Kabanata 2

92 14 1
                                    

Kabanata 2

"Ba't ang tagal mo?" Tanong ni Kuya Caleb  ng makasakay ako sa sasakyan.

Kumuha ako ng tissue paper sa lalagyan niya ng gamit sa loob ng sasakyan.

"Tagal tumila ng ulan." Sagot ko habang pinupunasan ang mga braso at mukha kong nabasa.

Hindi na siya nagsalita at sinimulan na ang pagdi-drive. Naging tahimik ang byahe at tanging kulog at ulan lang ang naririnig na sinamahan pa ng kidlat.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong nagpunta sa aking silid para makapagbihis na. I did my usual routine.

Wearing an oversized shirt and a pajama, I was  lying on my bed thinking about nothing. Hindi pa'rin tumitila ang ulan, may bagyo yata.

Naisipan kong i-check ang phone ko dahil paniguradong maraming messages sa akin doon si Ellie.

At hindi nga ako nagkamali. I got 53 messages and 12 missed calls galing sa kaniya. I opened it.

Elliezel: Where are you?

Elliezel: It's almost 1! Nasaan ka na ba?

Elliezel: Miss Muñoz is already here!

Elliezel: You missed 1 class, nasaan ka  na ba?

Elliezel: Why aren't you answering my calls? I'm now worried.

Marami pa siyang messages pero hindi ko na binasa lahat. Paniguradong puro sermon lang iyon. I just replied "Nakauwi na ako, don't worry about me. Usap na lang tayo bukas."

Because of boredom, I decided to visit my instagram account. I got 62 DMs and 103 activities.

I tapped the activity button. Puro likes at comment lang sa mga pic kong nagsi-serve ng bola, likod ko lang ang kita at saka yung bolang nasa taas at kamay kong handang paluin ang bola.

@archsarmiento: idol, tingin!

@justcorpuz: am ur number 1 fan.notice me, mendez 07.

@ferrer_audrey: OMG! galing galing talaga mag-spike i luv uuu!

@krishanna: that's not even a spike, she's serving, stupid.

@ejay.ocampo: dalaga k n. msta n nany mu?

@itsellierianne: pamilk tea ka naman.

Napailing na lang ako sa kalokohan ng mga kaibigan ko. May iba ding nagcomments at nagcompliment sa akin. I just replied a heart emoji for the people I am not close with.

I typed a reply for Archie.

@katanasaphira: 'di inlove ka agad.

For Justine.

@katanasaphira: Hi.

For Audrey which has Krishen's reply.

@katanaxsaphira: ???

For Ejay.

@katanasaphira: okay po.

And for Ellie.

@katanasaphira: Are you a hampaslupa now? Poor girl.

I laughed. Nag-scroll ako sa feed hanggang sa may nag-pop sa activity box. This time, may nagfollow naman.

@damncalyx started following you.

Bigla akong napabangon sa pagkakahiga ko. Kinakabahan pa akong pinindot ang follow back. Then binaba ko ang phone ko.

What's this?

Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate ito.

@damncalyx liked your photo.

It was the photo that I recently posted. 'Yong nagsi-serve. After a few seconds sunod-sunod na ang likes niya sa mga posts ko.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon