CHAPTER 25

935 57 8
                                    

Chapter 25: Stay
Benilde's POV

GALIT ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang unahin ang kapakanan ng iba bago ang kapakanan niya. Bakit mas mahalaga sa kanya ang kasiyahan ng iba kaysa sarili niyang kasiyahan.

I know him, he's selfless, too selfless. Maging ang relasyon namin ay napabayaan niya. Nang mawala si Agnes ay halos mabaliw silang ni Ulysses. Nag-alala rin ako para sa kanilang dalawa pero hindi ko maintindihan kung bakit niya hinayaan na magkaganito kami.

Pinabayaan niya ako at iniwan. Bigla siyang nawala matapos ang nangyari kay Agnes, silang dalawa ni Ulysses. Alam ko naman na mahalaga si Agnes para sa kanila. Nawala ito at pinasunog ang bahay. Pinapatay maging ang pamilya nito.

Galit ako sa kanya pero hinahanap ko pa rin siya. Galit ako pero mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal, na sinubukan ko na magmahal ng iba sa halos isang taon na wala siya. Sinubukan ko na humanap ng iba, pero wala pa rin. Masyadong malalim ang pagmamahal ko sa kanya.

Napatingin ako sa langit. Lumubog na ang araw, sa tingin ko ay alas syete na ng gabi. Kailangan ko ng magmadali. Hindi ligtas ang tulad ko sa labas ng ganitong mga oras.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Malapit lang naman ang bago kong apartment sa pinagtatrabahuan ko, part-time job. Isang tricycle lang at maglalakad lang papasok. Samantalang ang school ko ay malapit lang din sa pinagtatrabahuan ko.

Nang nasa madilim na kalye na ako na lilikuan ay biglang may itim na sasakyan na pumarada sa harap ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kasi malay ko ba. Baka kidnapper iyan at kukunin ang internal organs ko. Kaya umatras ako nang bumukas ang driver's seat ng kotse.

Doon ay hindi pala kidnapper o ano ang nasa loob ng kotse. Isang matangkad na lalaki ang lumabas. Kilalang-kilala ako ang tikas ng katawan na ito. Si Agasé iyon . . . ang lalaking mahal na mahal ko.

Napalunok ako kasabay ng eratikong pagkabog ng dibdib ko. "A-Anong ginagawa mo rito ha?!" sigaw ko kay Agasé. Humakbang ako patalikod. Hindi ko siya kayang harapin. Parang nanghihina ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay babagsak ako sa semento.

Nang maglalakad na ako paalis ay hinila niya ang braso. Sinaman ko siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag.

Nang magkalapit kami ay luminaw lang sa akin ang ang hitsura niya. Nasinagan ng ilaw ng buwan ang mukha niya. Mas luminaw ang detalye ng mukha niya sa akin. Lalo ko napatunayan sa sarili ko na sabik na sabik ako sa kanya. Na miss na miss ko na siya.

Malinis ang gupit ng buhok niya. Wala siyang bigote at balbas, halatang newly-shaved siya. Malamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Malamlam ang itim niyang mga mata at titig natitig iyon sa akin.

"B-Bitawan mo ako! Ayoko na makita ka!" sigaw ko sa kanya at pilit kumakawala sa hawak niya.

Mabuti na lang talaga at walang masyadong tao ang dumadaan sa kalye na ito. Kundi ay maeeskandalo sila dahil sa gingawa namin dalawa.

"Mag-usap tayo, please." Halos pabulong na ang boses ni Agasé. Lalo ring lumalim ang boses niya. Hindi ko maiwasan maluha habang nakatingin sa kanya.

"Para saan pa? 'Di ba umalis ka? 'Di ba iniwan mo ako? Para saan pa ang pag-uusap, Agasé? Ayoko na rin kausap ka!"

"Benilde, I miss you so much . . ."

Pinilit niya akong yakapin pero tinatanggal ko ang yakap niya. Hanggang sa tuluyan na siyang nakayakap sa akin pero hindi ko yumakap pabalik. Ang mga kamay ko ay nasa dibdib niya at mahina iyong sinusuntok.

Nangako siya sa akin e. Sabi niya ay hindi niya ako iiwan. Sabi niya ay mahal niya ako. Umasa ako namagiging masaya kamj kahit kami lang, kahit ang mayro'n lang kami ayang isa't-isa. Pero masyadong malabo at malayo pala iyon. Madyado akong tanga nang isipin ko na madali iyon.

Before The Future [Wattys 2021 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon