Chapter 6: Quit
AGAD NA pinuntahan ni Agasé ang Uncle niya. Nang tawagan niya ito ay sinabing nasa presinto siya. Kaya hindi sila pumasok sa school ni Ulysses. Nagpadala na lang sila ng excuse letter.
Nang makarating sila Ulysses at Agasé ay naabutan nila na nagkakagulo ang media. Mukhang agad naman nakilala si Agasé ng mga tauhan ng Uncle niya kaya agad siyang prinotektahan ng mga ito, silang dalawa ni Ulysses.
"Where's Uncle? What the hell is happening?" sigaw ni Agasé para marinig siya ng mga bodyguards. Maingay kasi sa paligid.
Pilit siya nilalayo ng mga bodyguards ng Uncle niya. Sa inis ni Agasé ay nilaktawan niya ang mga ito at tumakas. Narinig niya na tinatawag siya ng mga ito pero hindi niya nilingon. Nakisiksik si Agasé sa kumpulan ng mga taong nagkakagulo sa bungad ng police station.
Naabutan niya na paalis na si Mr. Sy. Pinoprotektahan ito ng mga bodyguards nito. Inuulan ng tanong si Mr. Sy habang papunta ito sa sasakyan.
"Mr. Sy, totoo po ba na kayo ang nagpapatay sa Favilion couple?"
"Kung sakaling totoo, Mr. Sy. May kasabwat po ba kayo? Dahil ba ito sa kalaban mo ang Favilion sa negosyo?"
"Anong masasabi niyo sa naiwan na anak ng Favilion couple?"
Iyon ang iilang tanong na binitawan ng media kay Mr. Sy. Natigil sila nang makapasok na si Mr. Sy sa loob ng sasakyan. Agad na umalis na ang sasakyan ni Mr. Sy. Nakatingin lang si Agasé sa papalayong sasakyan.
Napailing na lang si Agasé at lihim na napamura. Naramdaman niya na may tumapik sa balikat niya—si Ulysses. Sinenyasan ni Agasé si Ulysses sa motor nito.
"Pumunta tayo sa mansyon ni Uncle Louis. Kakausapin ko s'ya," sabi ni Agasé kay Ulysses.
Agad na sumakay sa Agasé at Ulysses sa motorsiklo ni Ulysses. Pinaharurot ni Ulysses ang motor papunta sa mansyon ng Uncle ni Agasé. Gumamit ito ng shortcut dahil wala itong lisensya. Nang makarating sila ay agad na pumasok sa mansyon si Agasé at pinuntahan niya ang Uncle Louis niya.
Agad siya umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang study room ng Uncle niya. Bigla siyang pumasok na walang pasabi o pagkatok.
"Uncle, anong ibig sabihin no'n at anong nangyayari? May ebidensya ba?" tanong ni Agasé.
Napatingin naman si Louis kay Agasé. Kakarating lang din ng lalaki mula sa presinto. Nauna lang ito ng ilang minuto kay Agasé.
"Maupo ka muna, Agasé." Iminuwestra ni Louis ang kanyang kamay. Napailing si Agasé at umangat ang sulok ng labi.
"Kailangan ko lang ang sagot, Uncle. Pagkatapos ay aalis na ako. Kaya kung maaari, ibigay mo na ang sagot sa tanong ko," sambit ni Agasé. Diretso at taas noo siyang nakatingin sa Uncle niya.
Ayaw na ni Agasé ng maraming pasakalye. Maraming nagaganap at pilit pa na pinagdudugtong ni Agasé ang mga 'yon. Umaasa siya na kapag nabuo iyon ay masasagot na ang mga katanungan niya. Katulad ng kung sino ang pumatay sa magulang niya at kung bakit nagawa 'yon.
"Okay, fine." Tinaas ni Louis ang dalawang kamay at napailing. Agad niya rin iyong binaba at nagsalita. "May nakalap na picture ang unknown person na may kinakausap si Mr. Sy. Kita rin ang abutan ng pera na nagaganap."
Inilapag ni Louis ang brown envelope sa lamesa at agad naman na napatingin doon si Agasé. Kinuha niya iyon at binuksan. Kinuha niya ang mga larawan. Sa hindi malamang rason ay walang naramdaman.
"Kopya lang 'yan. Nasa mga pulis na ang original copy," ani Louis.
Napansin nga ni Agasé na colored photo copy lang ang mga iyon at nasa bond paper. Diretso niyang tiningnan ang Uncle niya.
BINABASA MO ANG
Before The Future [Wattys 2021 Winner]
Mystery / ThrillerThe sixteen-year old heir of Favilion's legacy was known for being a great campus journalist and he created a blog called "Black Label" that exploits the government. He had an almost perfect life, not until his parents were killed, and he must find...