Kabanata 18

50 10 0
                                    

Kabanata 18

They say if you fall-out of love, it means you don't really loved the person. It's just an infatuation. Well, in my past relationships, I always fall-out of love. Does that mean, I have never been in loved? Was it all just infatuation? If it really is, then I want to know how is it feels to be in love. I'm just too curious about it.

Kapag ba na-inlove ka ay magiging katulad din ng kina Carliyah at Archie? Kay Mommy at Daddy? I don't know the real story about my parents' past. All I know is that Mom and Dad are college sweethearts and they loved each other dearly that they are willing to do everything for their relationship. That's what I know. Kaya naguguluhan ako kung anong nangyari? Bakit bigla na lang akong naging anak sa pagkakamali kung sa una pa lang, ay nagmamahalan na pala talaga sila. Bakit biglang naging si Tita Thelma ang asawa ni Daddy? How come?

Ang mga ganoong klaseng tanong ay sinasarili ko na lang. I don't have the guts to ask Mom and even Dad about it. I'm sure Mom will going to freak out at baka masampal pa niya ako. That's how cruel she is. Her love for Dad made her so cruel according to Tito Rayi.

About what Astrid did last time. She looks desperate and pathetic and I hate it! I hate how a girl act like that just because of a man. It's very disgusting. Babae siya. Kung ayaw ng lalaki sa kaniya, then okay. Fine! Hindi lang iisa ang lalaki sa mundo. So, why would she do such thing para lang sa walang kwenta at sinungaling na lalaki? Nagawa niya pang manugod ng kapwa niya babae para lang doon? At sasabihin niyang she's just inlove, ganoon ba? No. She's crazy.

I had also witnessed how Krishen, Audrey, and Ellie go crazy for a man. Not with Jollie Marza because that's not her priority. Nasaksihan ko kung paano sila umiyak at nagpakatanga dahil sa pag-ibig. Naranasan ko ring manugod at kumaladkad ng ibang babae para lang iganti ang mga kaibigan kong niloko ng mga boyfriend nila. Nakakatawa dahil ngayon ko lang naisip na anong pinagkaiba ko kay Astrid? I also looked down for a girl because of my love for my friends.

Ganon ba ang love? Is that how love leads people? Come to think of it. Mommy become so cruel because of love. Carliyah is losing herself because of the same thing. My friends going crazy just because of it. And Astrid being so desperate and pathetic...

Then now I am curious about love eh nakikita ko na nga sa mga tao sa paligid ko!

At mas lalong ang tanga tanga ko na si Calyx ang pumapasok sa isip ko sa tuwing iniisip ko iyan.

"Malapit na ang bakasyon, sa'n kayo ngayon, Kat?" tanong ni Audrey.

Narito kami ngayon sa benches malapit sa gym. Wala kaming klase sa oras na ito. Nakakatuwa nga dahil pare-pareho kami ng schedule ngayon kahit na magkakaiba ang course namin.

Isinara ko ang ballpen ko saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Gusto ni Dad na umuwi kaming New York ni Kuya."

We have a property in New York. Dati pa man ay nangingibang-bansa na talaga kami tuwing bakasyon. Lagi akong sumasama sa mga Mendez sa kagustuhan na ring makapag-travel at unfair man pero mas komportable akong kasama sila kaysa sa mga Ramirez.

"Sayang naman. Akala ko ay makakasama ka sa trip. Sa La Union ang punta namin ngayon." tumango-tango pa si Krishen.

My friends; Elliezel, Audrey, Krishen, Marza, Archie, Ejay, and Justin always plan for trips. Ginagawa nila ito tuwing summer dahil mahilig kaming magkakaibigan sa beach. Lagi naman akong wala. Kung hindi dahil nasa ibang bansa ako kasama ang mga Mendez ay nasa out of town naman ako with the Ramirezes.

"Baka next year makakasama ako. Dad told us na dito naman kami sa bansa magbabakasyon next year, and maybe sa mga susunod pang mga taon..."

...dahil sa ibang bansa na ako mag-aaral. Babalik na lang sa Pinas kung bakasyon. O baka nga hindi pa kami payagan ni Dad.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon