CHAPTER 10

1K 66 14
                                    

Chapter 10: Date

INAYOS ni Agasé ang kuwelyo ng suot niyang navy polo shirt. Lalabas silang dalawa ni Benilde kaya todo ang pag-aayos ni Agasé. Nakasuot siya ng black jeans at navy polo shirt. Sinuklay niya rin ang buhok niya para ayusin.

Ito ang unang date ni Agasé at Benilde. Kaya gagawin lahat ni Agasé, 'wag lang ma-turn-off si Benilde sa kanya. May boquet din siya na hinanda para sa babae pero mamaya niya pa iyon iaabot pagkatapos ng date nila.

Sa amusement park ang date nila, pero iba sa unang napuntahan nila kung saan naganap ang horor house case. Huminga nang malalim si Agasé at lumabas ng condo niya.

Sa labas ng condominium hotel ay nandoon ang driver ni Agasé at ang sasakyan niya na naging service niya noon. Ayaw naman ni Agasé na gamitin ang motor ni Ulysses dahil wala naman siyang lisensya. Kahit marunong pa siya mag-motor, nirerespeto niya ang batas.

Pumasok si Agasé sa loob ng itim na sasakyan. Umupo siya sa backseat at napansin na iba ang driver niya

"Mang Junie, kayo ang driver ko?" nagtatakang tanong ni Agasé. Si Junie kasi ang personal dtiver ng Uncle niya, nakakapagtaka at ito pa ang pinadalang driver sa kanya.

"Opo, sir. Saan po ba tayo?" tanong ni Mang Junie.

"Ah . . . ituturo ko na lang po."

Pumunta sila sa apartment ni Benilde. Susunduin kasi ni Agasé ang dalaga. Sinabihan na rin ni Agasé si Mang Junie na papunta sila sa isang amusement park. Ang gagamitin ni Agasé na pera para sa date nila ay ang allowance niya plus ang naging ipon niya sa part-time job niya. May part-time job siya dahil gusto rin naman niya paghirapan ang hawak niyang pera.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng apartment slash dorm ni Benilde ay agad bumaba si Agasé. Nakita niya na nasa labas na ang dalaga at hinihintay siya. Panay ang silip ng dalaga sa relo nito.

"Benilde," tawag ni Agasé sa pangalan ng dalaga.

"Aga . . ."

Halos mapanganga si Agasé sa ganda ng dalaga. Simple lang ang suot nito pero kumikinang ang maputi nitong balat at ang elegante nito tingnan. Isang baby blue dress ang suot ni Benilde, nakatirintas ang buhok nito sa unahan at nakalugay ang buhok sa likuran. May suot ito na maliit na beige sling bag. Sa paa nito ay simpleng beige strappy sandals ang suot.

"You're so pretty," sabi ni Agasé.

Agad naman namula ang pisngi ni Benilde at umiwas ng tingin. "Huwag mo nga akong bolahin, Aga."

Agasé chuckled and caressed Benilde's red cheek. "I'm not kidding."

"Talaga?" inosenteng tanong ni Benilde kay Agasé. Kumarap pa ito ng dalawang beses. Mahina namang napatawa si Agasé.

"Oo naman, bakit naman kita bobolahin? In fact, kanina pa kita gusto halikan—"

"Shh! Baka may makarinig sa 'yo. Ano pa isipin nila." Mahina at pabirong kinurot ni Benilde sa tagiliran si Agasé.

Napanguso naman si Agasé. "Bakit? Ano bang masama sa sinabi ko?"

"Wala naman, baka lang may makarinig. Tara na nga. Aalis ba tayo?" Tinaasan ni Benilde ng kilay si Agasé. Napailing lang si Agasé.

Pinagbukasan niya ng pinto si Benilde at inalalayan sa pagpasok. Pumasok si Agasé at tumabi kay Benilde. Walang umiimik sa kanila sa buong biyahe. May espasyo rin sa gitna nilang dalawa. Si Benilde ay nakatanaw lang sa labas.

Unti-unti ay nilalapit ni Agasé sa kamay ni Benilde hanggang sa nagkadikit iyon. Napatitig sa kanya ang dalaga. Bahagya namang nahiya si Agasé pero tinuloy niya ang pagpatong kamay niya sa malabot na kamay ni Benilde. Naghawak ang kamay nila. Hindi naman umalma si Benilde at ngumiti lang ito.

Before The Future [Wattys 2021 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon