CHAPTER 5

1K 84 3
                                    

Chapter 5: Suspect

TUMAKBO palabas ng mansyon nila si Agasé. Namilog ang mga mata niya nang makita ang mga nakabulagta nilang mga tauhan. Nilingon ni Agasé ang mansyon at doon nagsimulang tumulo ang mga luha niya.

Nang makita niya na may lumabas na lalaki sa mansyon upang habulin siya at agad siyang tumakbo. Tumutulo ang luha niya habang tumatakbo palayo

"Mommy, Daddy . . . I'm sorry."

Paulit-ulit na sambit ni Agasé habang tumatakbo palayo. Hinihiling niya na sana ay masamang panaginip lang ang nangyayari. Pero ilang beses niya ng sinuntok ng sarili pero wala pa rin—totoong nangyayari ang lahat!

Nang makalayo na si Agasé ay tinalunton niya ang madilim na daan. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Nang lumingon siya ay nakita niya na may mga humahabol sa kanya at may mga armas ang mga ito.

Walang nagawa si Agasé kundi ang tumakbo ulit hanggang sa nakarating siya sa mapunong lugar. Hindi niya alam kung ano o kung nasaan siya. Basta ang importante sa kanya ay makalayo.

Bibigyan ko sila ng hustisya! Ipaghihiganti ko sila!

Iyon ang tumatakbo sa isip ni Agasé. Nanlabo ang paningin niya dahil tumulo na ang luha niya. Naninikip ang dibdib niya na bukas . . . pagkagising niya ay wala na ang pamilya na iniingatan niya.

Patuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa biglang bumuhos ang ulan. Nagpatuloy pa rin siya kahit dumulas at naging maputik na ang daan. Hindi iyon ininda ni Agasé hanggang sa sa biglang madulas siya at tumama ang ulo sa tipak ng bato.

---
NAGISING si Agasè sa isang malamig na kuwarto. Sinalubong siya ng puting ilaw mula sa kisame. Amoy alcohol ang paligid kaya nasisigurado ng binata na nasa loob siya ng hospital.

"Agasé!"

Nang pilit na bumangon si Agasé ay nakita niya ang kaibigan na si Ulysses. Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito.

"Ang parents ko . . ."

"Agasé . . ."

"Nasaan sila, Ulysses?" mariing tanong ni Agasé.

"Wala na sila, Agasé."

Bumagsak ang balikat ni Agasé. Nanlumo siya sa kanyang narinig. Mariin siyang napapikit at pilit na inalala ang huling mga nangyari. Nagtangis ang ngipin ni Agasé sa naalala. Kumulo ang kanyang dugo at sumibol ang matinding galit sa kalooban niya.

"Nang dumating ang mga pulis sa mansyon niyo ay wala na silang buhay. Ilang oras matapos no'n ay may nakakita sa'yo sa kakahuyan na malapit lang sa mansyon niyo kaya nadala ka rito. Tatlong araw kang walang malay," salay ni Ulysses. Napaawang ang labi ni Agasé sa kanyang nalaman.

"T-Talong araw?" hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.

"Oo, tatlong araw."

Napamura si Agasé. Hindi niya mawari kung anong kasalanan ba ang nagawa niya at nangyari ito sa kanya.

"Ano bang nagawa kong masama, Uly? Bakit ako pinarurusahan ng ganito? Wala naman akong maling ginawa. Puro pagtulong sa iba ang ginawa ko. Kulang pa ba 'yon?" Tumulo ang luha ni Agasé. Wala siyang pakialam kahit makita iyon ng kaibigan. Silang dalawa lang naman ni Ulysses ang nandoon.

"Hindi ko rin alam, Aga. Pero gusto kong malaman mo . . . nandito lang ako na kaibigan mo. I'll listen to you and I'll help you no matter what," Ulysses said.

Tinapik ni Ulysses ang balikat ng kaibigan. Inabutan niya rin ito ng tissue. Patuloy ang pagluha ni Agasé at paninisi niya sa sarili niya. Wala namang ibang nagawa si Ulysses kundi ang makinig at pakalmahin ang kaibigan.

Before The Future [Wattys 2021 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon