Kabanata 28
"M-Marza... Stop." nanghihinang saad ni Audrey.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. At mas lalong hindi ako makapaniwala nang marinig mismo galing kay Audrey ang kompirmasyon kahit hindi man niya direktahang kinompirma.
Kaya galit na galit sa akin si Audrey dahil doon? What the fuck?
"Alam kong ikaw rin ang nagpakalat sa buong AU na si Katana ang dahilan kung bakit hindi nagkabalikan sina Astrid Dizon at Calyx Jimenez. Sinabi mong nilandi siya ni Katana!"
Nangatog ang binti ko sa panibagong narinig. Halos hindi na ako makatayo ng maayos dahil sa panghihina. Ngayon ko lang nalaman na ang mga taong malapit pala sa akin ang mismong sumisira din ng pagkatao ko. All this time akala ko totoo sila. Si Ellie... Si Archie... at ngayon si Audrey naman.
Sino pa ba?
"Marza!" pigil ni Audrey.
"Is that true? Ikaw ang may pakana ng lahat ng 'yon?"
Nilingon niya ako gamit ang matatapang na mga mata.
"Oo! Bakit? Totoo naman lahat ng 'yo-"
"WALANG HIYA KA! WALANG UTANG NA LOOB! INGGITERA!" sigaw ni Krishen.
Nagulat ako sa biglaang pagsabat niya.
"Wala kayong pinagkaiba ni Elliezel! Mga walang utang na loob! Mas masahol pa kayo sa hayo- ahh!
Hindi niya naituloy ang sinabi niya dahil hinila na ni Audrey ang buhok niya!
"Wala kang karapatang sabihin sa'kin 'yan dahil maging ikaw ay halos isumpa din si Katana noon! Gaga ka!" sigaw ni Audrey habang hila hila ang buhok ni Krishen.
Putangina, pati ba naman si Krishen?
Nagpagulong gulong na sila sa sahig ngayon. Napasigaw ang mga tao dahil sa mga nabasag na bote. Si Justin at Ejay lang ang naglakas loob na pigilan sila dahil masyadong intense ang sabunutan nila.
"Walang bouncer! May aksidente raw sa labas kaya tumulong sila sa mga rescuers! Pigilan niyo na!" sigaw ng kung sino.
Nakita ko kung paano nakisali si Elliezel para tulungan si Audrey kaya dali-dali ko ding hinila ang buhok niya para pigilan siya.
"Katana!" sigaw ni Marza at Ejay.
Ellie cried because of that.
"Tangina, tawagin niyo si Calyx! Nasa loob sila ng billiard hall!" sigaw ulit ng kung sino.
Nakahiga na siya ngayon habang ako ay nakaupo sa tiyan niya.
"Isa ka pa! Wala akong kasalanan sa'yo! Sa inyo ni Audrey bakit kayo ganito sa'kin?!" sabi ko habang sinasampal siya sa kanang kamay at ang kaliwa naman ay nakasabunot sa kaniya.
Wala siyang nagawa kundi ang umiyak at salagin ang mga atake ko. Nakita ko rin ang paglapit ni Audrey, Marza, at Krishen sa amin na pinipigilan naman ni Justin at Ejay.
Si Marza na ngayon ang inaatake ni Audrey.
Iniwan ko si Ellie para matulungan ang nakakaawang si Marza. Pinagtutulungan na namin ngayon ni Krishen si Audrey ngunit nakisali na naman si Ellie dahil hinila niya ang buhok ko kaya siya na naman ngayon ang hinarap ko.
"You, bitch! I'll kill you at all cost!" sigaw ko kay Ellie.
Isang iglap lang ay nagkapalit na kami ng pwesto siya na naman ngayon ang napapahirapan. Sasampalin ko pa sana siya nang may bumuhat sa akin palayo sa umiiyak na Elliezel.
I can smell the familiar manly scent of Calyx. Sinamaan ko siya ng tingin at mas masamang tingin naman ang sinukli niya.
"Let's go home." aniya.

BINABASA MO ANG
Escaping the Darkness
Teen FictionKatana Saphira R. Mendez is entitled as the Mendez' princess. Tinitingala at kinaiinggitan ng karamihan. Gagawin ang lahat para sa pamilya at mga kaibigang mahal na mahal niya. A living luxurious princess, ika nga nila. Little did they know, Katana...