Chapter 3: Party
NASA LABAS pa ng school si Agasé at Ulysses. Magulo ang paligid at may mga pulis. Ipinadala na rin ni Agasé ang ibang ebidensya na nakalap nila katulad ng kopya ng video. Pero syempre ay hindi niya pinaalam na sa kanya galing.
He sent the evidence to the police station anonymously. Ayaw niya na ipaalam na siya iyon. Baka kapag nakarating nanaman ang balita sa heads ng school ay ma-kick at gawan ng rumor nanaman siya.
"O heto . . ."
May inabot na papel si Ulysses kay Agasé. Napakunot naman ang noo ni Agasé at binigyan ng nagtatakang tingin si Ulysses.
"Ano ito, Uly?" tanong ni Agasé.
"Sus! Number 'yan ni Benilde. Don't be shy . . . i-text muna," ngisi ni Ulysses.
Nakita nga ni Agasé na numero ang nakasulat sa papel. Hindi mapigilan ni Agasé ang ngiti sa labi niya.
"Sa 'yo pa talga galing 'yan ha! Ikaw, musta kayo ni Agnes? May usad ba?" tanong ni Agasé sa kaibigan. Napasimangot naman ito.
"Okay lang, nag-usap lang kami. Nag-aalangan kasi ako. Agnes' priority is her studies," ani Ulysses.
"Pwede naman ikaw pagsabayin at pag-aaral. Don't be a pussy! Come on, Ulysses. Mag-confess ka na," natatawang sabi ni Agasé. Napailing na lang si Ulysses kay Agasé. Hanggang sa dumating na ang service nito.
"Oh paano ba 'yan? Una na ako," ani Agasé.
"Okay, ingat sila sa 'yo."
Umangat ang sulok ng labi ni Agasé. "Talagang dapat lang silang mag-ingat sa akin." Sinundan iyon ng matunog niyang halakhak.
"Sandali, may party bukas sa inyo 'di ba?" tanong ni Ulysses.
Tumango naman si Agasé. "Yes. Mga kasosyo sa business ni Daddy. Gusto ko nga tumakas, panigurado nakakaanto 'yon," nakangiwing ani Agasé.
Natawa naman si Ulysses. "That's your resposibility as an heir, Aga."
"I know . . ."
"Okay, let's see each other tomorrow. Bye!"
"Bye!"
Kunaway si Agasé sa kaibigan bago sumakay sa sasakyan. Nang makapasok siya ay wala siyang ibang ginawa kundi ang kalikutin ang cellphone niya para tignan ang mga reaction sa blog niya.
@mojojojo: What? Nauna itong article i-post kaysa sa maibalita 'yong nangyari? Dude... You must be kidding me!
@stephieee: Wooooooowwww!
@chanbaeklngkakalampag: Oh my! Nakita ko ito sa school kanina. Tinali pa nga si Mr. Kan sa pole e.
@grabekana: Saan niya nakuha iyong ibang pics at video? Taga-El Malaya ba ang creator nitong blog? Sheeemms!
@stanexo: Kinilabutan ako! Inaabangan ko talaga kahit iyong pa-blind item pa lang. Sheeemms! Ang creepy na ang galing.
@kiaaahhh: Finally! Sabi ko na nga ba at hindi suicide iyon. Classmate ko dati si Amara. I'm happy that she have her justice now. Also, na-rescue ang kapatid niyang si Abby.
@piniritongtalong: Nakakagalit at may mga ganyan. Hindi naman lahat ng teacher ay ganyan pero ang lungkot lang at meron pa ring ganyan. Sila dapat ang nag-aalaga sa mga estudyante.
@asawaniwade: I met a lot of good teachers. Sila iyong tipo na tinitingala dapat. Please guys, don't generalize. Hindi lahat ng teacher ay ganyan. May mga tiwali lang talaga at ruthless dapat i-kick.
BINABASA MO ANG
Before The Future [Wattys 2021 Winner]
Mystery / ThrillerThe sixteen-year old heir of Favilion's legacy was known for being a great campus journalist and he created a blog called "Black Label" that exploits the government. He had an almost perfect life, not until his parents were killed, and he must find...