaayos niya, kundi ang thesis niya—nila ng mga kagrupo niya. Napatigil siya sa pagtitipa nang biglang bumukas ang pinyo at niluwa no'n si Ulysses.
Napaangat ang isang kilay ni Agasé sa kaibigan. Kitang-kita niya na tumutulo pa ang mga pawis nito.
"Nag-jogging ka ba at pawis na pawis ka? Tanghali na ah. Umaga dapat ang jogging, Ulysses," natatawa at naiiling na sambit ni Agasé.
Pinakita naman ni Ulysses ang gitnang daliri niya kay Agasé. "Gago, hindi ano! May good news ako, Aga. Hindi ka maniniwala rito!" masayang bulalas ni Ulysses.
Napaangat ang isang kilay ni Agasé. "Spill."
"Kami na ni Agnes!" masayang sigaw ni Ulysses. Pulang-pula ang mukha nito at halos mangisay sa kilig.
"Ay, hindi nga kapani-paniwala 'yan. Okay, next . . ."
"Tarantado!" Halos lundagin ni Ulysses si Agasé. Sinuntok ni Ulysses sa balikat si Agasé at natawa lang ang kaibigan niya. "Totoo nga, kami na ni Agnes!"
"Weh? Baka naman nanaginip ka lang."
"Para ka namang gago, Aga! Hindi ako nananaginip! Kagabi niya ako sinagot no'ng nag-date kami," masayang kuwento ni Ulysses sa kaibigan. Hindi naman maiwasan ni Agasé na mapangiti dahil kitang-kita niya ang tuwa sa mga mata ng kaibigan.
"E 'di sana all na lang sa 'yo!" natatawang wika ni Agasé. "Kami kaya ni Benilde . . . kailan kaya?" mahinang bulong ni Agasé sa sarili.
"Bakit kasi hindi mo tanungin si Benilde mismo? Halata namang gustong-gusto niyo ang isa't-isa!" sabi ni Ulysses.
"Hindi naman gano'n kadali 'yon." Napabusangot si Agasé. Sinarado niya ang kanyang laptop at inubos na ang kape na kanina pa niya iniinom.
"Sa bagay . . . maging ako rin ay nahirapan na aminin ang nararamdaman ko kay Agnes."
Napabuga na lang nang malalim na hininga si Agasé at Ulysses. Walang imikan o ingay sa pagitan nila nang biglang tumunog ang cellphone ni Agasé. Nagkatinginan pa ang dalawa bago kuhanin ni Agasé ang cellphone niya.
Napatingin si Agasé sa caller ID, nakita niya ang pangalan ng uncle niya. Napakunot ang noo ng binata dahil hindi niya alam kung bakit siya tinatawagan ng Uncle niya.
"Hello, uncle . . ."
"Agasé, hijo! Kumusta ka na?" tanong ni Louis sa pamangkin niya.
"Maayos naman ako, uncle. Wala po kayong dapat ipag-alala. Bakit po kayo napatawag?" tanong ni Agasé sa tiyuhin.
Tumikhim muna si Louis bago nagsalita. "Hijo, gaganapin na ang ika-labingwalong kaarawa mo sa susunod na linggo. Ibig sabihin ay legal na mapapasaiyo ang mga properties na iniwan ng magulang mo. Katulad ng pera at kompanya," sambit ni Louis.
Muntikan ng makalimutan ni Agasé na malapit na pala ang kaarawan niya. Totoong mapapasakanya na ang mga kayamanan na iniwan ng magulang niya sa kanya. Lahat-lahat ng kayamanan, at hindi na rin kailangan ni Agasé ng permiso ng Uncle niya s lahat ng mga gagawin niya. Wala ng kontrol si Louis sa binata.
BINABASA MO ANG
Before The Future [Wattys 2021 Winner]
Mystery / ThrillerThe sixteen-year old heir of Favilion's legacy was known for being a great campus journalist and he created a blog called "Black Label" that exploits the government. He had an almost perfect life, not until his parents were killed, and he must find...