Kabanata 47
Scarlette Avery Zamora
"Katana!"
Hindi namin namalayan ang pagbaba ni Calyx sa stage dahil sa pag-aalala kay Katana.
Kanina ko pa iyon napapansin. Magmula nang dumating kami dito sa reception ay iba na ang kinikilos niya. Lalo pa't nakita niya si Calyx kasama si Elliezel. Ipinagsawalang bahala ko iyon dahil ang alam ko ay guni-guni ko lang 'yon.
Nakaramdam naman ako ng kaginhawaan lalo na nang makita kong ayos naman siya kay Wacky Sevilla. Pero nang kumanta siya ay doon namuo ang pag-aalala sa dibdib ko.
Ang paraan niya ng pagkanta ay hindi katulad ng dati. Mararamdaman mo ang lungkot, sakit, at pangungulila. Kahit na sino ay mararamdamang may pinagdaraanan siya kahit na kanina lang ay maayos na maayos naman siya.
Hindi ko pa ring maiwasang humanga sa kaniya dahil sa kabila ng pagiging miserable niya kanina ay nagawa niya pa ring pigilan iyon at talaga namang ayos na ayos pa ring tumakbo palayo sa amin. Wala namang katakha-takha doon dahil ayun talaga siya.
Katana Saphira is an effortlessly elegant and classy woman. Malayong-malayo pa lang siya ay ramdam na ramdam mo ang klasidad sa kilos at presensiya niya. Isa sa mga nakaagaw ng pansin ko noon. Pero mas nakakahanga ang pagiging malakas niya.
She really is an empowered woman.
Binabagyo man ng problema ay nagagawa pa ring lumaban at balewalain ang mga ito.
An unbothered queen, indeed.
"Calyx, where are you going?" Nag-aalalang tanong ng nakakairitang si Elliezel.
Hindi siya sinagot ni Calyx at nagtuloy-tuloy lang sa pagsunod kay Katana.
Nang akmang susunod din si Elliezel ay agad ko nang hinila ang mga braso niya kaya dumaing siya sa sakit.
"A-Ano ba!" Mariing sigaw niya at saka binawi ang mga braso niya.
"Ano sa tingin mo ang gagawin mo?" Galit na tanong ko at sinamaan siya ng tingin.
"Ano bang pakialam mo?" Galit ding tanong niya.
Nakakairita ngang talaga ang babaeng ito. Noon pa man, hindi ko pa man siya nakikilala ay iritang irita na ako sa kaniya. Naiirita ako hindi lang dahil sa ginawa niya kay Katana kundi sadyang nakakairita talaga ang pagmumukha at ugali niya.
"Sa'yo? Wala akong pakialam sa'yo? Sa kanilang dalawa ako may pakialam kaya umayos ka!" Itinuro ko pa ang kinaroroonan nina Calyx at Katana.
Napamaang siya.
"Oh eh anong inuungot mo diyan? Wala ka palang pakialam edi manahimik ka diyan! I'm gonna follow Calyx and just stay out of it." Taas kilay na saad niya.
Itinaas ko rin ang isang kilay ko. Kung magtataray siya, mas magtataray ako. Hinding-hindi ko uurungan ang pagkabitchesa ng isang nakakairitang tulad niya.
"Hindi ka ba nahihiya, Elliezel? Obvious namang ayaw sa'yo ng tao at alam mo kung sino ang mahal niya. Bakit ba nagkakaganiyan ka pa? Kung ako sa'yo hayaan mo na lang sila. Hayaan mo silang mag-usap para magkaayos na rin sila, Elliezel. Kung talagang may pakialam ka kay Calyx, hayaan mo na siya."
"Nagpapatawa ka ba? May pakialam ako sa kaniya kaya hindi ko siya hahayaan. Huwag kang tanga, Scarlette." Natatawa talagang aniya.
"Huwag kang umastang matalino dahil alam ng lahat kung gaano ka katanga. Sa ginagawa mong pagdikit dikit at paghahabol sa taong may iba nang mahal ay isang katangahan." Mariing sambit ko dahilan upang matigilan siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/248578949-288-k914319.jpg)
BINABASA MO ANG
Escaping the Darkness
Novela JuvenilKatana Saphira R. Mendez is entitled as the Mendez' princess. Tinitingala at kinaiinggitan ng karamihan. Gagawin ang lahat para sa pamilya at mga kaibigang mahal na mahal niya. A living luxurious princess, ika nga nila. Little did they know, Katana...