CHAPTER 2

1.6K 107 3
                                    

Chapter 2: The Teacher

MAAGANG nagising si Agasè. Wala namang bago, dinadalaw pa rin siya ng kanyang mga bangungot. Bunangon siya at agad na naghanda para pumasok. Naalala niya na may importante siyang dapat gawin.

Ngayong araw ang tamang oras para isakatuparan ang plano niyo. Pumasok siya sa banyo agad na naligo. Nasa loob siya ng banyo at dinadama ang malamig na lagaslag ng tubig mula sa shower.

Napaisip siya sa gagawin niyang plano mamaya. Ngayong araw ay mabibigyan niya ng katarungan ang kamatayan ni Amara Villa. Oo, naniniwala si Agasè na hindi iyon basta suicide. At para malaman ang tunay na nangyari kay Amara, kailangan niya maisagawa ang plano niya.

Pagkalabas ng banyo ni Agasé ay may importante siyang bagay na inilagay sa bag niya. Kailangan niya iyon upang magtagumpay siya sa nais niyang mangyari.

Tumunog ang cellphone ni Agasé. Nakita niya ang pangalan ni Ulysses sa screen. Kaya, agad niya itong sinagot.

"Handa na ba ang lahat, Uly?" tanong ni Agasé sa kaswal na boses.

"Yes, I already gave the instruction . . . you don't have to worry about that part. Okay?" sambit ni Ulysses.

"Thanks. Papasok na ako. May importanteng clue ako na nakita sa social media ni Amara kahapon. Nakakapagtaka at hindi nila napansin iyon. O baka talagang nagtatanga-tangahan lang sila," ani Agasè. Napabuga siya nang malalim na hininga.

"Saang social media mo siya ni-stalk, Agasé?" tanong ni Ulysses.

"Sa instagram and I saw her last posts. May picture siya kasama si Mr. Kan at isa pang kaklase niya," kuwento ni Agasé. Narinig niya na napasinghap si Ulysses.

"Marami na ring kuwento na nangmo-molestya nga si Mr. Kan. Pero wala namang nagsalita patungkol doon," sabi ni Ulysses.

"Nangyari ito bago ang graduation 'di ba? Graduating student si Amara kung hindi ako nagkakamali."

"Oo, tama ka. Kaya na-delay pa ng ilang linggo ang graduation no'n," sabi ni Ulysses.

Matunog na bumuntonghininga si Agasé. "Kailangan natin ng ebidensya. Iyon lang . . . kung wala tayong mahahanap na konkretong ebidensya ay sa bibig mismo natin siya huhulihin," ani Agasé.

"Paano? Kita na lang sa school?"

"Sige."

Ibinaba ni Agasé ang cellphone. Pagkatapos ay nagsuot na siya ng uniporme. Kinuha niya ang bag at sinukbit sa kanyang balikat. Pagkatapos ay naglakad siya palabas ng mansyon.

Sumakay siya sa sa kanyang service na sasakyan. Hindi niya na naabutan ang magulang at sa school na lang siya kakain ng almusal.

Nang makarating siya sa school ay agad siya pumasok sa classroom. Ilang oras siyang maaga pero ang kinagulat ni Agasé ay bukas na ang classroom. Nandoon sa classroom si Benilde at isa pang kaklase na babae.

"Good morning!" bati ni Agasé sa dalawa.

Ngumiti si Benilde sa kaniya. "Good morning, Agasé."

Gustuhin man ni Agasé na makipagkuwentuhan kay Benilde ay hindi niya magagawa dahil may kailangan siyang asikasuhin. Inilapag niya ang bag niya sa armchair niya.

Bahagya siyang lumapit kay Benilde. "Hi! Pwede ba na pabantay muna ako ng bag ko. May pupuntahan lang ako na isang teacher natin," sambit ni Agasé. Halata sa mukha ng dalaga ang pagkagulat pero agad naman itong tumango, pumapayag sa pabor na hinihingi ji Agasé.

"No, problem."

"Thanks."

Agad naman tinalikuran ni Agasé si Benilde. Lumabas siya sa classroom para puntahan si Mr. Kan, ito rin ang Calculus teacher nila. Napasipol-sipol siya habang naglalakad.

Before The Future [Wattys 2021 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon