Chapter 13: Party
NASA mall si Agasé at Ulysses ngayon para bumili ng isusuot nila sa party na gaganapin, bukas. Hindi naman nadala ni Agasé ang nga mamahalin niyang coat simula nang nangyari sa mansyon nila.
Nag-alok ang Uncle Louis ni Agasé sa kanya na ibili siya ng damit, ang mga tauhan na lang nila ang uutusan. Pero si Agasé ang tumanggi, gusto ni Agasé na makapili siya. Kaya nga sila nandito sa mall ngayon.
Pero ang hindi maintindihan ni Agasé ay kung bakit hindi sa isang boutique sila pumunta. Hindi alam ni Agasé kung saan siya hinihila ni Ulysses. Parang sa pinakadulo na parte ng mall kung saan wala masyadong napunta na tao.
"Saan ba tayo pupunta, Uly?" tanong ni Agasé sa kaibigan.
"Basta! Magugustuhan mo ito," sagot ni Ulysses sa kanya at ngumisi. Napairap na lang si Agasé dahil wala talaga siyang kaide-ideya kung saan sila papunta.
Matapos ang ilang hakbang ay nakarating sila sa isang store. Maliit lang ang puwesto na iyon at dim ang lightings. Blue ang pinaka-theme na na kulay ng store. Napakunot naman ang noo ni Agasé habang binabasa ang pangalan ng store.
'Arthur's Technologies'
Napatingin si Agasé sa kaibigan. Nakataas ang isang kilay niya at nagtataka. Mukhang nakuha naman agad iyong ni Ulysses kaya nagsalita ito.
"Nagbebenta rito ng mga gamit na puwede natin magamit sa sideline natin—este special missions mo, natin. May mga spy camera raw, recorder, at iba pa. Ano? G ka ba?" tanong ni Ulysses sa kaibigan. Napakibit-balikat lang si Agasé. Napahilamos naman si Ulysses. "Ewan ko sa 'yo. Pero tara! Pumasok tayo, wala namang mawawala e," dagdag na ani Ulysses.
"Para pala tayong mga spy kids." Tumawa si Agasé.
"Medyo," natatawang wika ni Ulysses.
"Okay i-try natin, wala namang problema sa akin," sambit ni Agasé.
Pumasok sila sa store. Walang ibang tao sa store bukod sa isang lalaking nasa early fifties ang edad. Matangkad ito at may bigote. Nakasuot ito ng simpleng puting pantaas na pinatungan ng pulang checkered polo.
Ang store ay puno ng mga tipikal na binibenta na hardware. Iyong iba nga na naka-display ay pawang mabibili kahit sa bangketa. May cord, earphone, speaker, at marami pang iba.
"Magandang hapon! Anong maitutulong ko sa inyo?" seryosong sabi ng lalaki na nasa counter lang. Walang bakas ng ngiti sa mukha nito at nakatitig lang sa kanila.
"Uhh . . . nandito kami kasi nabalitaan namin na nagbebenta raw po kayo ng spy camera?" walang pasakalyeng wika ni Ulysses.
Nakita nila na bahagyang nagulat ang lalaki pero agad naman itong nakabawi. Umalis ang lalaki sa counter at isinarado ang pinto ng store. Pinalitan nito ang nakalagay na 'open', ginawang 'close'.
"Paano niyo nalaman ang bagay na iyon?" tanong matandang lalaki sa kanila.
"Naghahanap kasi ako ng gano'ng bagay. Tapos may nakausap ako na seller sa internet, ang sabi niya ay dito raw sa store niyo kami pumunta kung gusto raw namin ng gano'ng mga gamit," pahayag ni Ulysses. Napabuga nang malalim na buntonghininga ang matandang lalaki.
"Ako pala si Arthur, ang may-ari ng store na ito. At oo . . . mayroon ako ng hinahanap niyo," wika ng lalaki.
Namilog ang mga mata ni Agasé at Ulysses. Malapad na ngumiti si Ulysses. Tapos ay siniko pa ni Ulysses si Agasé at binulungan, "sabi ko sa 'yo e! Ayaw mo pa maniwala sa akin."
"Saan niyo ba gagamitin iyon nga totoy? Baka gagamitin niyo sa paninilip ha!" paratang sa kanila ng matandang lalaki. Namilog naman ang mata ng dalawa at sunod-sunod na umiling.
BINABASA MO ANG
Before The Future [Wattys 2021 Winner]
Mystery / ThrillerThe sixteen-year old heir of Favilion's legacy was known for being a great campus journalist and he created a blog called "Black Label" that exploits the government. He had an almost perfect life, not until his parents were killed, and he must find...