Chapter 24: Plans
INALALAYAN ni Maia ang ina niya habang papasok sa visiting area sa kulungan. Pawang may karera sa loob ng dibdib ni Maia. Napakalakas ng tibok ng puso niya. Marahan din siyang nagkalad dahil anim na buwan na ang tiyan niya.
Nagpumilit pa ang asawa ni Maia na samahan sila, pero pinigilan niya ito. Kaya naghintay na lang ang lalaki sa labas, kahit labag sa loob nito. Natatakot kasi ang asawa niya. Umiling na lang si Maia at iniba ang kanyang iniisip.
Noong una ay nagdalawang isip pa siya sa pagpunta sa ama pero sa tingin niya ay ngayon na ang tamang oras. Kailangan niya na harapin ang kanyang ama. Mahirap at masakit oara sa kanya . . . kanilang dalawa ng ina niya. Pero ito ang mas nakakabuti.
Umupo sila sa isang mahabang bangko na ang katapat ay kahoy na lamesa. Hinihintay ni Sarah at Maia ang pagdating ni Louis. Maya-maya ay dumating na si Louis habang hawak ng isang pulis ang braso. Nakaposas ang mg kamay nito.
Kitang-kita ni Maia ang pamamayat ng kanyang ama. Magulo ng buhok nito. Tinubuan na ng mahabang balbas at bigot ang lalaki. Malalim ang mga mata nito at may itim na bilog sa ilalim.
"Pa . . ."
Umupo si Louis sa harapan ng dalawa. Nagsalubong ang mata niya at mata ng anak. Agad skyang ymiwas dahil pawa bang napapaso siya. Sobrang guilty niya sa lahat ng nangyari. Sinisisi niya ang sarili sa kalagayan at nangyari sa kanyang anak.
"Ano pang ginagawa mo rito, Maia? Ikaw rin Sarah. Hindi ba kayo natatakot sa katulad ko na mas masahol pa sa hayop," ani Louis habang nakaiwas ang kanyang tingin.
Lumamlam ang mga mata ni Maia. Lumambot ang puso niya nang makita ang hitsura ng kanyang ama. Parang nalusaw ang lahat ng galit, napalitan ng panghihinyang at sakit.
Nanghihinayang siya sa maraming bagay. Napakaraming sana ang nabubuo sa isip niya. Sana hindi na lang ginawa ng papa niya ang mga sakim na bagay, e 'di sana masaya sila. Sana ay maibabalik niya ang oras. Sana ay mabigyan pa sila ng pagkakataon. Napakaraming 'sana' . . . na talagang hanggang 'sana' na lang.
"Sa tingin ko ay ito na ang tamang pagkakataon para makapag-usap tayo . . . nang maayos," sambit ni Maia.
Tumingin si Louis sa anak. Nakita niya ang awa sa mga nito. Ilang ulit siyang napalunok at pinagpalitan ng tingin si Sarah at Maia.
"I-I'm sorry . . . I-I know that it's not enough. B-But I swear, I really swear. I regret everything . . ." ani Louis.
"Bakit ka umabot sa puntong ito, Louis. Hindi ko maiwasang isipin na kasalanan ko ito . . ." naiiyak na wika ni Sarah.
Nagsalubong ang tingin ni Sarah at Louis. Kitang-kita ni Loyis ang pagbabago ng babae sa pisikal. Pero kahit gano'n ay bakas pa rin ang ganda nito, ganda na kinabaliwan niya.
"Mahal kita . . . alam mo iyan, Sarah."
"Iyon ba ang paraan mo ng pagmamahal, ha Louis? A-Ang manakit at mamilit!" Hindi na napigilan ni Sarah ang sarili. Naikuyom niya ang kanyang kamao. Pilit pa rin niya pinipigilan ang emosyon niya.
Umiling si Louis. "M-Mahal kita, Sarah. Alam mo iyon . . . hindi ko itinago. Handa ako na akuin ang anak natin. Pero anong ginawa mo, inilayo mo siya at hinayaan na may ibang ituting na ama. Alam mo ba kung gaano lasakit sa akin iyon." Tumulo ang luha sa mga mata ni Louis. Hindi inaasahan ni Maia na makita ang pagluha ng ama niya. Sa mga mata kasi ni Maia, isang bato si Louis. Wala itong emosyon at pakialam. Pero ngayon ay kabaliktaran ang nakikita niya.
"Sinisisi mo ba ako? Mahirap sa akin iyon, Louis. Pinilit mo ako sa bagay na hindi ko gusto!" giit ni Sarah. Mataas na ang tono ng boses ng boses niya pero pilit pa rin na pinipigilan.
BINABASA MO ANG
Before The Future [Wattys 2021 Winner]
Mystery / ThrillerThe sixteen-year old heir of Favilion's legacy was known for being a great campus journalist and he created a blog called "Black Label" that exploits the government. He had an almost perfect life, not until his parents were killed, and he must find...