Kabanata 50

65 3 0
                                    

Last chapter before the ending. Thank you so much for reading all the way here and thank you for being part of this journey. Thank you for letting me express my thoughts, views, and emotions through this story. Thank you very much. Keep safe!

Kabanata 50

"Aray ko! 'Yong likod ko!" Singhal ni Grethel.

"'Yong paa ko nadaganan mo, Amber!" Si Liberty.

"Ano ba! Ang bigat mo, Harvey!" Reklamo naman ni Bryce.

"Tumayo na nga kayo! Ang bibigat niyo!" Si Scarlette.

Sabay-sabay silang natumba at nagdaganan sa sahig.

"Anong ginagawa niyo dito?" Kunot-noong tanong ko.

Napansin ko na rin ang paglapit ni Calyx sa may pinto.

"What the hell?" Singhal niya.

Dali-dali silang nagsitayo at nagpatay malisya.

"Carliyah?" Pagtawag ko.

Naalarma naman ito at saka umiling.

"Wala akong alam dito! Basta sinama lang ako nila Scarlette." Paliwanag niya.

"Si Liberty ang nagsabi sa'kin!" Depensa naman nito.

"Itinawag lang ni Harvey sa'kin!"

"Inutusan ako ni Bryce na tawagan ang asawa ko." Si Harvey.

Tumingin kaming lahat kay Bryce. Nagkamot ito ng ulo saka nagpeace sign. Napailing na lang ako saka sila nilagpasan doon.

"Uy, Katana! Sandali!" Tawag nila.

Hindi ko sila pinansin basta pinindot na lang ang elevator.

"Umalis na nga kayong lahat dito!"

Rinig kong sigaw ni Calyx sa kanila kaya nagtakbuhan ang mga ito palapit sa akin. Sakto namang bumukas ang elevator at hindi nila ako naabutan.

"Bagay talaga ang dalawang 'yon. Parehong highblood," rinig ko pang saad ni Scarlette bago ito magsara.

Hindi ko na sila hinintay at umuwi na lang ako. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat ng nangyari kinabukasan. Lahat sila'y may violent reaction kay Elliezel.

"Bwisit talaga ang babaeng 'yan!" Si Amber.

"Kung ako 'yon, sinapak ko 'yong mukha niya." Inis ring saad ni Liberty.

"Dapat pinukpok mo 'yong bottle ng wine sa ulo niya nang matauhan siya." Gigil na gigil si Scarlette.

"Binuhusan mo sana ng asin nang matanggal ang kati niya." Saad naman ni Grethel.

Doon ako sa mansyon ng mga Ramirez nagpasko. Kahit labag sa kalooban nila Daddy at Kuya ay pinayagan pa rin nila ako. Ang sabi'y sa mga Mendez naman ako sa bagong taon. Iyon naman talaga ang plano ko kaya pumayag ako kaagad.

"Ano itong nababalitaan kong hinahabol habol ka raw ni Calyx Jimenez, Katana? Totoo ba?" Si Mommy.

Nagulat ako sa kaniya kaya napatingin ako kay Carliyah na humagikhik lang.

"Where did that came from?"

"Calyx Jimenez? Isn't he your ex, Ate?" Si Dylan.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"What? Totoo naman," dagdag pa nito.

"Your ex, Katana? Ex-boyfriend?" Nagkibit balikat ako. "Bakit ka nakipaghiwalay?" She said hysterically.

Sinulyapan ko siya.

"What do you mean, Mom?"

"They are family friend. I am close with Evangeline and Mateo. He is perfect for you! My God! Anong ginawa mong kagagahan na naman at hiniwalayan mo pa?" Naiinis na tanong niya.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon