CHAPTER 7

1K 77 5
                                    

Chapter 7: Letters

TAPOS na ang school year nila Agasé. Kasalukuyang nasa bakasyon sila ngayon. Hindi inakala ni Agasé na makakasali siya sa top five ng klase nila. Maging si Ulysses ay kasali rin.

Nasa sala lang si Ulysses at Agasé. Alas otso na ng gabi. Si Ulysses ay tutok sa pinapanood habang sumsubo ng popcorn. Si Agasé naman ay abala sa kanyang cellphone at wala ang pokus sa pinapanood.

Nilingon ni Ulysses ang kaibigan. Nangunot ang noo nito at napanguso. Bahagya itong umurong para silipin kung ano ang kinakalikot ng kaibigan sa cellphone nito.

"Hoy ano 'yan?" tanong ni Ulysses at pilit na sinisilip ang cellphone ni Agasé. Si Agasé naman ay nilalayo ang cellphone sa kaibigan. "Ano 'yan ha at ayaw mo ipakita? Porn ba 'yan?"

Nagusot naman ang mukha ni Agasé. "Bobo hindi!" Umirap si Agasé at napangisi naman ang kaibigan nito.

"Sus! E bakit ayaw mo ipakita? Patingin nga kung hindi porn 'yan," tudyo ni Ulysses. Lalong nangunot ang noo ni Agasé.

Pinatay na lang ni Agasé ang cellphone at tinago. Ayaw niya naman ipaalam sa kaibigan na si Benilde ang ini-istalk niya sa sa twitter at facebook. Lalo lang siya tutudyuin ni Ulysses. Ayaw naman niya talaga na makialam pa sa dalaga pero hindi lang maiwasan ni Agasé.

Nang bumalik na ang atensyon ni Ulysses sa tv ay sumimple ulit si Agasé sa phone niya. Sa instagram naman siya ni Benilde magtitingin.

"Huli ka!" panggugulat ni Ulysses kay Agasé.

"Pota—"

Bahagyang napatayo sa gulat si Agasé. Muntikan na maibata ng binata ang cellphone sa gulat niya. Nang makabawi ay tinaas niya gintang daliri at pinakita sa kaibigan. Lumakas lang lalo ang tawa ni Ulysses. Tawang-tawa ito sa reaksyon niya.

"Ini-stalk si Benilde. Ayiee . . ." pang-aasar ni Ulysses.

"N-Napadaan lang . . . picture ni Benilde, 'no! H'wag kang malisosyo masyado."

Tumawa si Ulysses. "Oh sige, sabi mo e!"

"Hindi nga! Napadaan nga lang. Hindi ko nga alam kung bakit ni-follow ko pa s'ya e," pagsisinungaling ni Agasé.

Alam ni Agasé sa sarili ang totoo. Kaya niya ni-follow si Benilde ay dahil paminsan-minsan ay nami-miss niya ang dalaga. Ang presensya at ang ngiti nito. Sa school ay nakukuntento lang si Agasé sa palihim na pagtanaw sa dalaga. Ngayon ay iba naman dahil . . . hindi niya nakikita ang dalaga.

"Napaka-indenial nito! Alam mo sa sarili mo na gusto mo si Benilde. Siguro nga ay nami-miss mo 'yon ano?" panunudyo ni Ulysses. Napairap lang si Agasé. Alam niya na kabisado at basang-basa na siya na kaibigan.

Ibinalik ni Agasé ang tingin niya sa cellphone. Nakita niya ang new picture ni Benilde. Nakasuot ito ng yellow crop top and white maong shorts. May manipis na makeup at may tig-dalawang yellow clip sa magkabiling gilit ng itim nitong buhok. Ang dulo ng buhok ng dalaga ay bahagyang alon-alon.

Hindi maiwasan ni Agasé na humanga sa ganda ng dalaga. Kaya ilang minuto siyang nakatitig sa screen ng cellphone niya. Binasa ni Agasé ang caption ni Benilde at napakunot ang noo ni Agasé.

'Sweet Sixteen Soon. Thank you @thirdylcsmn...'

Agad ini-stalk ni Agasé ang naka-tag na user sa caption ni Benilde. Napangiwi siya sa sumunod niyang nakita.

May larawan si Benilde at ang pamilyar na lalaki. Iyong suot ni Benilde sa naunang nakitang photo ni Agasé ay same lang. Samantalang nakiterno naman ang lalaki na may suot na yellow polo and ripped jeans. Naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Agasé.

Before The Future [Wattys 2021 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon