CHAPTER 18

743 60 5
                                    

Chapter 18: Graduation

MABILIS na lumipas ang tatlong buwan. Nasa huling buwan na rin sila Agasé ng klase nila. Sa susunod na linggo ay magsisimula na sila sa pagpraktis sa pagmamartsa.

Hindi maialis ni Agasé ang tingin niya kay Benilde. Lalo kasing gumanda ang dalaga sa paningin niya. Isa pa, sa tuwing tinitignan niya si Benilde ay para bang nawawala ang lahat ng problema niya.

Magkatabi na sila ni Benilde simula pa no'ng acquaintance party. Lagi rin silang nag-uusap ng dalaga. Naiintindihan nito ang mga pinaggagawa niya at minsan ay tumutulong pa ito sa kanya. Tanggap ni Benilde ang mga weird na ginagawa ni Agasé at sinusuportahan niya lang ito.

Kahit abala si Agasé sa paghahanap kay Maia at pag-aalaga sa ina nitong si Sarah. Hindi nakakalimutan ni Agasé na maglaan ng oras sa dalaga, lalo na at nanliligaw pa rin siya.

"Sabay na tayo mag-lunch?" malambing na tanong ni Benilde kay Agasé.

"Yep. Ayos lang ba na kasama sila Ulysses at Agnes?" tanong ni Agasé.

"That would be great!" Benilde giggled.

Nang tumunog na ang bell, magkasabay na lumabas si Benilde at Agasé. Sinalubong nilang dalawa si Ulysses at Agnes na magkahawak ang kamay.

"May lakad ba kayong dalawa?" tanong ni Agasé kay Ulysses at Agnes.

Agad namang nagkatinginan ang dalawa. Pagkatapos ay si Agnes ang sumagot sa tanong ni Ulysses. "Uh . . . oo. Lalabas kami ni Ulysses sana. Pero gusto niyo ba na sabay-sabay na tayo mag-lunch. Okay lang naman hindi ba, Uly?" malambing na tanong ni Agnes sa kasintahan.

"Oo naman, baby. Mas okay nga na kasama natin kumain sila Aga," sagot ni Ulysses.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Benilde.

"Sa fastfood?" alanganing suhestiyon ni Agnes.

"Ayos lang naman sa amin. May malapit na fastfood dito," sambit ni Agasé.

"Alright! Puntahan na natin iyong fastfood na iyan. Gutom na gutom na ako," biglang singit ni Ulysses. Natawa naman sila sa sinabi nito.

Agad naman silang pumunta sa fastfood. Um-order sila at nagkukuwentuhan habang kumakain. Minsan ay patungkol sa school, o kaya ay patungkol sa mga kaklase nila.

Hanggang sa pumasok ang may pamilyar na lalaki ang lumapit sa kanila. Nagulat si Agasé at Moi na makita ang lalaki.

"Kuya Fourth?" bulalas ni Ulysses.

Masungit na umangat ang kilay ni Fourth sa kapatid. Nakasuot ito ng black leather jacket, may white tshirt sa loob at nakasuot ito ng jeans. Sa paa nito ay isang brown boots. May kasama itong babae. Kilala ni Agasé ang kasama nitong babae, si Helena Yatco. Nakasuot ng white puff sleeve croptop ang babae ay maong shorts ay naka-heels ito na kulay beige.

"Anong ginagawa mo rito, kuya?" tanong ni Ulysses sa kapatid.

"Hindi ko naman alam na bawal pala ako sa isang cheap fastfood?" maanghang na sagot ni Fourth sa kapatid. May bahid ng sarkasmo sa tinig nito.

"Hindi naman sa gano'n, kuya. Nakakabigla lang na nandito ka."

Hindi sumagot ni Fourth sa kapatid. Napansin ni Agasè na tumutok ang mga mata ni Fourth kay Agnes. Nakatingin ito sa dalaga na tahimik na kumakain ng burger. Naalis lang ang tingin nito ng tumikhim si Helena at biglang nagsalita.

"Ivos, um-order na tayo ng cheap spaghetti. Sorry at dinala pa kita sa place na ito. Hindi ko lang talaga maiwasan na mag-crave sa spaghetti rito," sabi ni Helena at ngumuso ang dalaga.

Before The Future [Wattys 2021 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon