Chapter 23: Hidden Treasure
DEAD ON ARRIVAL. Wala ng buhay si Chief Delfranco nang madala siya hospital. Mabilis na naaresto si Louis. Naka-hospital arrest naman si Mr. Yatco.
Walang ebidensya na nagtuturo sa pagkasangkot ng presidente. Pero patuloy ang imbestigasyong ng mga pulis.
Dalawang araw na ang nakakalipas matapos ang nangyari. Nang araw na dumating ang mga pulis para rumesponde ay naidala si Maia sa hospital. Maging si Agasé ay nasa hospital pa rin hanggang ngayon. Ang mga iilang sugat ni Benilde ay agad ding nagamot sa hospital.
Napatigil si Agasé sa pagbabasa ng newspaper nang bumukas ang pinto. Bumungad ang nakangiting si Benilde. May dalang prutas ang dalaga.
"Baby, kumusta ang sugat mo? Naghilom na ba?" tanong ni Benilde sa nobyo nang makalapit siya rito.
Nasa hospital si Agasé sa kadahilanang matagal ang pahighilom ng nabaril niyang balikat. Lagi naman siyang binibisita ng kanyang nobya, matapos ang nangyari. Naging abala rin ito sa college application nila. Iilang linggo na lang ay kolehiyo na sila.
Hanggang ngayon, wala pa ring napagdesisyunan na kurso si Agasé. Habang ang kaibigan naman niya na si Ulysses ay walang ibang bukambibig kundi ang kuwento at plano nito patungkol sa pag-aabogasya. Masaya si Agasé sa kaibigan dahil alam nito ang gusto niyang kunin. Wala siyang ibang hinahangad kundi ang maging masaya ito.
Umupo si Benilde sa tabi ng hospital bed ni Agasé. Nakangiti naman si Agasé habang nakamasid sa kasintahan niya.
"Ayos lang naman ako, baby. Hindi muna kailangan mag-alala." Pinisil ni Agasé ang ilong ng nobya at mahinang tumawa. Pilit naman tinanggal ni Benilde ang kamay ni Agasé na pumisil sa ilong niya.
"Aga! Stop doing that!" Ngumuso si Benilde.
"Why?" Mahinang humalakhak si Agasé.
"Ginagawa mo naman akong bata e!"
"Hindi ah! Isa lang 'yan sa paglalambing ko sa 'yo. Kaya hayaan mo na ako."
Lalong nanulis ang nguso ni Benilde. "Okay, fine!"
Kumuha ng ubas si Benilde at sinubuan si Agasé. Malapad naman ang ngiti ng binata na para bang enjoy na enjoy ito sa ginagawa ng nobya niya. Aliw na aliw si Agasé.
"E kumusta naman iyan . . ." Inginuso ni Benilde ang bandang dibdib ni Agasé.
Naguguluhan naman si Agasè. "What do you mean, baby?"
"Ngayon na nahuli na ang nagpapatay sa magulang mo, naghilum na ba ang sugat d'yan sa puso mo?" seryosong tanong ni Benilde kay Aagsè.
Naumid ang dila ni Agasé. Natigilan siya dahil hindi niya alam ang isasagot. Hindi niya mahagilap ang mga salita na makakapaglarawan ng nararamdaman niya ngayon. At hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya. Hindi niya alam kung . . . masaya nga ba siya.
"Alam ko naman na masakit pa rin iyang mga sugat sa puso mo. Hindi naman iyan agad-agad maghihilom," ani Benilde. Nakatitig lang si Agasé sa dalaga. Hanggang sa biglang kinuha ni Benilde at ipinagsiklop ang mga kamay nila. "Lagi mo lang tandaan na nandito ako. Tayong dalawa . . . magiging masaya."
Napangiti si Agasé sa sinabi ni Benilde. Inatos niya ang iilang hibla ng buhok ni Benilde na nalalaglag at tumatakip sa magagandang mata nito. Inipit ni Agasé ang hibla ng buhok na iyon sa kanyang tainga.
"Totoo, masakit pa talaga ang mga nangyari. Sariwa pa rin ang sakit, baby. Pero dahil nandito ka, may rason pa ako. Para magpatuloy at . . . mabuhay," sambit ni Agasé.
BINABASA MO ANG
Before The Future [Wattys 2021 Winner]
Mystery / ThrillerThe sixteen-year old heir of Favilion's legacy was known for being a great campus journalist and he created a blog called "Black Label" that exploits the government. He had an almost perfect life, not until his parents were killed, and he must find...