CHAPTER 9

1K 75 19
                                    

Chapter 9: Stock Room

NAGTITIPA si Agasé sa laptop niya para tapusin ang una niyang article bilang si Black Mist. Iyon ang napili niyang pen name. Napatigil sa pagtitipa si Agasé nang bumukas ang pinto niya. Nakita niya si Ulysses na may dalang puting supot.

"Musta? Tapos ka na sa article mo?" tanong ni Ulysses sa kanya. Umiling naman agad si Agasé.

"Hindi pa."

Ilang buwan na rin ang lumipas matapos ang insidente sa horror house. Tahimik lang si Ulysses at Agasé. Pinagpatuloy pa rin ni Agasé ang pag-iimbestiga tungkol sa kaso ng mga magulang niya. Nakabalik na rin sila eskuwelahan. Nasa fourth year na silang dalawa.

Katulad noon ay kaklase ulit ni Agasé si Benilde. Hindi siya pinapansin ng dalaga. Aminado naman si Agasé na nasasaktan siya pero sa palagay niya ay iyon ang tamang gawin.

"Pasok na tayo. Baka ma-late nanaman tayo," ani Ulysses sa kaibigan nailing lang si Agasé at tumawa.

"Sige, tara na."

Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating na ang dalawa sa klase nila. Agad na umupo ang dalawa at nakinig sa klase nila.

Panay ang hikab ni Agasé sa klase. Sa totoo lang ay bored na bored talaga siya sa klase nila. Akala ni Agasé ay tapos na agaf ang klase nila kaso ay biglang may announcement pa ang English teacher nila na si Mrs. Quirino.

"Class, magkakaroon tayo ng project. Gagawa kayo ng photobook na gawa sa scrap. Ang magiging laman niyon ay ang picture niyo at ang partner ninyo. Patungkol ang mgaiging picture niyo sa pangangalaga ng kalikasan. Sa dulo ng photobook ay ang essay ninyo patungkol sa karanasan niyo," pahayag ni Mrs. Quirino. Sinundan naman iyon ng mga bulungan ng mga kaklase nila.

"Ma'am, may tanong po ako!" Nagtaas ng kamay si Ulysses.

"Yes, Mr. Dellagas?"

"Kami po ba ang pipili ng ka-partner namin?"

Ngumiti si Mrs. Quirino. "No, Mr. Dellagas. Nakahanda na ang listahan ng pairings niyo. Ipapaskil ko na lang sa gilid ng board. I hope, walang maging problema at reklamo sa pairings."

"Okay po, ma'am. Salamat sa pagsagot," sabi ni Ulysses.

Siniko ni Ulysses si Agasé. Agad naman nakuha ang atensyon ni Agasé. Tinaasan ni Agasé ng kilay si Ulysses.

"Sayang! Tayo na lang sana ang partner," wika ni Ulysses.

Ngumisi naman si Agasé. "Malay mo, kayo ni Agnes ang maging magka-partner. E 'di ang suwerte mo no'n." Tumawa si Agasé at kasabay no'n ay ang pagpula ng pisngi ni Ulysses.

"Gago 'wag! Aasa talaga ako."

Napailing na lang si Agasé sa kaibigan. Hanggang sa nagsalita muli si Mrs. Quirino. "Benilde, iyong nga nasira pa lang upuan ay pakidala sa stock room. Ipabuhat mo sa mga boys at i-check mo kung nailagay ng maayos. Maaasahan ba kita?" tanong ni Mrs. Quirino kay Benilde.

Tumutok naman ang mga mata ni Agasé kay Benilde. Hindi nito maiwasang mapahanga sa hitsura ni Benilde. Nakalugay ang itim nitong buhok ay may flowery hairclip. Lalong gumaganda ang dalaga sa paningin ni Agasé. Pero walang magawa si Agasé kundi pagmasdan ito mula sa malayo.

"Yes, ma'am. Ako na po ang bahala," sagot ni Benilde.

"Nakapaskil na ang partner sa project niyo. Nasabi na rin ba ng adviser ninyo na malapit na ang Senior Ball and Party ninyo? Kung hindi pa, gaganapin iyan next month," anunsyo ni Mrs. Quirino. Dinig ni Agasé ang tili ng mga kaklaseng babae.

Before The Future [Wattys 2021 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon