Kabanata 22

44 9 0
                                    

Kabanata 22

Summer ngayon pero ramdam na ramdam ko pa rin ang lamig ng New York. Sinipa-sipa ko ang bato sa harapan habang hinihintay si Kuya na lumabas sa isang coffee shop.

From: Elliezel

When are you going home? Enrollment na nextweek ah?

Oo nga pala. Sumobra na ng isang linggo ang stay namin dito at nextweek ay enrollment na. Mukhang mali-late pa yata akong pumasok ngayong year. Sinabi ko na iyon kay Daddy at Kuya noong isang linggo pa.

"Let's see, Katana. If your brother finish his task there, then you two can come home."

"Dad? Pasukan na right after next two weeks! Hindi ba puwedeng mauna na akong umuwi?"

"You can enroll even if you're late, Katana. What's the matter?"

"Ang hirap mag-adjust, Daddy! You know hindi ganoon ka-simple ang nursing!"

He sighed.

"Mag-enrol ka na diyan kung ganoon."

Hindi pwede!

Sa huli, wala akong nagawa kung hindi ang maghintay na lang. Wala talagang makakapagpabago sa desisyon ni Daddy. Konti na lang ay iisipin kong ayaw na niya talaga kaming pauwiin ni Kuya sa Pinas at gusto niya talagang dumito na muna kami.

To: Elliezel

I don't know. I'm still consulting Dad and Kuya. I miss you all! :(

From: Elliezel

Naku, mali-late ka na niyan! By the way, ang ganda ng La Union! They have a nice beach! Waah, love it so much!

Kakauwi ka lang din pala nila last week galing sa 2 weeks vacation sa La Union. I've seen their posts on social media at talagang maganda nga ang La Union. Nakakainggit, gusto kong nandoon rin ako!

To: Elliezel

Kita ko nga sa mga posts niyo. I'm so jealous.

Bumuntong hininga ako ng makitang papalit na si Kuya.

"Sabi ni Daddy umuwi na raw tayo." bungad niya.

Nagliwanag naman ang mukha ko.

"Talaga? He said that?"

"Uh-huh. After nating bumisita kina Lola sa California."

Agad din naman akong nanlumo.

Hindi naman sa ayaw kong makita ang grandparents ko. Pero kung ganoon kasi ay sigurado akong hindi sapat ang isa o dalawang araw na pananatili namin doon. It will take a week before letting us go home. At kapag nangyari iyon, talagang mahuhuli na ako sa pasukan.

From: Calyx

When are you going home?

__

I'm having a parusa right now. :((

__

I wish you were here. Parusa nga talaga 'to pag wala ka.
__

Good morning. Hapon na dito. Hirap naman magconvert ng time. Umuwi ka na kasi para di na ako mahirapan. :(

__

Should I follow you there? What do you think?
__

I hate business management na rin, love. Grrr.

__

Inaasar ako ni Bryce at Harvey kanina. Di ka na daw uuwi sa'kin, diyan ka na daw mag-aaral. Kainis. Sinapak ko na lang.

__

Ie-enroll na sana kita kanina kaso di naman pala pwede. Kainis mga friends mo, inaagaw daw kita sa kanila. Tsh, mga isip bata. Di ba nila alam na sa'kin ka naman talaga?

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon