Epilogue
HINDI makatulog si Belleza kaya nagtimpla na lang siya ng kape at pumunta sa balkonahe. Nakatulog na ang anak niya si Whizka at ngayong gabi ang uwi ng asawa niyang si Wrath.
Naramdaman ni Belleza na may humimas sa kanyang balikat at ginawaran iyon ng halik. Napangiti siya dahil mukhang alam niya na kung sino iyon.
"Hmm, why are you still awake?" tanong ni Wrath sa asawa sa pagitan ng paghalim niya sa balikat ng asawa.
"Wala naman. Nagmumuni-muni lang ako."
"Sabay tayong maligo?" Ngumisi si Wrath. Inirapan naman ni Belle ang asawa niya.
"Magigising si Whizka." Pinanlakihan ni Belle ng mata ang asawa niya.
"Damot." Nangingiting ngumuso si Wrath. Natawa naman si Belle sa naging reaksyon ng asawa niya.
Ibinalik niya ang tingin sa madilim na langit. May buwan at mga tala ang naroon. Napakaganda ng langit dahil puno ng mga bituin.
"Iniisip mo pa rin ba ang papa mo?" tanong ni Wrath sa asawa. Lalong humigpit ang pagkakayakap noya sa bewang nito.
"Palagi naman . . . binasa ko kasi ulit ang huling librong binigay niya," ani Belle.
Namayani ang katahimikan ng ilang minuto. Hanngang sa biglang nagsalita si Wrath. Tumikhim muna ang lalaki bago magsimulang magkuwento.
"The first time I saw him, his presence screams dominance and power. Hindi ko inaakala na siya ang ama mo. Nang titigan ko siyang mabuti ay nakita ko ang pagkakapareho ng mukha ninyo. Siya nga talaga ang ama mo," kuwento ni Wrath.
Hindi alam ni Belle kung anong mararamdaman habang naririnig ang kuwento ng asawa niya. Mas nauna pa nga nitong nalaman na anak siya nito.
"Sinungitan ka ba niya?" natatawang tanong ni Belleza sa asawa. Napahalakhak naman si Wrath sa tanong ng asawa niya.
"You'll never know . . ."
"Ano nga!"
"He saved me, then he punched me."
Namilog ang mata ni Belleza sa nalaman niya. Hindi niya inaakala na ginawa iyon ng ama niya kay Wrath. Pero habang iniisip ni Belle ang kawawang mukha ng asawa na nasapak ng papa niya, hindi niya maiwasan na matawa.
"Ginawa niya iyon?"
"Yes. Then, he said that I should leave you alone because you're too precious and I am not worthy. Also, because I am a Romualdez . . ."
"Anong sagot mo sa kanya?" kuryusong tanong ni Belleza sa asawa.
"I told him that I love you. Kaya hindi ko magagawa na iwan ka kahit bugbugin pa niya ako. Sabi ko sa kanya na handa kong saluhin lahat ng suntok niya sa akin," seryosong saad ni Wrath.
Hindi maiwasan ni Belle na pamulhan sa narinig na salita mula sa kanyang asawa. "Sinabi mo sa kanya 'yon?"
"Yes, but he challenged me. I accepted it. Para patunayan ang sarili ko at protektahan ka . . . hiniwalayan kita at pumunta ako sa amerika ka." Kinuha ni Wrath ang isang kamay ni Belle at dinala iyon sa kanyang labi. "Trust me, even we're apart . . . it's still you."
Mariing napapikit si Belle. "I know . . ."
"Kayo ni Whiz ang buhay ko, Belle. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala kayong dalawa," sambit ni Wrath.
"I love you . . .," bulong ni Belle kay Wrath.
"Sabay tayo maligo." Numisi nang malapad si Wrath.
BINABASA MO ANG
Before The Future [Wattys 2021 Winner]
Mystery / ThrillerThe sixteen-year old heir of Favilion's legacy was known for being a great campus journalist and he created a blog called "Black Label" that exploits the government. He had an almost perfect life, not until his parents were killed, and he must find...