Kabanata 43
"Hindi ka ba uuwi ngayon?" tanong ni Kuya sa kabilang linya.
"I'm planning to. Tapusin ko lang ang duty ko at uuwi agad ako mamaya."
"Uuwi ka agad pero mamaya pa? What's that?"
"Ewan ko sa'yo. Basta uuwi ako."
"Good, dahil talagang hinahanap ka na nina Lola."
Marami pa siyang hinabilin bago ibinaba ang tawag.
Tinapos ko nga ang duty ko sa araw na 'yon bago umuwi sa mansion. Nasa labas pa lang at papasok pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang nakangiting si Lola, naghihintay mismo sa labas ng front door.
Nakangiti naman akong bumaba at saka dali-daling nilapitan siya.
"Lola!"
"Katana, apo ko!" nakangiting bungad niya at saka inambaan ako ng yakap na inilingan ko naman.
"After washing, lola."
"Ah, yeah. I almost forgot... Bilisan mo at naghihintay na ang hapag."
"Oh? This early?" napatingin pa ako sa relo ko at 6:37 p.m. pa lang.
Usually, we ate dinner at 7:30 miinsan nga ay alas otso pa dahil palaging late umuwi si Daddy.
"Hmm... Since ngayon lang ulit tayo magsasabay-sabay."
Tumango naman ako saka kami pumasok sa loob. Nagkaroon pa ng kumustahan dahil naroon na rin pala si Daddy kasama si Lolo.
"Medicine is really stressing, huh?"
Tumango ako kay Lolo.
"Lahat naman yata ng trabaho ay nakaka-stress, Lolo. Kahit nga hindi ka magtrabaho ay nai-stress ka parin," biro ko pa.
"Ibig sabihin niyan, ang buhay ang nakaka-stress," gatong niya naman.
Matapos kong maligo ay nagdinner na rin kami. Wala namang masyadong kumustahan pa dahil halos ilang buwan lang since mawalay kami ni Kuya sa kanila. Lalo na ako. I've spent my seven years being with them.
Maaga akong nagpaalam sa kanila, pagdadahilang napagod ako sa trabaho. Kahit na ang katotohanan ay tatambay lang ako sa veranda.
Ramdam na ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin sa buwan ng Nobyembre. Hinayaan kong liparin ng hangin ang mahabang buhok ko at sumandal sa terrace. Napakabilis ng panahon dahil nasa huling linggo na ng buwan ng Nobyembre.
Today is November 24 and Liberty's wedding is on December 19. That means, malapit na siyang matali. O kung matutuloy nga ba? Tsk! Hindi ko mapigilang hndi maalala ang nangyari kanina.
I didn't expect that they knew about that. Though alam kong may ideya sila sa kung gaano naapektuhan mental health ko. I choose to hide it from them because I don't think that's necessary. Only my brother knows about it.
Napabuntong hininga ako bago pumasok sa loob.
You have to rest well, Katana, because tomorrow will definitely be more tiring to go through.
"Good morning, Doctor Mendez!" maligayang bati sa akin ni Bryce kinabukasan.
Napatigil pa ako sa pagchi-check sa monitor upang matingnan siya. He's with Harvey and Calyx.
"Good morning, Mr. Lopez," pormal na sagot ko saka tipid na ngumiti.
Binati rin ako ni Harvey at maging si Calyx rin at tinanguan ko naman sila bago ibinalik ang tingin sa monitor.
"You must be very busy. Nakakaabala ba kami?"
" Hindi naman... Ayos lang." Pero nasa monitor pa rin ang tingin.
BINABASA MO ANG
Escaping the Darkness
Teen FictionKatana Saphira R. Mendez is entitled as the Mendez' princess. Tinitingala at kinaiinggitan ng karamihan. Gagawin ang lahat para sa pamilya at mga kaibigang mahal na mahal niya. A living luxurious princess, ika nga nila. Little did they know, Katana...