Chapter 4: Goodbye
AGAD NA prinotektahan ni Agasé si Benilde sa pamamagitan ng pagsangga dito gamit ang kanyang katawan. Naramdaman ni Agasé ang bahagyang panginginig ni Benilde nang itukod niya ang kamay sa dibdib niya.
"Agasé . . ."
"Go under the table, Benilde," Agasé commanded. Benilde immediately followed Agasé.
Hinubad ni Agasé ang coat. Sinuot nito sa balikat ang coat at nasakop nito ang kalahati ng spaghetti strapped dress ni Benilde. Nakasunod lang ng tingin si Benilde kay Agasé. Nakita niyang tumayo si Agasé.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Benilde, kinakabahan ang dalaga. Batatakot siya na baka mapahamak si Agasé.
"Titignan ko kung saan galing iyong mga putok ng baril," sabi ni Agasé. Dumagundong naman ang dibdib ni Benilde.
"P-Pero delikado, Agasé. Hayaan mo na lang iyong security—"
Hindi natapos ni Benilde ang sasabihin nang biglang nakarinig nanaman ng putok ng baril. Kaya bahagya na napabaluktot si Agasé at napatakip naman ng tainga si Benilde. Namilog ang mata ni Benilde nang biglang tumakbo si Agasé.
"Agasé!"
Tumakbo naman si Agasé at hinarap kung saan nanggaling ang mga putok ng baril. Nang makakita siya ng tubo malapit sa ilalim ng hagdan—kung nasaan ang stock room nila—ay agad niyang dinampot ang tubo.
Naglakad siya papunta sa direksyon kung nasaan ang main door nila. Nakita niya sa labas na may mga lalaking naka-bonnet na itim at damit na itim. Ang mga naka-uniporme nilang guwardiya ay nasa labas.
Nanlaki ang mata ni Agasé nang biglang may lalaki na sumulpot sa harapan niya at sinugod siya. Mabuti na lang at wala itong baril at agad siyang nakaiwas. Nagpapasalamat si Agasé at naging sport niya ang taekwondo kaya nagagawa niyang makaiwas sa ginagawa ng kalaban.
Ginamit ni Agasé ang hawak na tubo upang ipanghampas sa batok ng lalaki. Matapos niya iyong hampasin ay natumba na ito.
Kaya ito ginagawa ni Agasé ay para malaman kung sino ang may balak guluhin sila. Hindi niya hahayaan na masaktan ang mga magulang niya. Sila lang ang mayroon kay Agasé at hindi gugustuhin ni Agasé na mawala ang mga magulang niya.
Kailangan niya makakuha kahit isa mga lalaking ito para mapaamin kung sino ang amo ng mga ito. Ang lalaking napatumba niya ay sakto lang ang katawan, halos kasinggkatawan lang niya pero sigurado si Agasé na mas matanda iyon sa kanya. Dadamputin na sana ni Agasé ang lalaki na nahampas niya nang may biglang humigit sa kanya.
Mga tauhan ng Papa niya. Agad siyang prinotektahan ng mga ito. Tatlo ang mga iyon. Lihim na lang na napamura si Agasé sa isip niya.
"Bitawan niyo ako. Ano ba!" sigaw niya.
"Señorito, h'wag na po kayo makigulo. Kami na ang bahalang dumampot sa mga lalaking ito," sabi ng isang lalaki, nakilala naman ito ni Agasé. Si Cristopher 'yon, ang head security ng pamilya nila.
"Kaya ko ang sarili ko!"
Napailing lang si Cristopher at sinenyasan ang dalawang guwardiya nila na nakahawak kay Agasé. "Ipasok niyo na si Señorito."
"Fuck!"
Hinila si Agasé ng dalawa. Hindi siya nakapalag dahil bukod sa dalawa sila ay malalaki rin ang katawan ng mga ito.
"Agasé! Diyos ko anak, ano bang pinaggawa mo!" naghihisteryang sambit ni Angeline, ang ina ni Agasé. Niyakap nito ang anak.
"Mom, I'm fine!"
BINABASA MO ANG
Before The Future [Wattys 2021 Winner]
Mystery / ThrillerThe sixteen-year old heir of Favilion's legacy was known for being a great campus journalist and he created a blog called "Black Label" that exploits the government. He had an almost perfect life, not until his parents were killed, and he must find...