Kabanata 42

68 6 0
                                    

Kabanata 42

Ang dami at ingay ng mga pasyente sa hospital ay hindi man lang nabawasan kahit ilang oras na ang nakalipas. Iisa ang kanilang hinaing at 'yon ay ang lunasan na agad sila.

Hindi ko na rin nagawang umuwi pa sa gabing iyon dahil napaka-toxic sa hospital kaya maging ang i-check ang aking phone ay hindi ko na rin nagawa.

"Nurse Ada, nabigyan na ba ng first aid ang mga tao dito?"

"Yes, Doktora, kagabi pa. Hindi nga lang po agad nabigyang pansin dahil mas inuna ang mga naaksidente."

"Ganun ba?" tumango naman siya. "Anong ginagawa ni Dr. Aristone? Alam niya na ba ang lagay ng mga tao dito?"

"Ang totoo po niyan, siya po ang nagbigay ng paunang lunas sa ibang mga pasyente. Kakauwi po niya kahapon galing duty ay bumalik po agad siya dahil tinawagan yata siya nina Dr. Sandoval."

Tinanguan ko naman siya bago binalingan ang mga pasyente. Ang iba sa kanila ay natutulog na sa mga upuang nakahilera sa waiting area.

Nainis naman ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibigyang pansin at atensyon. Ngunit mayroon rin sa loob loob ko ang naginhawaan dahil kahit papaano'y nabawasan ang kanilang iniinda dahil sa paunang lunas na ibinigay kagabi.

"Kumusta naman ang mga lagay nila?" baling ko ulit sa kaniya.

"Medyo maayos na rin po ang iba..." sagot niya na nakikita ko naman. "...Kaso marami pa rin po ang nasa kritikal na kalagayan. Ang iba pa nga po ay nagpupumilit ng umalis at umuwi na lang daw dahil hindi naman daw po sila nagagamot."

Hindi naging madali para sa amin ang araw na iyon. Makalipas ang ilang oras ay sa wakas at nabawasan na rin kahit papano ang aming mga pasyente. Wala nang mga naghihintay pa sa waiting area, nailagay na lahat sa rooms.

Gabi na nang makaramdam ako ng pagkalam ng sikmura ko at doon ko narealize na wala pa akong kain magmula pa kagabi. I checked the time and it's already 6:28 p.m.!

Tss... Kaya naman pala sobrang nanghihina at nagugutom ako.

Inamoy ko rin ang sarili ko kung nangangamoy na ako ngunit hindi pa naman. Amoy kemikal at dextrose, oo.

Mabuti na lang at lagi akong nagdadala ng mga extrang damit dahilan kung bakit nakapagpalit ako kaninang tanghali ng naging free time ko. Pero 'yon lang at talagang palit ng damit at toothbrush na lang ang nagawa ko. Oo, inaamin kong hindi pa ako naliligo magmula pa kagabi at ngayon ay gabi na naman.

Nag-iinat pa ako habang naglalakad patungo sa cafeteria ng hospital. Minamasa-masahe ko rin ang batok at leeg ko dahil sobrang nangalay ito dahil sa ilang surgery ang na-perform ko kanina.

Agad namang pumasok sa isip ko ang mga kaibigan ko at si Carliyah. Kumain na rin kaya sila? Maging sila rin kasi ay katulad kong nag-duty kagabi.

Natigil ako sa paglalakad at pamamasahe sa batok ko nang makita sina Liberty at Harvey sa garden malapit sa cafeteria. Akmang lalapitan ko sila ngunit natigilan ako nang marinig ko ang usapan nila.

Nagtago ako sa naglalakihang halaman.

"Hindi ko na nakikita ang kaibigang mong 'yon ah? Ilang araw ng hindi nagagawi dito sa hospital. Sumuko na ba?" Natatawang tanong ni Liberty sa kasintahang si Harvey.

"Tss... Si Calyx? Susuko? Asa!" sagot naman nito.

"Oh eh bakit wala siya dito ngayon? Halos ilang araw na rin ah. Last week, araw-araw 'yon dito. Daily check up daw? Akala naman niya maniniwala kami? Sinong niloko niya?"

Oo nga 'no? Ilang araw ng walang ni anino ni Calyx dito sa hospital ngayon week na 'to. Ano na kayang nangyari do'n?

Eh ano naman? Why would I even care, right?

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon