CHAPTER 14

807 61 1
                                    

Chapter 14: Mysterious Woman


BUMALIK si Agasé sa table nila. Naabutan niya roon si Benilde na tahimik na naghihintay. Nang lumingon siya sa dancefloor ay nakita niya roon si Agnes at Ulysses na sumasayaw. Magkayakap ang dalawa, hindi mapigilan ni Agasé na mapangisi.

"Benilde, pasensya ka na. Natagalan ako sa comfort room. May naging aberya lang," sambit ni Agasé. Ngumiti lang si Benilde at tumango.

"Okay lang. Hindi ko naman naramdaman na natagalan ka. Nandito naman kasi si Agnes at Ulysses kanina."

Umupo si Agasé sa tabi ng babae. Hinawakan niya ang kamay ni Benilde. Nagkangitian lang dalawa. Hanggang sa tumigil na si Agnes at Ulysses sa pagsasayaw. Bumalik ang dalawa sa kinauupuan.

"Ayos ba, Uly?" ngisi ni Agasé. Tinawanan siya ni Ulyssed at nag-OK sign ito.

"Um-order na ba kayo ng pagkain, Aga? Uhm . . . medyo gutom na kasi ako e," wika ni Agnes. Agad naman naalaarma si Ulysses at tumayo.

"Kukuha na lang ako ng pagkain natin. Ano bang gusto mo kainin, Agnes?" tanong ni Ulysses kay Agnes.

Tumikhim si Agasé at ngumisi. "Bakit naman si Agnes lang tinanong mo? Favoritism ka ha, Ulysses!" natatawang bulalas ni Agasé.

"Malaki ka na, Agasé. Kaya mo na ang sarili mo," sabi ni Ulysses sa kaibigan.

"Tayong dalawa na ang kumuha ng pagkain. Maghintay na lang kayo, Benilde at Agnes. Ayoko napapagod kayo," wika ni Agasé. Ngumiti lang si Benilde at tumango.

"That's so sweet of you, Aga," ani Agnes. Natawa lang si Agasé sa sinabi ng babae.

Tumayo si Agasé at tinapik ang braso ni Ulysses. Binigyan ni Ulysses ng nagtatakang tingin ang kaibigan. Hinila ni Agasé ang kaibigan at sumunod lang ito sa kanya. Nawiwerduhan si Ulysses sa ikinilos ng kaibigan.

"Anong meron?" tanong ni Ulysses kay Agasé nang makalapit sila sa mesa kung saan nakahain ang mga pagkain. Nagpa-cater ang school nila ng pagkain para sa party.

"Nakita ko si Neon Leviste," sagot ni Agasé. Napaangat naman ang isang kilay ni Ulysses. "You hear me? Nandito siya."

"E ano namang ginagawa ng lalaking iyon dito? College siya at hindi sa El Malaya ang school niya?"

"Naalala mo iyong sinabi mo sa akin na may rumors na mahilig sa highschool student ang lalaking iyon? I think the rumors are true! Nakita ko siya, may ka-make out siya na taga-El Malaya na estudyante," kuwento ni Agasé kay Ulysses. Napanganga naman si Ulysses sa kuwento ng kaibigan niya.

"Sinong ka-make out niya? Teka nga! May girlfriend siya na taga-El Malaya?"

"Yes, meron."

"Sino nga?"

"Si Maia Natividad. Naalala mo iyong kaso sa horror house? Siya iyong pamangkin no'ng biktima. Iyong umiiyak kasama no'ng kapatid ng biktama," bulong ni Agasé kay Ulysses. Kasabay no'n ay inabutan sila ng plato ng waiter. Nginitian lang iyon ng dalawa at nagpatuloy sa pagbubulungan.

"Paano ko naman nasabi na nagmi-make out sila? Teka nga—nakita mo sila?!" mariing bulong ni Ulysses, pigil na pigil niya ang sariling boses.

"Oo, kanina no'ng nagbabanyo ako," ani Agasé. Lalo pang lumapit si Agasé sa kaibigan at muling binulungan ito. "Hindi sa horror house ang una naming pagkikita ng babaeng iyon. Sa katunayan ay nagkasalubong kami no'ng forst day ko sa El Malaya."

"Weh? Bakit naman ganun?"

"Hindi ko rin maintindihan. Para bang palaging pinagkukrus ang landas namin ng babaeng iyon." Napabuga nang malalim na hininga si Agasé. "May kakaiba sa babaeng iyon . . ."

Before The Future [Wattys 2021 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon