CHAPTER 16

727 54 1
                                    

Chapter 16: Father

NAPABUGA ang isang lalaki ng usok matapos niay humithit ng sigarilyo. Nakamasid lang siya sa kumpulan ng mga tao. Napailing siya habang pinagmamasdan iyon na pawang mga alipin niya.

Kinuha niya ang telepono mula sa kanyang bulsa. May pinindot siya doong numero at tinawagan ito.

"Ikansela mo muna ang plano natin. This is not the good timing," sabi ng lalaki sa kanyang kausap.

"Okay boss, copy!" tugon ng lalaking kausap niya sa kabilang linya.

"Itutuloy pa rin naman natin ang plano. I-delay na muna natin. Sa oras na isasakatuparan na ang plano, siguraduhin niyo na malinis ang pagkakagawa. Ayoko ng sabit!" giit ng lalaki sa kausap niya sa telepono.

"Areglado, bossing!"

Ibinaba niya ang kanyang telepono at muling humithit ng sigarilyo. Pinagmasdan niya muli ang mga tao sa ibaba. Nasa ikalawang palapag kasi ang lalaki. Umangat ang sulok ng labi niya at ininom ang baso ng alak na nasa kanang kamay niya

"Balang araw, luluhod din kayo sa akin."


NAMILOG ang mga mata ni Agasé. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Buong akala niya ay may nagbabantay sa dalaga.

"Bakit? P-Paanong nawawala si Maia? Akala ko ba ay may bantay siya?" tanong ni Agasé kay chief.

Mariing napapikit si Chief Delfranco. "May nagbabantay namang talaga sa kanya, Aga. Pero wala . . . hindi sapat! Nailigpit ang nga tauhan ko na nagbabantay kay Maia Natividad," sambit ni Gideon.

"Anong nangyari sa mga tauhan mo?"

"Isang linggo na pa lang nawawala si Maia. Nagtaka ako na wala kong report na nakuha sa mga tauhan ko na pinababantay ko kay Maia. Pero wala na pala. Natagpuan ang mga katawan nila. Nailigpit na sila ng kung sinuman na kumuha kay Maia," salaysay ni Gideon. Mariing napapikit si Agasé at bumugo nang malalim na hininga.

"Kumusta ang nanay ni Maia?" tanong ni Agasé.

"Nagkasakit ang mama ni Maia. Inatake at kasalukuyan na nasa hospital. Wala itong ibang ginawa kundi hanapin ang anak nitong si Maia."

"Shit!" mura ni Agasé. Biglang may dumaan na waiter na may dalang alak. Sa sobrang frustration na nararamadaman ni Agasé ay kumuha siya ng isang baso ng alak at tinungga. "Tangina talaga!" inis na bulalas niya.

Tinapik ni Chief Delfranco ang balikat ni Agasé. "Ginagawan ko na ng paraan para mahanap si Maia."

"Si Neon Leviste . . ."

"Alam ko naman na posible nasa lalaking iyan si Maia. Pero simula noong nakaraan linggo ay wala pang nakakakita kay Neon," pahayag ni Chief Delfranco.

Kumuyom ang kamao ni Agasé. "I failed!" Nagngitngit ang mga ngipin ni Agasé. "Gusto kong protektahan si Maia. Pero ngayon, mukhang nasa kamay na siya ni Neon. Hindi ko gusto na makita si Maia o kahit sino na nasasaktan lalo na't alam ko na may magagawa ako."

"Huwag mo sisihin ang sarili mo. Ang mas mainam na gawin natin ay hanapin si Maia," sambit ni Gideon.

"You're right, chief! Gagawa ako ng paraan. Ako mismo ang haharap at makikipag-usap sa Neon Leviste na iyan," wika ni Agasé habang nakakuyom ang kamao. Nagngingitngit din ang ngipin niya sa galit na nararamdaman.

Magsasalita na sana muli si Chief Delfranco nang biglang may sumingit sa usapan nila. Dumating ang uncle ni Agasé at may kasama ito.

"Agasé, hijo! Anong ginagawa mo rito? Dapat ay ini-enjoy mo ang party mo," sabi ni Louis.

Before The Future [Wattys 2021 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon