Kabanata 49

52 3 0
                                    

Kabanata 49

"Katana, sandali!"

Hindi ko siya pinansin. Dali-dali kong binuksan ang purse ko para sa keycard.

"Katana, hindi ko alam na nandito siya. Maniwala ka naman sa'kin." Naiiyak na ring saad niya.

Tumingin ako sa taas para pigilan ang aking mga luha. Nang makuha ko ang keycard ko ay hinarap ko siya.

"It's okay, Calyx." Walang emosyong saad ko.

"Maniwala ka sa'kin. Paniwalaan mo naman ako," nangilid ang kaniyang mga luha.

Lalong bumigat ang dibdib ko.

"H-Hinihintay ka ni Elliezel doon, Calyx. Umalis ka na. Inaantok na ako." Iniwan ko siya sa labas.

Tumakbo ako papasok sa master's bedroom at doon humikbi ng humikbi. Goddamnit! Why am I being like this.

Kinuha ko ang phone ko nang mapansin ang pag-ilaw nito.

From: Unknown Number

Pinaalis ko na siya. I really don't know why she's here. Hindi ko rin alam kung paano siya nakapasok dito. Maniwala ka sa'kin.

___________

Mag-usap tayo bukas.

____________

Good night. Take a rest now.

Hindi ko pinansin ang text niya. Maraming tawag galing sa mga kaibigan ko, tinatanong kung bakit hindi ako pumasok. I dialed the number of Scarlette.

"Hello?" Mukhang nagising siya sa tawag ko.

Nahiya tuloy ako.

"Scarlette..." panimula ko.

"Oh My God! Katana!" Lumakas ang boses niya. "Bakit ngayon ka lang tumawag? Ang dami kong missed calls sa'yo ah! Bakit hindi ka tumawag? May nangyari ba? Emergency ba? Sabihin mo!" Sunod-sunod na tanong niya.

May nangyari nga.

"S-Scarlette..." tumulo ang luha ko.

"A-Are you okay? Oh my goodness! Are you crying?" Nag-aalala agad na tanong niya.

Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa hikbi ko.

"K-Katana? W-What happened? Nasaan ka? I'm going there."

"N-No. No, Scarlette. N-Nasa condo ako." Naalarma ako.

Ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan. Ayoko ring abalahin pa siya para lang sa kaartehan ko.

"A-Anong problema, Katana? Why are you crying?"

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako nagsalita.

"A-Ang sabi niya... A-Ang s-sabi niya sa'kin, m-mahal niya ako. Mahal niya raw ako. Pero bakit n-nandoon sa condo niya si Elliezel?"

"What? Ang bwisit na iyon..." halos pabulong na saad niya.

"N-Nakita ko, Lette. Kitang-kita mismo ng dalawang mga mata ko. Elliezel was wearing a very seductive dress. She's going to allure him! At hindi magkakaroon ng lakas ng loob si Elliezel para gumawa ng ganoon kung hindi prinovoke ni Calyx." Parang batang sumbong ko.

Ang sama sama ng loob ko. Gusto kong magwala ngayon at ipakita sa kanila ang galit ko pero mas lamang sa akin ang sakit at inggit.

"Akala ko ba hindi mo siya mahal?"

Natigilan ako at nag-isip.

"May sinabi ba ako?" Inosenteng tanong ko.

She sighed.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon